25/10/2025
Maligayang Kaarawan sa Tagapagpayo ng Ang Tanglaw, Ma'am Aiesly M. Sitjar!๐ ๐
Taos puso kaming nagpapasalamat sa iyong walang sawang paggabay at pagsuporta sa bawat miyembro ng ating organisasyon. Ang iyong dedikasyon sa wikang tagalog ay aming nagiging tanglaw at inspirasyon upang mas pagbutihan ang paghahatid ng balita para sa ating paaralan. Nawa'y mas pagpalain ka pa ng Panginoon at bigyan ka ng taon puno ng pagmamahal at tagumpay!
Lubos na paggalang at pasasalamat, mula sa mga opisyal ng Ang Tanglaw!๐
24/09/2025
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
โ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐จ๐โ
Sa malalim na bangin, kung saan katahimikaโy nakalatag,
Kandilang walang sindi, balatkayo ng isang kaluluwa.
Tinig ng kanlung-salamangka, sa gabing nag-iisa,
na nang-aakit ng katapusan, at nagpapalabo sa liwanag.
Huwag hahayaang magtagumpay, kasamaan ay supilin,
Sapagkat pag-asaโy sisibol, sa sisidlang iyong itinanim.
Abutin ang kamay, pakinggan ang tinig,
Upang mapaalis ang daan-daang takot.
Iyong mga tawa, iyong mga luha,
Mga katanungang pumupuno sa iyong isipan.
Iyong tahimik na saloobin, iyong malalakas na mga sigaw,
Ikaโy mahalaga, bawat piraso moโy bumubuo ng obra.
Kailangan ka ng mundo, iyong presensiya, iyong mga katangian.
Ang bunga na iyong tinanim.
Abutin mo ang aming mga kamay, hayaan mo kaming pumasok,
Magandang kinabukasan ay magsisimula.
Naisulat ni Mark Angelo A. Salinding
Naiguhit ni Kheyla Marchelle DC. Vallestero
23/09/2025
[๐๐๐๐๐๐]
๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐, ๐๐๐ก๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ
Sa habaโt dami ng padyak, tuyong-tuyong lalamunan, ay isang trilyong pisong nawala ang katumbas. Walang sambayanang sisigaw at hihingi ng hustisya, kung walang bahid ng karumihan ang pamamalakad ng mga nakaupong hindi man lang tumatayo. Salapi ng bayan, sa bulsa ng mga buwaya ang bagsak.
Nagiisa lamang ang sandatang kayang magpabago sa ating bayanโang boses ng bayan. Ang galit ng madla ay ang tanglaw ng tagumpay laban sa korapsyon at pagnanakaw. Ito ang puwersa na nagmumula sa bawat isa, ang daing ng ina na may nagugutom na anak, ang hinaing ng magsasakang nalulugi, at ang hinanakit ng mga taong nawawalan ng pag-asa sa Flood Control Projects. Ang bawat sigaw, sa bawat yapak sa lansangan, at sa bawat post sa social media, hinuhubog natin ang isang matibay na panig laban sa katiwalianโbinabaliktad natin ang isang bulok na sistema.
Ang nagliliyab na galit ng bayan aya ng nagbibigay-liwanag sa mga madidilim na sulok kung saan nagtatago ang mga inapi. Ang bawat sentimong nanakaw, ang bawat proyektong pinawalang-bisa, at ang bawat buhay na nawala ay nagdaragdag sa init ng galit na ito, na siyang magtutulak sa mga mamamayan na manindigan at ipaglaban ang nararapat.
Sa kabila ng tagumpay na ating ipinaglalaban, hindi maiiwasan ang delubyo. Iyong lalaking may hawak na karatulang nagsasaad na bawasan ang presyo ng turo-turo sa tabi-tabi, siya ay isang tao na humihingi ng hustisiya. Nakatatawa man isipin na kahit presyo ng fishball, kikiam, at tokneneng ipinag-lalaban pa rin. Ngunit itoโy nagpapakita lamang na kahit kakarampot man ang gasto niyan, ito pa rin ay kasama sa trilyong pisong ninakaw sa atin. Presyong pang masa noon, hindi man lang makapitan ng mga gipit ngayon.
Ang pagbabago ay hindi magmumula sa iilang kababayan. Ito ay nasa ating mga kamay, sa ating paa, sa ating boses, at sa ating sama-samang galit. Sapagkat kapag nagsama-sama ang lahat ng tinig, at kapag pinagsanib ang kanilang daing, walang korapsyon ang kayang manalo. Ang boses ng bayan ang simula, at ang galit ng bayan ang tatapos sa laban.
