28/04/2026
🎉🎊 PABATID! PABONGGAHAN NA SA FIESTA RAFFLE 2026! 🎊🎉
Handa na ba kayo sa dalawang gabi ng saya, kantahan, at walang kapantay na papremyo? Tara na at makiisa sa pinaka-aabangang kaganapan ng taon, ang FIESTA RAFFLE 2026! 🌟
📅 APRIL 30
🎤 JAMWITAN at RAFFLE
📍 Gaganapin sa harap ng TUASONVILLE MULTI-PURPOSE
⏰ 7:00 PM
Asahan ang kantahan, tawanan, at mga papremyong siguradong mapapangiti kayo!
📅 MAY 01
👑 STA. CRUZAN at GRAND RAFFLE
📍 Sa TAÑONG PLAZA
⏰ 7:00 PM
Isang engrandeng gabi ng kagandahan at kapana-panabik na GRAND RAFFLE na hindi ninyo dapat palampasin!
🎟️ PAANO MAKAKAKUHA NG RAFFLE TICKETS?
Madali lang! Ang ating masipag at maaasahang Action Man na si KAP. DANNY DEL CASTILLO ay personal na mag-iikot upang mag-alok ng tickets.
Kung sakaling hindi ninyo siya makita, wag mag-alala! 😉
Maari kayong dumiretso sa Tanggapan ng ating Punong Barangay at hanapin lamang siya roon.
💥 Huwag magpahuli! Sumali, manalo, at makisaya!
Dalhin ang buong pamilya, barkada, at kapitbahay—dahil ang Fiesta ay mas masaya kapag sama-sama! 💃🕺
🎈 Kita-kits sa FIESTA RAFFLE 2026 na kung saan ang saya ay walang kapantay at ang papremyo ay bonggang-bongga! 🎈
Special Thanks to Dom's Line sa napakagandang raffle tickets! 🩷
27/04/2026
📢 PABATID!!!
Sa lahat po ng mga nagpalista at nagnanais sumali sa ating Santa Cruzan '26, magkakaroon po tayo ng mahalagang pagpupulong bukas, alas-6 ng gabi, sa 2nd floor, session hall ng ating barangay.
Mahalaga po ang inyong pagdalo sapagkat dito ibibigay at tatalakayin ang mga gagampanan ng bawat kalahok. Ang mga hindi po makakadalo ay maaaring hindi na maisama sa listahan ng mga sasali.
Inaanyayahan din po namin ang mga nais pang sumali at ipakita ang kanilang natatanging ganda at kumpiyansa na magtungo bukas sa ating barangay.
Maraming salamat po.
27/04/2026
Distribution of FREE LEARNING MATERIALS❗️❗️❗️
Isang taos-pusong pasasalamat sa matagumpay na Distribution of Free Learning Materials para sa ating mga mag-aaral na kasalukuyang nag-su-summer class sa Tañong Child Development Center. 📚
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng ating masipag na Action Man, Kap. Danny Del Castillo, katuwang ang Committee Chairman on Education, Kagawad Rhom Berdin. 🧡
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Teacher Nelly Carillo sa kanyang walang sawang dedikasyon sa pagtuturo at paggabay sa ating kabataan. ✨
Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat bata. 🧡🩷💚✨
25/04/2026
🎉✨ TAGUMPAY ANG GRAND OPENING! ✨🎉
Isang makulay at masayang gabi ang ating pinagsaluhan sa matagumpay na pagbubukas ng Banchetto sa Tañong Plaza! 🍢🍔🍹
Naging espesyal ang okasyon sa matagumpay na Ribbon Cutting Ceremony 🎀✂️ at sa napakagandang Fireworks Display 🎆 na tunay na nagbigay liwanag at saya sa ating lahat!
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakisaya—ang inyong suporta ang nagbibigay buhay sa ating komunidad. 🩷🧡
Patuloy pa rin ang food trip at kasiyahan mula 2:00 PM hanggang 12 midnight, kaya tara na at dalhin ang buong pamilya at barkada! 😋🎊
📍 Kita-kits sa Tañong Plaza!
