23/09/2026
𝑩𝑨𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑨𝑳𝑨𝑩𝑨𝑵𝑮 𝑳𝑬𝑨𝑹𝑵𝑰𝑵𝑮 𝑨𝑵𝑫 𝑰𝑵𝑵𝑶𝑽𝑨𝑻𝑰𝑽𝑬 𝑯𝑼𝑩, 𝑷𝑰𝑵𝑨𝑺𝑰𝑵𝑨𝒀𝑨𝑨𝑵 𝑵𝑨! 💙❤️
Isang bagong hakbang tungo sa mas makabuluhan, inklusibo, at accessible na edukasyon ang nasaksihan ngayong araw sa pormal na pagpapasinaya ng Bagong Alabang Learning and Innovative (BALAI) Hub, na matatagpuan sa Bagong Alabang People’s Center, 2nd Floor, Ilaya, Barangay Alabang.
Ang bagong Learning Hub ay nilikha upang maging isang lugar ng pagkatuto, teknolohiya, kaalaman, at oportunidad para sa ating mga kabarangay, lalo na sa mga mag-aaral, kabataan, at mga nangangailangan ng dagdag na access sa mga kagamitang makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Handog ng Bagong Alabang Learning and Innovative Hub ang mga LIBRENG SERBISYO, kabilang ang Libreng Paggamit ng Computer at Laptop, Free Xerox at Printing (For Educational Purposes Only), Free Wi-Fi Access at Libreng Paggamit ng mga Educational Books at Learning Resources.
Sa pamamagitan nito, mas maraming kabataan ang magkakaroon ng pagkakataong makapag-aral, makapagsaliksik, makagamit ng teknolohiya, at mapalawak ang kanilang kaalaman nang hindi kinakailangang alalahanin ang dagdag na gastusin para sa ilang pangunahing learning resources.
“𝐴𝑛𝑔 𝑒𝑑𝑢𝑘𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑦 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑏𝑟𝑜 𝑜 𝑡𝑒𝑘𝑛𝑜𝑙𝑜ℎ𝑖𝑦𝑎, 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑦 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑡𝑢𝑡𝑜, 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑎𝑟𝑎𝑝, 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑖𝑡ℎ𝑖𝑖𝑛.”
Ang programa ay pinangunahan ni Kapitana Tintin Abas-Ding kasama ang Sanggunian ng Barangay Alabang, sa pakikiisa at suporta ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.
Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa edukasyon, digital access, youth development, at community empowerment, dahil sa Bagong Alabang, ang bawat kabataan ay dapat magkaroon ng pagkakataong matuto at umunlad.
“𝐾𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑏𝑖𝑛𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑎𝑐𝑐𝑒𝑠𝑠 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛, 𝑏𝑖𝑛𝑖𝑏𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛.” - Kapitana Tintin.
Lubos pasasalamat din sa lahat ng organizations, partners, volunteers, at stakeholders na nagpaabot ng kanilang suporta upang maisakatuparan ang Bagong Alabang Learning and Innovative Hub. Ang inyong pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito. 💙
Bagong Alabang Learning and Innovative Hub, bukas para sa kaalaman, koneksyon, at kinabukasan ng bawat kabataan!
“Matuto. Kumonekta. Mangarap. Umangat.”