Isinulat ni Mark Angelo A. Salinding at Usher Vinz D. Revadomia
Illustratyon ni Mark Angelo A. Salinding at Lindseymiel Dela Torre
22/09/2025
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
๐ฝ๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐๐๐๐ฉ, ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ก๐๐๐ก๐: ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐ฌ๐๐ฃ๐ฉ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ก๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค
Habang abala ang buong bayan sa pang araw-araw na gawain, may isang natatanging araw na ginugunita at binibigyang-halagaโang Kainang Pamilya Mahalaga Day. Ngayong araw, isang mahalagang paalala ang ibinibigay sa bawat Pilipino, ang pamilya ay higit pang mas mahalaga sa kahit anumang obligasyon.
Ang araw na ito ay na itinakda sa ilalim ng Memorandum Circular No. 96 upang bigyan ng pagkakataon ang mga pamilya na magsama-sama sa isang simpleng paraan katulad ng pagkain ng sabay-sabay. Sa hindi kapani-paniwalang bilis ng takbo ng oras, maraming pamilya ang minsan lamag makapag-usap nang masaya, masinsinan, at puno ng pagmamahal dahil sa dami ng ibaโt ibang trabaho, klase, at iba pang responsibilidad. Ang hapag-kainan ay isang lugar na nagbibigay daan upang makapagbahagi ng mga karanasan, kuwento, pagpapalitan ng kaisipan, at makagawa ng bagong alaala ang iyong pamilya.
Ang Kainang Pamilya Mahalaga Day ay hindi lamang tungkol sa hapunan. Ito rin ay isang paalala sa halaga ng bawat pamilya, isang pundasyon na nagpapaatatag sa lipunan. Ang araw na ito ay nagpapahiwatig sa isang gawaing pang araw-arawโang pagbabahagi ng pagkain at karanasanโito ay bumubuo sa pagmamahalan at pagkakaisa na nagpapatatag sa bawat kasapi ng isang pamilya. Kaya't ngayong araw, ilaan natin ang oras na ito para sa mga taong pinakamahalaga sa atinโang ating pamilya.
Naisulat ni Mark Angelo A. Salinding
Illustratyon ni Lindseymiel Dela Torre at Khryz Allaiza R. Reyes
Inayos ni Nicky Francheska B. Cinco
15/09/2025
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
EDITORYAL BOARD PARA SA TAONG PANURUAN 2025-2026
Magandang Araw, Morong High School! Kamusta ang lahat? Ikinagalak namin ipakilala ang bagong mga opisyal ng Ang Tanglaw para sa taong panuruan 2025-2026 na kinabinibilangan ng mga estudyante na magiging tinig at gabay ng bawat kabataan sa LabSchool.
Gurong Tagapayo ng Ang Tanglaw: Bb. Aiesly M. Sitjar
Punong Patnugot: Nicky Francheska B. Cinco
Pangalawang Punong Patnugot: Lindseymiel Dela Torre
Patnugot sa Panitikan: Mark Angelo A. Salinding
Patnugot sa Lathalain: Khloe Faye C. San Juan
Patnugot sa Isports:
Steven Jaymhar SJ. De Ungria at Krizzberg P. De Rosas
Patnugot sa Balita:
Nina Lindsay SJ. Landas at
Viola Ryell P. San Juan
Patnugot sa Editoryal: Kheyla Marchelle D.C. Vallestero
Taga lay-out:
Usher Vinz D. Revadomia at
Kurt Cassandra R. Navarro
Taga kuha ng larawan:
Dyn Auberg A. Quidilla at Julianne Ashely B. Ramirez
Taga guhit: Kheyla Marchelle D.C. Vallestero
Taga ambag:
Benedict Joseph A. Montes at
Khryza Allaiza R. Reyes
03/09/2025
Magandang Umaga, Giants! Kasalukuyag ginaganap ang parada ng 2025 municipal meet. Nag simula ang parada sa Boundary ng Maybancal at CCL at magtutungo sa Maybancal Elementary School. Pinangunahan ng mga eskwelahan ang parada, kasama ang mga kanilang mga manlalaro at tagasanay. Lagi nating tandaan na hiindi lamang panaloo ang mahalaga kundi ang paggkakaisa, desiplina, at pusong handang lumaban para sa nirerepresenta.