25/04/2026
FREE NESTLÉ MILO AT FITNESS SESSION! 💚🏃♂️
Isang masigla at matagumpay na umaga ang ating pinagsaluhan ngayong April 25, 2026 sa NAWASA Whole Court! 🧡✨
Sama-sama tayong gumalaw, tumawa, at nagpalakas kasama ang paborito nating MILO! 💪🥤
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, mula sa ating mga kabataang kalahok hanggang sa mga magulang at residente na buong pusong sumuporta. 👧🧒💚
Lubos din ang aming pasasalamat sa pakikipagtulungan ng ating Action Man, Kap. Danny Del Castillo, at ng Nestlé Milo Philippines sa pagbibigay ng saya at libreng inumin para sa lahat! 🤝✨
Hanggang sa susunod na aktibidad! Tuloy-tuloy lang sa pagiging aktibo at malusog! 🏃♀️🎉
25/04/2026
🎉✨ GRAND OPENING NA! ✨🎉
Inaanyayahan ang lahat sa isang makulay at masayang selebrasyon para sa pormal na pagbubukas ng BANCHETTO sa TAÑONG PLAZA (harap ng Barangay Hall)! 🍢🍔🍹
Simulan na ang food trip at bonding kasama ang pamilya at barkada dahil bukas na ang mga stall simula ika-2 ng hapon!
At pagsapit ng ika-6 ng gabi, tunghayan ang ating engrande at pormal na programa tampok ang Ribbon Cutting Ceremony 🎀✂️, isang kamangha-manghang Fireworks Display 🎆, at Live Band Performances na tiyak magpapasaya sa inyong gabi!
Ang proyektong ito ay hatid ng pagtutulungan ng ating Sangguniang Barangay Council sa pangunguna ng ating Action Man, Kap. Danny Del Castillo, katuwang ang STREATSMART, upang magbigay saya, oportunidad, at mas masiglang komunidad para sa ating lahat.
📍 Kita-kits sa TAÑONG PLAZA!
Dalhin ang buong pamilya at barkada—tiyak na busog ka na, masaya ka pa! 😋🎊
*Magbibigay din ng RAFFLE TICKETS mamaya ang ating Action Man, Kap Danny kasama ang SANGGUNIANG BARANGAY para sa darating na Pa-raffle sa APRIL 30, 2026 (JAMWITAN) sa pakikipag-ugnayan padin ng STREATSMART.
17/04/2026
FREE NESTLÉ MILO AT FITNESS SESSION! 💚🏃♂️
Simulan ang araw nang puno ng enerhiya at saya! 🧡
Sama-sama tayong gumalaw, mag-enjoy, at magpalakas kasama ang paborito nating MILO! 💪🥤
📅 Petsa at Oras: APRIL 25, 2026 | 8:30 AM
📍 Lugar: NAWASA Whole Court, Provident Villages, Tañong, Marikina City
👧🧒 Para sa edad 5 years old pataas
Sa pakikipag-ugnayan ng ating Action Man, Punong Barangay Kap. Danilo Del Castillo at ng Nestlé Milo Philippines 🤝
✨ There’s more! May OVERFLOWING FREE MILO DRINKS para sa lahat!
Tara na! Dalhin ang pamilya at barkada—huwag palampasin ang masayang umaga na puno ng galaw at libreng Milo! 🎉
14/04/2026
📣 PAALALA SA MGA RESIDENTE | ROAD CLEARING & ROAD CLOSURE 🚧
Para sa kaayusan, kaligtasan, at maayos na pagdiriwang sa ating barangay, narito ang mahahalagang abiso:
🔶 BARANGAY ROAD CLEARING OPERATION (BaRCO)
Alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2024-053, pinakikiusapan ang lahat ng may-ari ng sasakyan at mga nakatambak na gamit na pansamantalang alisin muna sa mga sumusunod na lugar:
📅 Abril 29, 2026 (Miyerkules) | 7:00 AM
📍 Tuazonville (Road 1, 2, 3, 4, 5, at 6)
📅 Abril 30, 2026 (Huwebes) | 7:00 AM
📍 Gen. Julian St., Tipan St., at Lopez Jaena
🔶 PANSAMANTALANG PAGSASARA NG KALSADA
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Jose, magkakaroon ng road closure upang bigyang-daan ang mga aktibidad tulad ng prusisyon at sagalahan:
📅 Simula: Abril 30, 2026 | 6:00 PM
📅 Hanggang: Mayo 2, 2026 | 1:00 AM
📍 Apektadong Lugar:
• Tuazonville (Road 1–6)
• Manggahan
📌 Paalala: Makipagtulungan po tayo upang maiwasan ang abala at mapanatili ang kaayusan sa ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon! 💛
14/04/2026
AKSYON AGAD! 🚨🔥
Kahapon ay may naganap na sunog sa Columbia St., Provident Villages. Agad itong nirespondehan ng ating Action Man, Punong Barangay, Kap. Danilo Del Castillo upang tiyakin ang mabilis na aksyon at tulong para sa mga naapektuhan.
