Muli po kaming nagbabalik para sa Week 19 ng ating Online Weekly Raffle! π€©
Ano pang hinihintay niyo? Manood na at makisaya sa ating live!Huwag kalimutang gawin ang mga sumusunod para may tsansang manalo:
β’ I-like at I-share ang livestream na ito.
β’ Mag-comment at i-tag ang inyong mga kaibigan.
β’ Manatiling nakatutok hanggang dulo!
Konsi Jeff Lau
Ang official na page ni Konsehal Jeff Lau, ang Big Brother ng Distrito Tres ng Maynila. Ang Big Brother ng Distrito Tres ng Maynila
03/06/2026
Kaya ano pang inaantay niyo? Huwag nang magpahuli! Sumali at makisaya na sa ating Online Weekly Raffle! Malay mo, ikaw naman ang susunod na manalo ngayong Week 19!
Na-inspire ba kayo sa mga nanalo natin ngayong linggo? Kaya ano pang inaantay niyo? Sumali at makisaya sa ating Online Weekly Raffle!
02/06/2026
PAGPUPUGAY SA MGA BATANG MAYNILA PRESIDENTIAL SCHOLARS! π
Isang mapagpalang umaga sa ating mga ka-Big Brother! βοΈ
Kasalukuyan pong nagtitipon ang ating mga dedikadong mag-aaral dito sa Rizal Memorial Coliseum para sa isang makasaysayang Meet and Greet kasama ang Pangulo ng Pilipinas, Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Ang programang ito ay pagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan upang masigurong may de-kalidad na edukasyon at magandang kinabukasan ang bawat kabataang ManileΓ±o.
Mabuhay ang ating mga Presidential Scholars! Patuloy nating abutin ang ating mga pangarap para sa pamilya at sa bayan. π΅π
02/06/2026
ALAGANG BATO, KAYAMANAN NG BAWAT PILIPINO! π€π§
Magandang gabi, mga ka-Big Brother! ππΌβ¨
Ngayong buwan ng Hunyo, kaisa ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng National Kidney Month. Ang ating mga bato o kidneys ay maliit na bahagi lang ng ating katawan, pero napakalaki ng gampanin ng mga ito para panatilihin tayong malakas, masigla, at buhay na buhay!
Kaya naman, narito ang ilang simpleng hakbang at paalala mula kay Konsehal Jeff Lau para sa sa ating kalusugan:
π§ Uminom ng sapat na tubig araw-araw para maiwasan ang dehydration.
π§ Bawasan ang maaalat at mamantikang pagkain (bawas-bawas muna sa instant noodles at sitsirya!).
π©Ί Magpa-check up nang regular, lalo na kung may high blood o diabetes.
Huwag nating hintaying sumakit o magkaproblema bago natin alagaan. Susi ang maagang pag-iingat para sa isang mas mahaba, mas produktibo, at masayang buhay kasama ang ating pamilya.
Tandaan: Ang kalusugan ng bawat isa ang pinakamalaking kayamanan ng ating pamayanan! π€πΌ District 3, subaybayan ang ating kalusugan! π
Isang malusog at mapagpalang buwan sa ating lahat! Stay healthy, mga ka-Big Brother! π₯°
πΈ Poster Design by: Jeissamel Benitez Lucas
02/06/2026
Isang malaking pasasalamat po sa mabuting puso na nag-donate ng C2 para sa ating mga kapitbahay sa Baseco, District 5, Manila na naapektuhan ng sunog noong nakaraang Huwebes. ππΌπ
Malaking kaginhawaan po ito para sa kanila sa gitna ng pagsubok na ito. Solid ang bayanihan, salamat sa walang-sawang pagmamahal! ππΌ
02/06/2026
FRESH LOOK PARA SA PRODUKTIBONG MARTES!βοΈβ¨
Magandang Martes, mga ka-Distrito! Isang masiglang simula ng araw agad ang ating pinagsaluhan dahil kanina lang ay dinala natin ang ating Libreng Gupit Program sa Barangay 366 para masigurong pogi, gupit-artista, at presko ang ating mga ka-barangay ngayong Martes.
Maraming-maraming salamat sa napakasipag at napakabait na si Chairman Nestor Buco sa napakainit na pagtanggap sa aming team! Kulang ang salitang salamatβmula sa pampalamig na soft drinks, hanggang sa masarap na fried noodles na ibinahagi ninyo para sa meryenda ng ating mga staff. Busog ang tiyan at busog din ang puso ng buong Team Lau! π₯€πβ€οΈ
Patuloy tayong maglilingkod nang may ngiti at malasakit. Isang mapagpalang Martes sa ating lahat at hanggang sa susunod na gupitan, Barangay 366!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Website
Address
Manila
