27/10/2026
Mga Paalala para sa mga Parents at G**o:
* Desisyon ng School Head: May kapangyarihan ang ating mga School Heads (sa gabay ng SDO sa pamamagitan ng CID at SGOD) na magpasya ayon sa totoong lagay ng bentilasyon, suplay ng tubig, at sitwasyon sa bawat paaralan.
Did You Know?
Alam nyo ba na may 4H Framework (Hayo, Hinay, Hinga, Hinto) ang DepEd para gabayan ang ating mga eskwelahan tuwing mataas ang Heat Index?
Para siguradong safe, presko, at protektado ang ating mga mag-aaral at g**o ngayong tag-init, narito ang dapat ninyong malaman tungkol sa bagong learning delivery guide batay sa DM no. 64, s. 2026:
1. HAYO - Manageable Conditions (Below 27°C)
* Modality: Go para sa Face-to-Face classes sa campus!
* Action: Tuloy ang aral, pero may hydration breaks, safe drinking water, well-ventilated classrooms, at mas preskong oras para sa outdoor activities.
2. HINAY - Caution (27°C - 32°C)
* Modality: Bawas na oras sa eskwela, hybrid, o home-based learning.
* Action: Modified class schedules (halimbawa: 6:00 AM - 10:00 AM o 2:00 PM - 6:00 PM) o structured learning mula sa bahay depende sa kakayanan ng paaralan.
3. HINGA - Extreme Caution (33°C - 41°C)
* Modality: Suspended muna ang face-to-face classes; mas magaan na academic load.
* Action: Light learning tasks, learning packets, DepEd TV/Radio, at regular well-being check-ins mula sa mga g**o.
4. HINTO - Danger & Extreme Danger (42°C and Above)
* Modality: ALL academic activities are suspended (parehong face-to-face at home-based)!
* Action: Utang sa kaligtasan! Bawal ang pasok at gawain, habang nakatutok sa safety checks, tuluy-tuloy na komunikasyon, at suporta para sa lahat.
Mga Paalala para sa mga Parents at G**o:
* Desisyon ng School Head: May kapangyarihan ang ating mga School Heads (sa gabay ng SDO sa pamamagitan ng CID at SGOD) na magpasya ayon sa totoong lagay ng bentilasyon, suplay ng tubig, at sitwasyon sa bawat paaralan.
* Napakainit kahit 'di pa umabot sa Danger level? Pwedeng-pwede pa ring mag-suspend at mag-shift sa distance learning ang School Head sa pakikipag-ugnayan sa ating SDS para sa kapakanan ng mga bata!