16/10/2026
45TH REGULAR SESSION OF THE 11TH CITY COUNCIL OF MARIKINA - October 14, 2026
Sa ika-45 Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Marikina, ipinasa ni Konsehal Samuel "SF" Ferriol ang resolusyong magtitiyak ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa Philippine Red Cross โ Marikina City Chapter at sa REACH Project nito.
Kasama si Former Councilor Serafin โBojieโ Bernardino, Chairman ng Philippine Red Cross โ Marikina City Chapter, at Maโam Jennifer E. De Guzman, Chapter Administrator, binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan upang mapalakas ang kahandaan ng lungsod sa mga sakuna.
Bilang isang lungsod na paulit-ulit na humaharap sa pagbaha, matinding init, at mga bagyo, mahalagang hindi lamang tayo handang tumugon sa oras ng sakuna, kundi handa rin tayong kumilos bago pa ito mangyari.
Sa pamamagitan ng resolusyong ito, layuning mapanatili ang pagtutulungan sa paghahanda sa sakuna at pagprotekta sa buhay at kabuhayan ng mga Marikeรฑo, anuman ang pagbabago sa pamunuan ng lungsod.
Dahil ang kaligtasan ng bawat Marikeรฑo ay isang responsibilidad na dapat patuloy na pagkaisahan at panindigan.
- SF Social Media Team