07/11/2026
Mga ka-kape, tara na at makiisa sa selebrasyon ng kape sa Lungsod ng Marikina!
Inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang Marikina Coffee Fest 2026, na gaganapin mula Nobyembre 5–8, 2026, sa Marikina Freedom Park.
Tampok sa apat na araw na pagdiriwang ang iba't ibang coffee shops, lokal na negosyante, at mga produktong nagtatampok sa husay at pagkamalikhain ng ating mga kababayan sa industriya ng kape.
Suportahan ang mga lokal na negosyo, tikman ang iba't ibang timpla, at sama-samang ipagdiwang ang patuloy na pag-unlad ng coffee culture sa Marikina!
Kaya ano pang hinihintay ninyo? Tara na, magkape tayo sa Marikina!