BAYAN MUNA Marikina City

BAYAN MUNA Marikina City

Share

Sa isip, sa salita, sa gawa, Bayan Muna Marikina City!

Photos from BAYAN MUNA Partylist's post 09/07/2025

Noong Hulyo 15 taong 2024 pinataw ang hindi makatarungang hatol sa gawa-gawang kaso na sinampa laban sa Talaingod 13. Kabilang dito ang pambansang pangulo ng BAYAN MUNA na si ka Satur Ocampo.

Pinagpapatuloy natin ang panawagan na kagyat maglabas ng desisyon ang Court of Appeals na dapat baligtarin ang desisyon ng mas mababang hukuman.

✍️🏽 Pirmahan ang statement para sa hustitsya! ✍️🏽
https://bit.ly/DefendTalaingod13
https://bit.ly/DefendTalaingod13
https://bit.ly/DefendTalaingod13






Photos from BAYAN MUNA Partylist's post 08/01/2025

𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻, 𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻!
Limang (5) kritikal na laban noong 2024, siyam (9) na isyung kailangang bantayan at labanan ngayong 2025

Sa pagpasok ng 2025, nagpapatuloy ang ating laban para sa nakabubuhay na sahod, pagbaba ng presyo ng mga bilihin, pagsugpo ng korapsyon at pagpapanagot sa mga korap!

Tayo na, sama-sama nating ipaglaban ang interes at kagalingan ng bayan habang inuuna ng mga tradisyunal na pulitiko ang kanilang pansariling interes. Sa gitna ng pasiklaban at pangangako ng mga pulitiko at pekeng partylist isulong natin ang tunay na mga solusyon at panawagan nating taumbayan!

5️⃣9️⃣ tandaan!

Photos from BAYAN MUNA Marikina City's post 23/12/2024

🎉🎁 PASKUHAN SA TUMANA NAMAN!

Nagsama-sama ang komunidad ng Roga Compound, Barangay Tumana, para sa munting salo-salo at kasiyahan sa gitna ng krisismas na danas ng ordinaryong mamamayan. Hindi kailanman matatalo ng krisis na dala ni Marcos Jr. at ng pamahalaan ang diwa ng pagkakaisa para ipaglaban ang karapatan ng taumbayan.

Sa kabila ng mga hamon patuloy ang hangarin at pagpapasyang salubungin ang bagong taong bitbit ang lakas ng sama-samang pagkilos!

Photos from BAYAN MUNA Marikina City's post 17/12/2024

🎄𝘗𝘈𝘚𝘒𝘜𝘏𝘈𝘕 𝘒𝘈𝘚𝘈𝘔𝘈 𝘔𝘈𝘙𝘐𝘒𝘐𝘕𝘈 𝘚𝘌𝘊𝘛𝘖𝘙 𝘈𝘔𝘉𝘜𝘓𝘈𝘕𝘛 𝘝𝘌𝘕𝘋𝘖𝘙𝘚✊🏽

Nagdaos ng paskuhan ang sektor ng mga ambulant vendor sa Barangay Malanday, Marikina City noong ika-15 ng Disyembre.

Sinamahan sila ng ating magiting na dating Kongresista at ngayo'y 3rd Nominee ng BAYAN MUNA Partylist na si Ferdinand Gaite. Makabuluhan ang paskuhan sa talakayang tinukoy ang kalagayang kinakaharap ng mga ambulant vendor bilang mala-manggagawa lalo na sa kasalukuyang lipunan.

𝙎𝙞𝙜𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙫𝙚𝙣𝙙𝙤𝙧 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙠𝙞𝙣𝙖,
𝙆𝙖𝙢𝙩𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙨𝙠𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙧 𝙣𝙖 𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤 𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙗𝙪𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙨𝙖𝙝𝙤𝙙!
𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙈𝙪𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙤𝙣𝙜𝙧𝙚𝙨𝙤!

Photos from BAYAN MUNA Marikina City's post 16/12/2024

⚡𝙏𝘼𝙊 𝙋𝙊! 𝙈𝙂𝘼 𝙈𝘼𝙉𝙂𝙂𝘼𝙂𝘼𝙒𝘼 𝘼𝙏 𝙔𝙊𝙐𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙑𝙄𝘾𝙀!⚡

Pinangunahan ng ating BAYAN MUNA Partylist 9th nominee at lider-manggagawa na si Lean Porquia ang pagbabahay-bahay nitong nagdaang araw ng Linggo sa Barangay Malanday, Marikina City.

Nakasama din natin si Jerome Adonis na kandidatong senador ng KOALISYONG MAKABAYAN at kakatawan sa mga manggagawa sa Senado.

Mainit na mainit ang pagtanggap ng mga mala-manggagawa, manggagawa, pati mga senior citizen sa ating mga kinatawan na tunay na maglilingkod at uunahin ang interes ng bayan kaysa sarili.

Sa sobrang init, puro pawis, magkakawangis! Tara ulit, Jerome Adonis?? 😎



28/11/2024

📢 STAND WITH SATUR AND TALAINGOD 13! 📢

Panuorin ang bidyo kung ano ba ang nangyari bakit mayroong Talaingod 13.
I-reverse ang hindi makatarungang desisyon ng Davao del Norte RTC Branch 2 sa gawa-gawang kasong sinampa kay ka Satur at sa Talaingod 13!
Itigil at labanan ang pandarahas at panunupil sa mga lumalaban para sa karapatan ng mamamayan!
Panagutin ang pamahalaan na siyang tunay na nilalabag at hindi nirerespeto ang sariling pagpapasya ng pambansang minorya!

MAKIISA AT PIRMAHAN ANG PETISYON: https://chng.it/CDvZy2yNBd

Photos from BAYAN MUNA Partylist's post 18/11/2024

Ang Pilipinas ay isa sa mga megadiverse countries sa buong mundo dahil sa iba’t-ibang uri ng ekosistema at saribuhay ang matatagpuan dito. Sa katunayan, 50% at higit pa na mga species ay matatagpuan lamang sa Pilipinas. Subalit isa din ang Pilipinas sa mga biodiversity hotspot sa buong daigdig dahil sa mga mapanirang proyekto at epekto ng krisis sa klima.

Ang mga kabundukan at kagubatan ay nagsisilbing protective barrier tuwing may mga bagyo. Subalit sa pagpapatuloy ng mga dambuhalang minahan, dams, malawakang kumbersyon ng lupa at iba pa, patuloy din ang pagkawasak ng kalikasan at higit na apektado dito ang mamamayan lalo na ang mga bulnerableng sektor kagaya ng mga mahihirap, magsasaka, mangingisda, katutubo, at kababaihan.

Sa mga sunod-sunod na bagyo na nararanasan ng ating bansa, mas higit na kinakailangan ipanawagan ang hustisyang pangklima at panagutin ang kriminal na kapabayaan ng pamahalaan sa pag tugon sa mga sakuna.

Sigaw ng taumbayan, sagipin ang Kalikasan!
Rehabilitasyon at kumpensasyon sa mga biktima ng sakuna!

15/11/2024

Abangan mamaya... ✨


Want your business to be the top-listed Government Service in Marikina City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address

Marikina City