Miguel Arca

Miguel Arca Municipal Councilor of Maragondon

Laging Maaasahan, Umaaksyon Agad

Fast Acting Public Servant, Slow, Mediocre Cyclist

19/10/2026
π‘ͺ𝑨𝑽𝑰𝑻𝑬 𝑺𝑬𝑹𝑽𝑰π‘ͺ𝑬 π‘ͺ𝑨𝑹𝑨𝑽𝑨𝑡Layunin po nito na direktang ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayan upang mas ...
17/10/2026

π‘ͺ𝑨𝑽𝑰𝑻𝑬 𝑺𝑬𝑹𝑽𝑰π‘ͺ𝑬 π‘ͺ𝑨𝑹𝑨𝑽𝑨𝑡

Layunin po nito na direktang ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayan upang mas maging mabilis at madali ang pag-access sa tulong na kailangan ng bawat mamamayan.

Naniniwala tayo na mas makabuluhan ang serbisyo kapag ramdam ito ng bawat mamamayan. Kaya naman, tuloy-tuloy lang tayo sa pagkilos, pakikipagtulungan, at paghahatid ng serbisyo.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite at ng Bayan ng Maragondon, tuloy-tuloy ang mga ganitong programang tunay na mararamdaman ng bawat mamamayan. πŸ’šπŸ’™

16/10/2026

Kasama ni Mayor Lawrence "Umbe" Arca tayo’y nagpapasalamat sa Provincial Government of Cavite, sa pangunguna nina Gov. Abeng Remulla, Vice Gov. Ram Revilla, at Board Member Jasmin Maligaya-Bautista, para sa matagumpay na Cavite Service Caravan na naghatid ng iba’t ibang serbisyo at tulong para sa ating mga kababayan.

π—‘π—’π—§π—œπ—–π—˜ 𝗒𝗙 π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—₯π—œπ—‘π—šInaanyayahan ang lahat ng mga pasaherong apektado at may kinalaman sa panukalang pagtaas ng pasa...
14/10/2026

π—‘π—’π—§π—œπ—–π—˜ 𝗒𝗙 π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—›π—˜π—”π—₯π—œπ—‘π—š

Inaanyayahan ang lahat ng mga pasaherong apektado at may kinalaman sa panukalang pagtaas ng pasahe sa Tricycle sa Bayan ng Maragondon na dumalo sa Public Hearing na pangungunahan ng Committee on Transportation and Tricycle Franchising.

β€’ Oktubre 15, 2026 (Huwebes)
β€’ Oras: 9:30 AM
β€’ Sangguniang Bayan Session Hall

Layunin ng pagdinig na talakayin ang posibleng pagbabago sa pasahe sa Tricycle bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang gastusin.

Mahalaga ang inyong pakikilahok, opinyon, at mungkahi upang matiyak na maririnig ang panig ng ating mga pasahero at iba pang sektor na maaapektuhan ng panukalang ito.

Last Monday, tayo po ay nakinig at nakipag-usap sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng People’s Day! πŸ’šπŸ’™Para sa akin, h...
14/10/2026

Last Monday, tayo po ay nakinig at nakipag-usap sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng People’s Day! πŸ’šπŸ’™

Para sa akin, hindi lang po ito tungkol sa paglapit sa opisina, kundi sa pagbibigay ng oras, pakikinig sa inyong mga concerns, at paghahanap ng paraan para matugunan ang inyong mga pangangailangan.

Kaya sa bawat kuwento, hinaing, at mungkahi ninyo, makakaasa kayong bukas ang ating pinto at handa tayong tumulong sa abot ng ating makakaya.

Laging Maaasahan, Umaaksyon Agad πŸ’šπŸ’™

12/10/2026

Good morning mga Batang Maragondon!

Abangan niyo ang mahalagang anunsyo para sa mga College Graduating Students ng ating bayan. πŸ’šπŸ’™

Dumalo po tayo sa 36th Commencement Exercises ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Maragondon bilang Act...
11/10/2026

Dumalo po tayo sa 36th Commencement Exercises ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Maragondon bilang Acting Mayor.

Ikinagagalak po nating masaksihan ang bunga ng pagsisikap, sakripisyo, at determinasyon ng ating mga nagsipagtapos. Ang araw na ito ay hindi lamang tagumpay ng bawat mag-aaral, kundi tagumpay rin ng kanilang mga pamilya, g**o, at ng buong pamayanan na naging bahagi ng kanilang paglalakbay.

Congratulations, PUP–Maragondon graduates! Ipagpatuloy ninyo ang pag-abot sa inyong mga pangarap at maging inspirasyon sa susunod na henerasyon. πŸ‘πŸŽ“

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na edukasyon ang pagsasakatuparan ng Groundbreaking Ceremony para sa pagtat...
09/10/2026

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na edukasyon ang pagsasakatuparan ng Groundbreaking Ceremony para sa pagtatayo ng 3-Storey, 9-Classroom School Building sa Maragondon Elementary School.

Mula sa Pamahalaang Bayan ng Maragondon tayo po ay taos-pusong nagpapasalamat sa Provincial Government of Cavite, sa pangunguna ni Gov. Abeng Remulla, kasama sina Vice Gov. Ram Revilla Bautista at Board Member Jasmin Maligaya-Bautista, sa patuloy na suporta at pakikiisa para sa ikauunlad ng edukasyon sa ating bayan.

Kasama ni Mayor Lawrence "Umbe" Arca, naniniwala po tayo na ang bawat silid-aralang ating itinatayo ay isang pamumuhunan sa pangarap at kinabukasan ng ating mga kabataan. Patuloy nating isusulong ang mga programang magbibigay ng mas maayos na pasilidad at mas magandang oportunidad para sa bawat Batang Maragondon.

Sama-sama para sa edukasyon, sama-sama para sa patuloy na Unlad Angat ng Maragondon! πŸ’šπŸ’™

Address

Maragondon
4112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Miguel Arca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category