San Pablo Apostol - Parish Youth Ministry

San Pablo Apostol - Parish Youth Ministry

Share

"To Make JESUS known and LOVED"

Photos from San Pablo Apostol - Parish Youth Ministry's post 10/08/2019

Atin pong malugod na binabati ang mga kabataang nagsipagtapos ng Certificate on Youth Ministry Pastoral Leadership and Empowerment (CYMPLE) na sina Charlene Feliciano, Angelica Urielle Cayetano, Beverlyn Balais at Rafael Cayetano.

Gayundin po sina Mary June Garcia at Miguel Cayetano na nagsipagtapos ng Seminar on Facilitating Youth Retreats and Recollection.

Pagpalain kayo ng Panginoon sa inyong misyon na ipakilala si Hesus upang siya'y mahalin at paglingkuran! 💓






07/08/2019

Atin ding binabati ang ating Ate at Kuya sa PYM na nakapagtapos din ng Training on Facilitating Youth Retreats and Recollections.

Miguel L. Cayetano
PYM Coordinator

Mary June C. Garcia
PYM Secretary

Congratulations!

07/08/2019

Maligayang pagbati sa mga kabataan ng ating Parokya na magtatapos ng Certificate on Youth Ministry Pastoral Leadership and Empowerment - Batch 8 ng University of Sto. Tomas Center at ng Archdiocesan Commission on Youth ngayong August 10, 2019!

Rafael L. Cayetano
Liturgy Committee Head

Angelica Urielle L. Cayetano
Academic Committee Head

Charlene Joy Feliciano
Formation Committee Head

Beverlyn Balais
PYM Treasurer

Ang buong Parokya ay masaya para sa inyong pagtatapos! Nawa ay magamit ninyo ng wasto ang mga natutunan ninyo sa paghuhubog na ito.

Muli, ang aming pagbati!

04/08/2019

COSF NAAAA!!!!! :)
Pwede ng magparegister.
Para sa nais magregister at nangangailangan ng tulong, mamaya po sa newland ay pwedeng magparegister. May laptop po na maaaring ipagamit sa atin na makakaaccess sa ating Google form kung nasaan ang ating online registration. Hanapin lamang po si Ate Babes o sinumang mga Ate at Kuya na maaari nating makita sa Newland. Magsisimula po ito sa ganap na ika-6 ng gabi. Salamat po!!!! Magkita kita po tayo!!!!!!!! 😍😍😍😍😍😍😍


!

02/08/2019

GUSTO MO BANG MAGLEVEL UP?????

DAHIL AGOSTO NAAA!!!! COSF NAAAAA!!!
Para sa mga kabataang naglilingkod sa ating parokya,
Ang gawaing ito ay bukas para sa inyo! :)

Ano nga ba ang COSF o Canossian Oratorio Sports Fest?
Ito ay isang gawaing pang-SPORTS na sama-samang nilalahukan ng lahat ng mga kabataang kanosyano. Ito ay ginugunita natin taon taon na ginaganap sa iba’t ibang komunidad ng mga Kanosyano. Para sa taong ito, ang COSF ay gaganapin sa Komunidad ng TONDO. Higit pa sa Sports, madami pang ibang mga gawain na nakapaloob sa COSF na syang maeenjoy ng lahat at paniguradong maghahatid ng aral at masayang ala-ala. ^_^ Kayaaaaaaaaaa…. ARAT NA SA ODNOT!!!!! :)

Handa ka na ba? Ano ang mga kailangan?
Syempre, punan ang Online registration. Pakipindot lamang ang link sa baba.
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScDNOkp3Zy9X-MK0R6gFK0RR1aau8vjJEQU8c5TGyvle8XdSA/viewform?usp=pp_url)

At, magbayad ng Registration fee na P300.00.
Hanapin lamang sina:
Ate Babes at Ate Anabel- Tondo
Ate Alyannah- Marikina
Ate Angel - Bataan
Ate Abigail- Cavite

TARA NA!
SAMA-SAMANG MAGLARO, SAMA-SAMANG MAMUHAY, SAMA-SAMANG MAGDASAL HIGIT SA LAHAT, SAMA-SAMANG KILALANIN SI KUYA HESUS.

