27/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐๐๐-๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐)
Ang maayos na pamamahala ay nagsisimula sa integridad, disiplina, at pananagutan ng bawat lingkod-bayan. Mahalaga na ang mga pagpapahalagang ito ay hindi lamang nakasaad sa mga alituntunin, kundi aktuwal na isinasabuhay sa pang-araw-araw na paglilingkod sa ating mga Mansaleรฑo.
Sa pamamagitan ng ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐จ. ๐๐๐-๐๐๐๐, na nagtatatag sa๐๐จ๐ซ๐๐ฅ ๐๐๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐), isinusulong ang pagpapalakas ng etika sa serbisyo publiko, propesyonalismo, paggalang sa kapwa kawani, at responsableng paggamit ng mga kagamitan at pondo ng pamahalaan. Kinikilala natin ang mahalagang ambag ni ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ฒ๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐๐๐ซ๐ช๐ฎ๐๐ณ, may-akda ng ordinansang ito, sa ilalim ng ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐จ๐ง ๐๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐, ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ญ๐ก๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ.
Sa ilalim ng programa, isasagawa ang mga gawaing tulad ng values formation, ethics orientation, employee development, at pagkilala sa mga kawani na nagpapakita ng huwarang paglilingkod. Layunin nitong palakasin ang disiplina, maayos na samahan sa lugar ng trabaho, at pananagutan sa pagtupad ng tungkulin. Higit sa lahat, ang mga pagpapahalagang ito ay inaasahang maisalin sa magalang, patas, maagap, at responsableng serbisyo para sa bawat Mansaleรฑo.
Mahalagang maisabuhay ang mga prinsipyong ito sa bawat tanggapan ng pamahalaang bayan. Sa pagpapatupad ng Moral Recovery Program, hangad nating mapatatag ang kultura ng integridad at malasakit sa serbisyo publiko, sapagkat ang tiwala ng mamamayan ay kaakibat ng ating tungkuling maglingkod nang may dangal at propesyonalismo.