09/10/2026
๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐ผ๐๐ผ ๐ผ๐ ๐๐ฝ๐ผ ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฟ ๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ฟ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ผ ๐๐๐ ๐๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ. ๐๐๐ฟ๐ผ๐๐๐, ๐๐๐๐๐ผ๐๐.
Nagsagawa ng public hearing ang 12th Sangguniang Bayan nitong Oktubre 8, 2026 sa SB Session Hall, kaugnay ng mga reklamo sa patuloy na pagbebenta ng mga subdivided lots ng Sorata Realty Development Corp., kabilang ang alegasyon ng kawalan ng License to Sell (LTS), pending refunds ng mga buyer na umatras sa kanilang mga transaksyon, at iba pang concerns hinggil sa unauthorized land sellers. Pinangunahan ang hearing ng Committee on Housing and Land Utilization sa pamumuno ni Kgg. John Paul D. Gozun, kasama sina Kgg. Trina D. Guevarra, Lourdes G. Sicat at Ariel B. Bonus. Dumalo rin sina Municipal Vice-Mayor Jonathan R. Pangan at Municipal Mayor Rodencio S. Gonzales.
Tinalakay sa hearing ang mga reklamo ng mga buyer, partikular ang kanilang mga pending refunds at ang mga legal na hakbang na maaari nilang gawin. Humingi rin ng legal advice ang committee sa Municipal Legal Office, sa pangunguna ni Atty. Chel, kaugnay ng mga reklamong inihain at sa usapin ng kawalan umano ng kaukulang License to Sell. Sa gitna ng mga reklamong patuloy na natatanggap, binigyang-diin sa hearing ang umanoโy paulit-ulit na panlilinlang sa mga mamimili ng lupa, partikular ang mga buyer na naghihintay ng refund matapos umatras sa kanilang mga transaksyon.
Ilang hearing na rin ang isinagawa ng Sangguniang Bayan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga apektadong buyer na maiparating ang kanilang mga reklamo at upang matulungan silang makahanap ng nararapat na solusyon. Gayunman, sa kabila ng mga naging pagdinig at mga pagkakataong ibinigay upang maresolba ang mga usapin, nananatili umano ang problema, kabilang ang hindi pagharap o hindi pagkakaayos ng ilang pending refunds. Dahil dito, mariing binigyang-pansin ng committee ang bigat ng epekto nito sa mga Mexicano na naglabas ng kanilang pinaghirapang pera para sa pagbili ng lupa.
Sa naturang pagdinig, iminungkahi ni Kgg. John Paul D. Gozun na ideklarang persona non grata o hindi kanais-nais na panauhin sa Bayan ng Mexico si Chrisfrenh ower C. Hidalgo, kaugnay ng mga reklamong inihain at sa kabila ng mga naunang pagdinig na isinagawa ng Sangguniang Bayan. Sinang-ayunan naman ito ni Vice-Mayor Doc Pangan, na naghain ng pormal na mosyon sa komite na sinang-ayunan at sinuportahan din ang mosyon ni Kgg. Lourdes G. Sicat.
Tinalakay rin ang concerns sa iba pang nagbebenta ng mga lupa sa tingi-tinging paraan nang walang kaukulang lisensya. Sa pagtatanong ni Vice-Mayor Doc Pangan, binigyang-diin niya ang kalagayan ng mga buyer na siyang direktang naaapektuhan ng ganitong mga transaksyon.
โPaano ang mga bumili? Sila ang pinaka-apektado. Kawawa sila.โ
Binigyang-diin din ni Mayor Ruding Gonzales ang kahalagahan ng pag-iingat ng mga mamimili bago bumili ng lupa. Hinimok niya ang mga prospective buyer na magsagawa muna ng kaukulang verification at inspection upang maprotektahan ang kanilang pinaghirapang pera. Nauna ring nagpaalala si Kgg. John Paul D. Gozun na kung sobrang mura ang isang alok na lupa, dapat maging maingat ang mamimili dahil maaaring may kaakibat itong problema o legal na usapin.
Para sa mga apektadong buyer, hinihikayat na makipag-ugnayan sa Municipal Legal Office upang malaman ang nararapat na legal na hakbang at kung paano maipagtatanggol ang kanilang mga karapatan.
Patuloy na tututukan ng Sangguniang Bayan ang mga ganitong reklamo upang maprotektahan ang mga mamamayan at matulungan ang mga apektadong buyer sa loob ng mandato ng lokal na pamahalaan.
Mapapanood ang kabuuan ng naging public hearing sa official page ng Sangguniang Bayan ng Mexico.