COSF DATE: AUGUST 24-26, 2019
Deadline of Registration and Payment: August 17, 2019
PM for more info! :)

30/07/2019

Magkita-kita po tayo mamaya mga ML Gamers!
Magpalista na mula ngayong martes hanggang sabado, July 30 to August 3, 4:00-9:30PM at hanapin sina Mike Perez, Gericko Gonzales at Raf Cayetano.

24/07/2019

Tara na para sa isang gabing kasama Siya. Kasama si Kuya Hesus! :) Makibahagi, maging kabahagi, magbahagi.

Bible Sharing mamaya! :)
7:00 PM, SPA Youth Center

See you, Kalakbay! :)

21/07/2019

Ang MOBILE LEGEND Tournament natin ay ire-reschedule. Ito po ay gaganapin na sa August 4, 2019, Sunday, 10am sa San Pablo Apostol NewLand - Youth Center, Velasquez St., Tondo, Manila.

Bukas ito para sa lahat, loob man o labas ng nasasakupan ng parokya. Bumuo ng isang team na may limang (5) miyembro at magpalista at magbayad ng registration fee sa opisina ng parokya. O 'di kaya'y magpalista kina kuya Raf Cayetano, Kuya Mike Adison Perez o Kuya Gericko Robert Aclado Gonzales. Maganda ring may pangalan ang team ninyo. :)

Ang laban ay mahahati sa dalawang division, ang GM-EPIC division at ang LEGEND-MYTHIC division.

Ang mga team na magkakampeyon sa bawat division ay mananalo ng P3000 at ang team na matatalo sa finals ay tatanggap ng P1000. Ang mga Semi-finalist na teams naman ay tatanggap ng P500.

Kaya, ano pa'ng hinihintay niyo? Bumuo na ng team at ipakita ang galing sa ML. Nag-enjoy ka na, makakatulong ka pa sa mga kabataan natin sa parokya para sa paghahanda sa gaganaping COSF 2019.

Muli, sali na kayo at markahan na ang petsa sa inyong mga kalendaryo para sa ating .

19/07/2019

Sa mga ML Gamers diyan, baka gusto niyong sumali sa o . ML for a Cause.

Ito po ay bukas para sa LAHAT (NO AGE LIMIT). Bumuo lamang ng limang miyembro sa isang team at magregister sa halagang 500.00 lamang.

Ang tournament ay nahahati sa dalawang division, ang GM-Epic Division at Legend-Mythic division.

Ang mga premyo ay ang mga sumusunod:
CHAMPION - 2000.00
2nd place - 1000.00
2 Semis - 500.00

Kaya sumali na at mag-aya ng iba. Nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa mga kabataan ng San Pablo Apostol Parish para sa kanilang paghahanda para sa COSF 2019.

Hanapin lamang sina Kuya Mike Adison Perez, kuya Gericko Gonzales at kuya Raf Cayetano o ang iba pang kabataan sa parokya para sa iba pang mga tanong. Maaari din kayong mag-iwan ng komento dito.

19/07/2019

Magandang araw mga KaLakbay! :)

Sa darating na August 24-26, 2019, ang Canossian Youth in the Philippines ay magkakaroon ng taunang Canossian Youth Sportsfest dito sa Tondo.

Kaugnay po nito'y, kami ay lumalapit sa bawat pamilya na magpatuloy ng isa o higit pang mga kabataan sa inyong mga tahanan para sa tatlong araw na gawaing ito.

Para po sa iba pang detalye at pag-fill up ng registration form, hanapin lamang si Ate June Garcia o magtungo sa ating parish office o Oratorio Admin Office.

Maaari din pong i-text ang numerong ito para sa iba pang katanungan.
09772539301

Maraming Salamat po! ❤️



Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Velasquez Tondo
Manila
1013