28/05/2026
🏀 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗖𝗨𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟲 🏀
𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘
Ang Sangguniang Kabataan Council ng Barangay Marikina Heights ay taos-pusong humihingi ng paumanhin para sa pansamantalang paghinto ng mga laro ng Inter-Color Basketball League 2026 noong mga nakaraang araw dulot ng mga kasalukuyang usaping inaayos ng SK Council.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong pasensya, pag-unawa, at patuloy na suporta sa panahong ito. Maraming salamat sa inyong pag-unawa, at inaasahan naming muli kayong makita sa court upang muling ipamalas ang inyong angking galing at kakaibang kakayanan sa larangan ng sports.
Narito na ang susunod na laban sa ating liga! 🔥
Handa na ba ang bawat koponan para sa panibagong bakbakan sa court? Sama-sama nating suportahan ang ating mga manlalaro at tunghayan ang exciting na laban ng araw na ito! 💪🏽🏆
📍 Check the official game schedule for match details.
26/05/2026
🏀 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗖𝗨𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟲 🏀
𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘
Narito na ang susunod na laban sa ating liga! 🔥
Handa na ba ang bawat koponan para sa panibagong bakbakan sa court? Sama-sama nating suportahan ang ating mga manlalaro at tunghayan ang exciting na laban ng araw na ito! 💪🏽🏆
📍 Check the official game schedule for match details.
29/04/2026
🏀 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗖𝗨𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟲 🏀
𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘
Narito na ang susunod na laban sa ating liga! 🔥
Handa na ba ang bawat koponan para sa panibagong bakbakan sa court? Sama-sama nating suportahan ang ating mga manlalaro at tunghayan ang exciting na laban ng araw na ito! 💪🏽🏆
📍 Check official game schedule for match details.
27/04/2026
📢 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 📢
Kaugnay sa mga usaping kumakalat sa komunidad at social media, nais ng Sangguniang Kabataan Council ng Barangay Marikina Heights na maglabas ng pampublikong pahayag upang magbigay-linaw sa mga isyung kinahaharap sa kasalukuyan.
Layunin ng pahayag na maiparating ang katotohanan, maiwasan ang maling impormasyon, at mapanatili ang kaayusan, respeto, at pagkakaisa sa ating komunidad.
Inaanyayahan namin ang lahat na basahin ang buong nilalaman ng pahayag at maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita at naririnig.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta, pag-unawa, at tiwala sa inyong Sangguniang Kabataan Council.
27/04/2026
📢 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐈 𝐒𝐊 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐀𝐓𝐇𝐀𝐒𝐇𝐈 𝐒𝐇𝐀𝐍𝐄 𝐄. 𝐒𝐎𝐑 📢
Kaugnay sa kumakalat na isyu at mga usaping lumalabas sa social media at komunidad, nais naming ipabatid sa lahat na inilalabas ni SK Chairperson Hon. Athashi Shane E. Sor ang kanyang opisyal na pahayag upang magbigay-linaw at maipahayag ang katotohanan hinggil sa nasabing usapin.
Inaanyayahan namin ang lahat na basahin ang buong pahayag at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon o haka-haka na maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pag-unawa, respeto, at suporta sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Marikina Heights.
18/04/2026
Congratulations for winning the Kabataan Sports Cup Intercolor 2026 Best Uniform.
17/04/2026
Congratulations for winning the Kabataan Sports Cup Intercolor 2026 Best Muse title.