Good luck, Giants!๐
30/08/2025
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐
๐ซ๐๐๐๐จ๐ฆ ๐๐๐ฒ: ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐
Sa araw ng Agosto ika-30, tayo ay nagdiriwang para sa Araw ng kalayaan sa Pamamahayag, isang espesyal na okasyon na nagpapaalala saatin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng malayang pamamahayag sa ating bansa. Sa araw na ito, ipinagdiriwang rin natin ang kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar, isang bayani ng tagapagbalita at lider ng kilusang propaganda noong panahon ng mga kastila.
Ang malayang pamamahayag ay mahalaga dahil ito ay nag sisimbolo ng kalayaan at karapatan na makaalam ng totoo at makatarungang impormasyon. Dahil dito, nagkaroon tayo ng boses laban sa panlilinlang at pang-aabuso. Dito tumatatag ang demokrasya at naproproteksyonan ang karapatan ng bawat Pilipino bata man o matanda.
Ngayon, habang ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag, nawaโy hindi natin kalimutan ang mahalagang tungkulin ng bawat mamamahayag sa pagbibigay-liwanag sa katotohanan. Huwag nating kalimutan na ang kalayaan sa pamamahayag ay kalayaan ng ating bayan, kayaโt dapat natin itong pangalagaan at ipaglaban nang buong puso.
Isinulat ni Khryz Allaiza R. Reyes
Idinesenyo ni Kurt Cassandra R. Navarro
25/08/2025
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!๐ต๐ญ
"Aling pag-ibig pa ang hihigit pa kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa
tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa?
Wala na nga.
Wala."
-Andrรฉs Bonifacio
Agosto 25, 2025- Ang araw ng pagbigay ala-ala sa mga bayaning nag sakripisyo para sa ating mga Pilipino. Ang pag-aalay ng buhay ng ating mga bayani ay sadyang makasaysayan, bagkus dahilan ito ng paglaya natin sa mga dayuhan.
Pagmamahal sa bayan ang ipinakita, walang takot na hinarap ang kamatayanโpara lang sa ating bayan.
Ilan sa kanila ay si Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Melchora Aquino. Nang dahil sa nobelang nakasulat pa sa alegorya, hindi magigising sa katotohanan ang mga Pilipino na lumaban at itayo ang ating karapatan. Kung walang nanguna sa himagsikan nuon, paano na kaya ang kinabukasan ng mga kabataan ngayon? At hindi magkakaroon ng isang matibay na pundasyon ang isang samahan, kung walang ilaw na nagsisilbing gabay. Kayaโt sa Katipunan ay may tumayong ina, hindi alintana ang edad sa pagsama, at layuning maki-isa, na naging daan upang kilalanin din siya bilang isang magiting na bayani ng ating bansaโdahil ang isang bayani ay hindi laging may hawak na balisong, โyung iba tahimik na gumagawa ng paraan sa pag sulat, pag gamot, at simpleng pag bibigay suporta. Resulta ng kagustuhang pag ligtas, sa inang bayan.
Opisyal na idineklara ang ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฆ๐ด ๐๐ข๐บ noong 1931 sa bisa ng Act No. 3827, na nilagdaan noong Oktubre 28, 1931 ng ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐๐ฆ๐จ๐ช๐ด๐ญ๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ. Sa batas na ito, itinakda na ang araw ng mga bayani ay sa huling linggo ng Agosto. Ngunit sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, inilipat ang pagdiriwang sa huling Lunes ng Agosto (ayon sa Republic Act No. 9492, 2007). Layunin nitong bigyan ng mas mahabang weekend para sa mga Pilipino upang makapagpahinga o sa pagbabayahe.
Laging tatandaan na hindi lahat ng bayani ay may kapa, โyung iba buong puso ang sandata, upang protektahan ang silangan.
Isinulat at disenyo ni Usher Vinz D. Revadomia
24/08/2025
[๐๐๐๐๐๐]
Matagumpay na naisagawa ang selebrasyon ng 81st Founding Anniversary ng Morong High School na may temang: โ๐๐๐ @81 ๐๐ถ๐ญ๐ต๐ช๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐น๐ค๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐ฏ๐ค๐ญ๐ถ๐ด๐ช๐ท๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ณ๐ข๐ฏ๐ด๐ง๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ฆ๐ดโ.
