Ka AYA - Ayang Loma De Gato

Ka AYA - Ayang Loma De Gato

Share

Official Page of Kapitan Aya Saycon

Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 12/05/2026

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Loma De Gato sa programang “Puro Kalusugan” na may temang “Bawat Buhay Mahalaga” na gaganapin sa May 18, 2026, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Loma De Gato Proper Covered Court (beside Barangay Hall).

Magkakaroon ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng:

• Free ENT and Eye Check-up
• Dental Services (check-up at bunot)
• Free Laboratory Testing
• Free Dentures
• Free Family Planning Services
• Prenatal Check-up
• Immunization
• PhilHealth Mobile Desk Services
• Animal Bite Treatment and Injections
• Risk Assessment
• Cancer Screening
• National TB Program
• Health Education and Promotion Booth
• at marami pang iba!

Ang programang ito ay hatid sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Mayor Jem Sy, kasama si Kap Aya Saycon, ang Barangay Health Office, at ang Department of Health.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilyang taga-Loma De Gato dahil bawat buhay ay mahalaga.


Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 11/05/2026

KALINISAN DAY

Total Volume (Weight in KG.) : 320kgs
Total number of Participants
(Including BOs, SK, CSO Members, Private Sector, Individuals, Others): 19
Total number of Barangay Official Participated
(Elected and Appointed): 3
Total number of SK Participated: 0
Total number of CSOs Participated
(Non-Individual): 0





Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 09/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating mga natatanging kinatawan sa Lakan at Lakambini ng Marilao 2026.

Euan Manalansan bilang Lakan ng Marilao 2026 Title Holder

Myka Agustin bilang Lakambini ng Marilao 1st Runner Up

Elyson Oh bilang Lakan ng Marilao 4th Runner Up,

at Kristine Barsana bilang Lakambini ng Marilao 3rd Runner Up.

Proud ang buong Barangay Loma de Gato sa inyong ipinakitang galing, talino, at dedikasyon. Ang inyong tagumpay ay karangalan ng ating komunidad.


Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 05/05/2026

KALINISAN DAY

Total Volume (Weight in KG.) : 200kgs
Total number of Participants
(Including BOs, SK, CSO Members, Private Sector, Individuals, Others): 18
Total number of Barangay Official Participated
(Elected and Appointed): 3
Total number of SK Participated: 0
Total number of CSOs Participated
(Non-Individual): 0





04/05/2026

Mabuhay ang mga Lakan at Lakambini ng Barangay Loma de Gato! 👑✨

Buong pusong ipinagmamalaki ng ating barangay ang inyong kahanga-hangang tagumpay. Kayo ay hindi lamang mga kinatawan ng kagandahan at talino, kundi mga tunay na simbolo ng dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa ating komunidad. Sa bawat hakbang ninyo sa entablado, dala ninyo ang pangalan ng Loma de Gato na may dangal at karangalan—at iyon ay isang bagay na hinding-hindi namin makakalimutan.

Ang inyong mga naabot ay bunga ng walang sawang pagsusumikap at paniniwala sa sarili. Naging inspirasyon kayo sa kabataan at patunay na ang pangarap ay naaabot sa pamamagitan ng tiyaga, disiplina, at puso. Ipinakita ninyo sa lahat na ang pagiging Lakan at Lakambini ay hindi lamang tungkol sa korona, kundi sa responsibilidad na maging huwaran at boses ng komunidad.

EUAN MANALANSAN
Lakan ng Marilao 2026 Title Holder

MYKA AGUSTIN
Lakambini ng Marilao 1st Runner Up

ELYSON OH
Lakan ng Marilao 4th Runner Up

KRISTINE BARSANA
Lakambini ng Marilao 3rd Runner Up

Sa inyong patuloy na paglalakbay, nawa’y magsilbi kayong liwanag at inspirasyon sa marami pang kabataan. Huwag ninyong kalimutan na ang inyong barangay ay laging nakaalalay at sumusuporta sa inyo. Kami ay lubos na proud sa inyong lahat—kayo ang tunay na dangal ng Barangay Loma de Gato.

Padayon sa pag-abot ng mas matataas pang pangarap!


(📸 & ✍️) Aldrin Llanto

Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 30/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang Oplan Tuli sa tatlong Barangay Health Center ng ating barangay, kung saan umabot sa 351 kabataang lalaki ang nabigyan ng libreng tuli.

Isang taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Mayor Atty. Jem Sy, sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Barangay ng Loma De Gato sa pamumuno ni Kap. Aya Saycon at sa Committee on Health na si Kagawad Joy Pascual, sa matagumpay na pagsasagawa ng Libreng Tuli.

Patuloy ang ating pagkakaisa para sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.


Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 29/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang pagbisita sa mga lugar noong April 21, 2026 para sa LAWA at BINHI Program.

Layunin nito na hanapin ang mga tamang lugar para sa pagtatanim at paggawa ng mga lawa o imbakan ng tubig. Sinigurado rin na ang mga lugar ay madaling puntahan at makakatulong sa mga benepisyaryo.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa gawaing ito!


27/04/2026

TRAFFIC ADVISORY

Magkakaroon ng Sugod Bahay *April 30, 2026 sa ganap na 5:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon ASAHAN ANG MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO

Pinapayuhan ang lahat na kung may lakad o kailangang dumaan sa HARMONY 2 and 3 MAIN ROAD ay umalis nang mas maaga para iwasan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.

Salamat po sa pang-unawa. Ingat po tayong lahat!


Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 27/04/2026

KALINISAN DAY

Total Volume (Weight in KG.) : 280kgs
Total number of Participants
(Including BOs, SK, CSO Members, Private Sector, Individuals, Others): 14
Total number of Barangay Official Participated
(Elected and Appointed): 3
Total number of SK Participated: 0
Total number of CSOs Participated
(Non-Individual): 0





Photos from Ka AYA - Ayang Loma De Gato's post 20/04/2026

KALINISAN DAY

Total Volume (Weight in KG.) : 330kgs
Total number of Participants
(Including BOs, SK, CSO Members, Private Sector, Individuals, Others): 20
Total number of Barangay Official Participated
(Elected and Appointed): 3
Total number of SK Participated: 0
Total number of CSOs Participated
(Non-Individual): 0





16/04/2026

ANUNSYO: OPERATION TULI

Magkakaroon ng Libreng Operation Tuli na handog ni Kap. Aya Saycon at Sanguniang Barangay ng Loma De Gato para sa ating mga kabataan!

🗓 Schedule:
📍 April 27 – Heritage (First 50)
📍 April 28 – Harmony (First 100)
📍 April 29 – Proper (First 100)

Magmadali at makiisa!
Tandaan: limitado lamang ang slots!


Want your business to be the top-listed Government Service in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Loma De Gato
Marilao
3019