Mamigay po ng bigas ngayon sa Brgy hall,
Punta po kayo lahat ng may Yellow card. Salamat po
Brgy 264 zone 24
-Under the term of Punong Barangay Teresita S. Yambao
30/04/2026
Sa gitna ng isang napakahirap na pagsubok, lubos po kaming nagpapasalamat na kami ay ligtas matapos ang nagyaring malaking sunog sa aming Barangay na siyang nagdulot po ng malaking pinsala sa mga residenteng naapektuhan, Gayun pa man kami ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoong Maykapal na walang nasaktan sa aming mga pamilya.
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng taong ginawang instrumento ng Panginoon upang magpa abot ng tulong pinansyal, first aid kit, pagkain, tubig at mga iba pang pangangailangan.
Maraming Salamat po sa Gobyerno ng Maynila sa pangunguna ng ating butihing Mayor Isko Moreno At Vice Mayor Chi Atienza at sampu ng kanyang mga Council sa distrito 2;
Gayundin po sa MDSWD sa pangunhuna ni Sir Jay dela Fuente katuwang ang District 2 MDSWD Head Maam Cha at kanyang mga kasama sa agarang pagtalima at pagtulong sa mga apektado sa aming Barangay, at sa bumbero na rumesponde sa aming lugar, Salamat po, at sa mga taong pribado na nagpapaabot ng tulong sa aming mga ka-barangay na apektado, higit sa lahat sa mga taong nagdasal para kaligtasan ng mga naapektuhan ng sunog, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
Batid po namin na ito ay mahirap, ngunit tayo po ay may pananalig at tiwala sa Diyos at sa ating kakayahan upang malagpasan ang nangyaring trahedyang ito. Sama-sama po tayong manalig na sa gitna ng unos ay may pag asa at liwanag na sa atin ay magbibigay ng lakas upang bumangon.
Patnubayan po tayo ng Poong Maykapal, sa laban at muling pagbangon ng bawat isa sa atin. Hangad po namin ang kaayusan at kapanatagan ng inyong mga kalooban sa gitna ng unos na ito.
Maraming salamat po sa inyong lahat.
đź“·Ctto: Manila City DRRM Department
29/04/2026
28/04/2026
Ating alamin kung ano nga ba ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program at ang Expanded 4PH. Paano ito makatutulong sa mga pamilyang Pilipino na nagnanais magkaroon ng abot-kayang ligtas at maayos na tahanan?
Basahin ang kabuuang detalye sa ibaba ⬇
22/04/2026
Mahalagang Anunsyo:
Para po sa minamahal naming ka-barangay.
Ito po ay isang paglilinaw sa pamimigay po ng 10 kilong bigas.
May ibinaba o ipinamahaging Memorandum mula sa Barangay Bureau mula sa City Government of Manila na kung saan ito ay naglalaman ng mga taong makakatanggap ng 10kilong bigas, at nakasaad na ito po ay nakalaan para sa Miyembro ng Sangguniang Barangay na kailangan i-liquidate; taliwas po sa mga inaasahan ng aming nasasakupan at sa mga nababasa at naririnig po sa mga social media flat form.
Salamat po sa inyong pakikiisa at pang unawa.
Ingat po tayo lagi mga Kabarangay.
22/04/2026
13/04/2026
Water Advisory:
MNL: (Update) The low pressure to no water supply in portions of Brgys. 1 to 5, 7 to 18, 20, 25, 26, 28 to 39, 42, 43, 45 to 47, 56 to 60, 62 to 64, 66 to 75, 77, 79 to 107, 109 to 112, 116 to 123, 147 to 154, 156 to 159, 161 to 183, 185, 186, 234, 235, 239 to 250, 252 to 262, 264 to 267, 275, 313 to 315 and 326 to 335 Manila, due to ongoing emergency repairs on a major pipeline at Sta. Maria cor. Coral St., Tondo, Manila, has been extended until April 13, 2026, 11:00 am. Water tankers will be deployed as needed. We apologize for the inconvenience and thank you for your understanding.
12/04/2026
Maynilad Advisory
Nagkaroon ng emergency pipe breakage sa pangunahing water pipeline ng Maynilad sa Sta. Maria cor. Coral St., Tondo, Manila. Dahil dito, maaaring nakararanas ang ilang customer sa mga bahagi ng Manila City ng low pressure hanggang sa walang tubig.
Bilang agarang tugon, nagsasagawa ang aming team ng pressure management at repair works upang makontrol ang pagtagas at maibalik ang serbisyo sa lalong madaling panahon.
Nagpapadala rin kami ng mobile water tankers sa mga apektadong lugar bilang pansamantalang suplay ng malinis na tubig.
Patuloy po naming mino-monitor ang sitwasyon at magbibigay ng updates sa aming page (Maynilad) at X account ().
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
07/04/2026
LOOK | Peace and order starts with everyday choices.
Sa ilalim ng Article 155, paragraph 2 ng Revised Penal Code, may pananagutan ang sinumang nagdudulot ng gulo sa pampublikong lugar kabilang ang kaguluhan habang lasing.
Hindi ito simpleng “bisyo lang.” Kapag may istorbo, may batas na umiiral.
Kasama rito ang:
• public disturbance at alarms and scandals
• unjust vexation o pang-iistorbo sa kapwa
• resistance o pagsuway sa awtoridad
• tumults at mas seryosong kaguluhan sa publiko
• acts against decency sa pampublikong lugar
At sa mga LGUs, may dagdag pang ordinansa sa public drinking, videoke, curfew, at iba pang nakakaapekto sa kaayusan.
Simple lang:
Uminom kung gusto. Huwag manggulo. Lalo na huwag gawin sa publikong lugar.
Respeto sa sarili. Respeto sa kapwa. Respeto sa komunidad.
May batas. Ipatupad natin nang tama.
06/04/2026
Malugod po naming ipinapaalam sa inyo ang PAYOUT ng SOCIAL PENSION for INDIGENT SENIOR CITIZENS ng ating barangay;
Ang Payout schedule ng ating Barangay ay
APRIL 8, 2026 sa ganap na 1 hanggang 3 ng hapon sa Patricia Sports Complex (Old Bldg.)
Para po sa mga guidelines at Dokumento na kailangan dalin sa araw ng Payout ay nakasaad sa ibaba.
*para po sa mga listahan ng mga benepisyaro ay maari po na kayo ay magtungo sa tanggapan ni PB Teresita Yambao para ma-beripika kung kayo ay kasama.
*HINDI PO NAMIN I-POST ANG MGA PAGKAKAKILANLAN NG MGA SENIOR CITIZENS NA BENIPISYARYO DAHIL TAYO PO AY TUMATALIMA SA ISINASAAD NG DATA PRIVACY ACT NA IPINATUTUPAD.
Maraming Salamat po.
06/04/2026
Congratulations Batch 2026!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Manila
1012
