14/10/2026
Ang Sangguniang Barangay ng Pandayan, sa pangunguna ni Punong Barangay Igg. Arsenio B. Lunaria, ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa gaganaping Barangay Assembly Day para sa Ikalawang Semestre ng Taong 2026.
đź“… Petsa: Oktubre 24, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 1:45 PM
📍 Lugar: St. Michael Covered Court
Sa temang “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad,” layunin ng pagtitipong ito na maibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, at mga gawaing pangkaunlaran ng ating barangay, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mamamayan na maipahayag ang kanilang mga saloobin at mungkahi.
Ang inyong pakikilahok at presensya ay mahalaga upang higit nating mapatatag ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating komunidad.
Kaya naman, mga kabarangay, inaasahan namin ang inyong pagdalo! Sama-sama tayong makiisa, makinig, magbahagi ng saloobin, at kumilos para sa mas maunlad na Barangay Pandayan.