04/06/2026
45th Regular Session of the Sangguniang Bayan of Morong, Bataan | June 1, 2026
Noong June 1, 2026, pinangunahan natin ang ika-45 na Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Morong kung saan muli nating tinalakay ang iba't ibang usapin at agenda na may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng ating mga kababayan.
Kabilang sa mga natalakay ang mga ulat, rekomendasyon at resulta ng mga committee at public hearings na isinagawa noong nakaraang linggo. Ang mga pagdinig na ito ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng ating proseso upang masiguro na ang bawat panukala at programang ipatutupad ay napag-aaralan nang mabuti at naaayon sa tunay na pangangailangan ng ating komunidad.
Isa sa mga naging sentro ng talakayan sa sesyong ito ay ang panukalang Sanitation Code of Morong na inihain ni Kgg. Ricky Batoon Paguio. Sa halip na agad itong pagpasiyahan, ginamit ng kapulungan ang pagkakataon upang masusing busisiin at pag-aralan ang bawat seksyon ng ordinansa. Isa-isang tinalakay ang mga probisyon nito upang matiyak na magiging malinaw at epektibo ang pagpapatupad nito sa oras na maisabatas.
Naniniwala ang bawat miyembro ng Sangguniang Bayan na ang isang komprehensibong Sanitation Code ay mahalagang hakbang upang higit pang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan, mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran at mapalakas ang mga pamantayan sa pampublikong kalusugan sa buong bayan ng Morong.
Ang masusing deliberasyong ito ay patunay na hindi lamang tayo gumagawa ng mga ordinansa para makadagdag sa mga umiiral na batas, kundi nagsisikap tayong makabuo ng mga polisiyang tunay na pakikinabangan ng bawat taga-Morong para sa pangmatagalang panahon.
04/06/2026
Happy Birthday sa aming masipag na staff Ate Ginabelle Tena!ππ₯°ππMay you have more birthdays to come, GOD Bless!π₯°β€οΈ
03/06/2026
44th Regular Session of the Sangguniang Bayan of Morong, Bataan | May 25, 2026
Noong May 25, 2026, pinangunahan natin ang ika-44 na Regular Session ng Sangguniang Bayan kung saan muli nating tinalakay ang mahahalagang usapin at mga agenda na may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan. Kasama rito ang mga ulat at rekomendasyon mula sa mga committee at public hearings na isinagawa noong nakaraang linggo upang matiyak na ang bawat isyung kinakaharap ng ating komunidad ay nabibigyan ng sapat na pansin at aksyon.
Isa sa mga naging pinakakapanapanabik na bahagi ng sesyon ay ang presentasyon ng mga mag-aaral mula sa Morong National High School. Ipinresenta nila sa kapulungan ang kanilang research project na tinatawag na βShel-Turββisang makabagong prototype na idinisenyo upang makatulong sa mga Bantay-Pawikan at Sagip-Pawikan volunteers sa pagtukoy at pagsubaybay sa mga itlog ng pawikan na nakabaon sa buhangin.
Sa kanilang presentasyon, ipinakita ng mga kabataang mananaliksik kung paano maaaring magamit ang kanilang proyekto upang mapalakas pa ang mga programa para sa pangangalaga at konserbasyon ng mga pawikan sa ating bayan. Layunin nitong makatulong sa maagang pagtukoy sa mga pugad upang masiguro ang ligtas na pag-aalaga sa mga itlog hanggang sa maging matagumpay ang pagpisa ng mga ito.
Bilang isang bayan na kilala sa pangangalaga sa ating yamang-dagat at mga pawikan, nakapagbibigay ng inspirasyon na makita ang ating mga kabataan na gumagamit ng kanilang kaalaman, talento at inobasyon upang makalikha ng mga solusyong may positibong epekto sa kalikasan at komunidad. Sa pagkilala sa kahalagahan ng proyektong ito, buong suporta itong inaprubahan ng Sangguniang Bayan. Ipinahayag din ng kapulungan ang paghanga at suporta sa mga kabataang mananaliksik na patuloy na nagpapakita na ang makabagong kaisipan at malasakit sa kalikasan ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas maunlad at responsableng kinabukasan para sa Morong.
Patuloy nating suportahan ang ating mga kabataan, sapagkat sa kanilang mga pananaliksik at inobasyon, nakikita natin ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan.
26/05/2026
Outfit Check bago mamalengke?
β Kamisa Tsino
β Bayong
β Zero Waste Mindset
Zero Waste Tip #1:
Paggamit ng sariling eco-bag o bayong sa pamimili sa palengke, tindahan, at iba pang establisyemento.
Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 129, Series of 2018 β Pagbabawal sa Paggamit ng Plastic Bag at Styrofoam sa Bayan ng Morong, Bataan.
21/05/2026
43rd Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Morong | May 21, 2026
Noong ika-18 ng Mayo 2026, isinagawa natin ang ika-43 na Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Morong na aking pinangunahan bilang Presiding Officer.
Mabilis ang aming naging sesyon pero ito ay naging produktibo.
Sa isang punto, tinalakay namin ang 2027 Annual Operational Plan ng ating Local Health Board at dito ko nabatid ang kahalagahan ng libreng serbisyo medikal sa ating mga kababayan.
Batid ko na hindi perpekto ang ating serbisyo medikal pero patuloy tayong tumatalima sa mga hinanaing ng ating mga kababayan lalo sa sektor ng pangkalusugan.
Katuwang ang buong Sanggunian Bayan, kami po ay patuloy na magiging bukas at tutugon sa pamamagitan ng pagbuo ng mga batas para sa kababayan.
20/05/2026
Ugaliing mag basa para sa tamang kaalaman!ππ»ππ»ππ»
13/05/2026
42nd Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Morong | Mayo 11, 2026
Noong ika-11 ng Mayo, isinagawa po natin ang ika-42 na Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Morong kasama ang buong kapulungan. Tinalakay natin ang mahahalagang usapin at agenda ng bayan, kabilang ang mga ulat at resulta ng mga committee at public hearings na isinagawa noong nakaraang linggo. Mahalaga ang mga talakayang ito upang matiyak na ang bawat desisyon ay nakabatay sa masusing pag-aaral at konsultasyon.
Sa bahagi ng Calendar of Business, ating inaprubahan sa Ikatlo at Huling Pagbasa ang panukalang ordinansa ni Kgg. Hero Santos na nagtatatag ng Conditional Business Permit (CBP) Framework para sa mga tourism, commercial at accommodation establishments na matatagpuan sa mga lupang wala pang titulo. Layunin nitong maglatag ng malinaw na patakaran habang pinangangalagaan ang interes at pananagutan ng ating lokal na pamahalaan. Inaprubahan na rin natin ang Dengue Prevention and Control Ordinance na inakda naman ni Kgg. Ricky Batoon Paguio. Ito ay isang mahalagang hakbang upang higit na maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan.
Patuloy po nating pinagtitibay ang mga programang may malasakit at may malawak na benepisyo para sa ating bayan. Maraming salamat po sa inyong tiwala at pakikiisa.