06/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ค๐!
Ang buwan ng Oktubre ay panahon ng pagpaplano at pagbuo ng mga proyekto, programa, at aktibidad para sa kabataan, alinsunod sa Sampung Sentro ng Partisipasyon para sa Kaunlaran.
Bubuksan ang proseso ng paghahanda ng Annual Budget at Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP) para sa Taong 2027 upang mabigyang-daan ang mga mungkahi, pangangailangan, at adhikain ng kabataan.
Hinihikayat namin ang lahat ng Kabataang Calapeรฑo na makiisa at maging aktibong bahagi ng pagbuo ng mga programa at proyekto para sa susunod na taon. Ang inyong boses, ideya, at pangarap ay mahalagang bahagi ng pagpaplano para sa mas makabuluhan at inklusibong kinabukasan ng kabataan.