Noong Ika-18 ng Agosto ay sinimulan ang pagdiriwang ng nasabing patimpalak sa oras ng ika-8 ng umaga, sinimulan ang araw na ito sa pamamagitan ng pagtitipon-tipon ng mga mag-aaral ng unibersidad para sa misa ng pagpapasalamat na pinangunahan ni Fr. Rasel Berdin. Nang matapos ang misa ay agad naman itong sinundan ng programang paggunita na sinimulan sa pagdadasal at pag-awit sa โLupang Hinirangโ ng Hiraya Chorale, at panauhing pandangal Dr. Isabelita S. Bacud na nagsimula sa unang araw ng foundation week. Para naman sa pambungad na pananalita na nagmula sa ating campus director na si Dr. Niclie L. Tiratira at mensaheng nag bigay inspirasyon galing sa Pangulo ng Unibersidad na si Dr. Nancy T. Pascual. Sinundan naman ito ng pagbati mula sa Mayor ng Morong na si Kgg. Sidney B. Soriano, Bise Presidente ng RDEP na si Dr. Marites M. Rio, at Bise Presidente ng Admin & Finance na si Dr. Marvin P. Amoin. Matapos nito ay nagpakita naman ng mahusay na talento sa pagsayaw ang Inrayo de Morong na sinundan naman ng video presentation na nagpakita sa makasaysayang ebolusyon ng Morong High School sa loob ng walong dekada. Naipakilala naman ni Dr. Florence V. Bautista ang speaker na si Prof. Jocelyn S. San Juan at nagbigay aliw naman sa Teatro Kagilasan sa pamamagitan ng pagdula. Para naman sa pangwakas na pananalita ito ay nanggaling kay Dr. Wilma R. Lomangaya, at doon nagtapos ang programa para sa Campus Foundation Week.
Sinundan din ito ng mga booths na naghatid ng ligaya at ngiti sa mukha ng bawat-isa. Ito ay puno-puno ng masasayang palaro, masasarap na pagkain, at iba pang bagay na sentimental. Ang unibersidad ay napupuno ng sari-saring booths na nagpamalas ng pagiging malikhain ng ibaโt ibang organisasyon mula sa LabSchool kasama na dito.
Sa sumunod na araw, Ika-19 ng Agosto, naisaganap ang libreng Eye Check-up para sa mga mag-aaral. Itoโy nagsilbing paalala sa mga mag-aaral na ingatan ang kani-kanilang sariling nararamdaman, maari rin itong magsilbing diwa ng pagpapahalaga sa iyong kapwa at mga kaibigan. Sa huling araw, ika-20 ng Agosto, ay matagumpay na naisagawa ang ika-walumpuโt isang pagkakatatag ng University of Rizal System-Morong Campus. Isang pagtitipon-tipon ng mga g**o ang naganap upang magkaroon ng masaganang salo-salo o boodle fight. Winakasan nito ang isang linggo na pagdiriwang ng masayang foundation week ng unibersidad.Ang mga ganitong pangyayari ay nagsisilbing tanglaw at daan sa mga bagong di-malilimutang alaala, masaganang unibersidad, at magandang aral para sa bawat mag-aaral.
Isinulat nina Mark Angelo Salinding at Nicky Francheska Cinco
Kuhang larawan nina Julliane Ashley B. Ramirez at Dyn Auberg A. Quidilla
21/08/2025
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
๐๐ข๐ค๐โ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ต๐ญ๐
Bayang pinagmulan, sariling atin ay pahalagahan,
Wikaโy siyang sulo, gabay at sandigan.
Filipinoโy nabuo, diwa ay umusbong sa bawat isa,
Iba pang wikaโy kasama, handog ang pagkakaisa.
Katutubong dila, yaman ay โdi mabilang,
Ibaโt ibang diyalekto, kasaysayaโt kulturaโy isinulong.
Sa bawat bigkas, makabayang pag-ibig ay isinasabuhay,
Inang bayan ay nagkakaisa, adhikaโy naging tulay.
Paglinang sa wika, tungkulin ng lahat,
Ipamalas, gamitin, mahalin at pahalagahan.
Pagkakaisaโy nakamtan, sariling atin ay naging daan,
Perlas ng Silanganan, sama-samang aabutin ang tagumpay.
Agostoโy sumapit, pagdiriwang sa wikaโy ipamalas,
Sariling wika ay ipagmalakiโt, itaas ang dangal ng sambayanan.