Nakiisa rin ang ilang miyembro ng Sangguniang Barangay ng Tañong at Jesus Dela Peña, kasama ang kanilang Punong Barangay, at ang ating magigiting na firefighters. Dumating din ang suporta mula sa mga karatig-barangay na nagpadala ng firetrucks at karagdagang responders.
Sa gitna ng sakuna, nangingibabaw ang bayanihan, malasakit, at pagkakaisa ng komunidad. 💛
Patuloy tayong magtulungan para sa kaligtasan ng bawat isa.
14/04/2026
Isang linggo matapos ang matagumpay na open forum sa Tuasonville, agad tayong kumilos para sa konkretong pagbabago. 🧡
Isinagawa ang pagpapalagay ng yellow line sa Kalye Putol bilang hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at organisadong daloy ng sasakyan at komunidad. Pinangunahan ito ng ating masipag at Action Man, Punong Barangay, Kap. Danilo Del Castillo, katuwang ang mga residente na tunay na nakikiisa para sa ikagaganda ng ating lugar.
Hindi lang ito simpleng guhit sa kalsada, ito ay simbolo ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa kapwa. Sama-sama, tuloy-tuloy ang pag-asenso ng Tuasonville. 🚧✨
07/04/2026
PISTA at BARANGAY DAY ‘26
Sa gitna ng isang mundong patuloy na hinahamon ng kaguluhan at sigalot, lalo na sa mga nangyayari sa Middle East, pinipili nating mga taga-Tañong ang manindigan sa pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa.
Ngayong taon, ang ating pista ay hindi man magarbo, ngunit ito ay payak, makabuluhan, at may pusong nagdarasal. Sa pangunguna ng ating “Action Man,” Punong Barangay Kap. Danny Del Castillo, ang Sangguniang Barangay ng Tañong ay nagpasya na idaos ang isang pagdiriwang na sumasalamin sa pakikiisa natin sa pandaigdigang panawagan, ang maging mas maingat, mas mapagkumbaba, at mas makadiyos sa gitna ng krisis.
Sa halip na labis na kasiyahan, ang ating pista ay magiging alay na panalangin para sa kapayapaan ng mundo, at paalala na sa kabila ng dilim, ang liwanag ng pag-asa ay hindi kailanman mawawala.
Narito ang mga inihandang programa at aktibidad:
📅 ABRIL 25 hanggang MAYO 1, 2026
🎉 Banchetto
Mula 2:00 PM hanggang 12:00 MN, magsasama-sama ang masasarap na pagkain, lokal na produkto, at gabi-gabing live bands sa pakikipagtulungan ng Streetmarts Events. Isang simpleng kasiyahan para sa bawat pamilya, masaya ngunit may malasakit.
📅 ABRIL 30, 2026
🎤 Jamwitan ‘26
Taglay ang temang: , Tipid Pero May Pag-asang Taglay
Isang gabi ng musika at tinig na magpapaalala na kahit sa gitna ng pagsubok, ang ating mga awit ay maaaring maging panalangin at pag-asa.
📅 MAYO 1, 2026
🙏 Prusisyon ng Ating Patron at Musiko
Isang taimtim na paglalakad ng pananampalataya, bitbit ang ating mga panalangin para sa kapayapaan, pagkakaisa, at kaligtasan ng bawat isa.
👑 Sagalahan 2026 – 6:00 PM | Barangay Plaza
May temang: : Igagapi ang Digmaan ng Dasal-Panambitan
Isang makabuluhang tradisyon na magpapaalala na ang kagandahan ng ating kultura ay nakaugat sa pananampalataya at pag-asa.
Sa panahong tila magulo ang mundo, pinipili nating maging tahimik na tinig ng kabutihan.
Sa panahong may digmaan, pinipili nating manalangin.
Sa panahong may takot, pinipili nating magbigay ng pag-asa.
Ang Pista ng Tañong ay hindi lamang selebrasyon, ito ay isang panalangin para sa mundo.
Makisama, makiisa, at makiramay, sapagkat sa ating pagkakaisa, may pag-asang sumisibol.