Maksayasayang ugnayan, sa ating kamay matatagpuan,
Ikaw na Pilipino, ipamalas ang talino sa wikang katutubo.
Isinulat ni Mark Angelo A. Salinding
Obra ni Kheyla Marchelle DC. Vallestero
21/08/2025
[๐๐๐๐๐๐๐๐๐]
๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐, ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐
โ๐๐ฆ ๐ด๐ฉ๐ฐ๐ถ๐ญ๐ฅ ๐ฏ๐ฐ๐ต ๐ฅ๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ฅ ๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐ฎ๐ข๐ฏ, ๐ธ๐ฆ ๐ด๐ฉ๐ฐ๐ถ๐ญ๐ฅ ๐ฅ๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ฅ ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ญ๐ญ ๐ฐ๐ง ๐ถ๐ดโ- Sen.Ninoy Aquino
Ika-21 ng Agosto, ginugunita nating mga Pilipino ang kabayanihan at kamatayan ng dating Senador Benigno โNinoyโ Aquino ng mga Filipino.
Si Ninoy Aquino ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre 1937 at namatay noong ika-21 ng Agosto 1983. Siya ay pinaslang sa Manila International Airport sa pasay at ang pagkamatay nito ay ikinagulat ng sambayanan. Ang kaniyang kamatayan ay nag dulot ng malawakang protesta na humihingi ng karapatan at demokrasya, nagresulta ang galit ng publiko at naging sanhi ito ng 1986 People Power Revolution. Ang kaniyang sakripisiyo ay nagpahiwatig sa mga mamamayang-pilipino na hindi natin makakamit ang kalayaan kung hindi natin ito ipaglalaban.
Siya rin ay isang tanyag na senador, mamamahayag, at isang aktibista sa panahon ng pagdeklara ng batas militar. Ang kaniyang salita ay naging simbolo ng pag-asa, katapangan, at paglaban sa sistemang diktatoryal at naging tanglaw ng demokrasya para sa mga Pilipino. Ang pagiging martir nito ay nagsilbing pagtutol at nagbigay pag-asa sa mga Pilipino na lumaban para sa hustisiya at kalayaan.
Ngayong Huwebes (Agosto 21) ay hindi lamang tungkol sa kaniyang kamatayan, kundi pati rin sa kaniyang sakripisiyo at pagsulong ng karapatan at kalayaan nating mga Pilipino. Ang pagdidiriwang ng araw na itoโy nagsisilbi rin simbolo sa pagtataguyod ni Ninoy Aquino para sa demokrasya sa ating bansa. Ang kaniyang mga naisagawa ay nagpapakita ng matinding pagmamahal sa bansang Pilipinas at ang ating tungkulin ay palaganapin pa ang kalayaan at katarungan sa lipunan.
Isinulat ni Mark Angelo A. Salinding
Disensyo ni Lindseymiel Dela Torre
17/08/2025
Tแแแแแแ แแ
แ Sแแ, Dแแแแแแแ แแ
แ Pแแแ-แแ! ๐
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, Giants! ๐ Maligayang pagdiriwang ng ating Foundation Weekโผ๏ธ
Handa ka na ba sa handog ng Ang Tanglaw? ๐ซฃ
Hatid ng aming booth ang masasarap na pagkain tulad ng cookies, muffins at brownies! ๐ Hindi lang yan! kundi mayroon ding masasayang mga aktibidad na tiyak na kayo ay masisiyahan! Gusto mo bang magbigay ng liham โจ para sa iyong kaibigan? crush? teachers? Kami ang bahala sayo! ๐ Hatid din namin ang mga Bible Verses ๐โ๏ธ na maaring makatulong sa inyo. kayaโt tara naโt pumili, magbasa, at magalak sa mga Salita at turo ng Diyos. ๐๐ผ Halinaโt makiisa ๐ค at sumama sa ating masayang selebrasyon! Ihanda ang inyong mga puso at isipan, dahil ito ay puno ng masasarap na bilihin ๐, masasayang laro ๐ฒ, at pagbabasa mula sa sulat at turo ng Diyos. ๐
Tayoโy mag kita-kita ๐ sa Agosto 18-20, 2025 ๐ sa Laboratory Schools GSP Circle! ๐ซ๐ช
Isinulat ni Nina Lindsay SJ. Landas
Idinesenyo ni Lindseymiel Dela Torre