01/06/2026
PAHAYAG NG PAKIKIRAMAY
Lubos na nakikiramay ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Bayanan sa pagpanaw ng ating minahal na Konsehal ng Lungsod ng Muntinlupa
KONSEHAL VICTOR LANDRITO ULANDAY
Mananatili sa aming alaala ang kanyang tapat na paglilingkod, kasipagan, at kabutihang loob sa ating lungsod. Siya ay naging mahalagang bahagi hindi lamang sa munisipalidad kundi ng buong pamilya sa bawat barangay.
Ang aming taos-pusong pakikiramay at panalangin ay iniaalay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay sa panahong ito ng pagluluksa. Nawa’y bigyan sila ng lakas at kapanatagan ng Poong Maykapal.
“Ang mabubuting alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat taong kanyang napaglingkuran at napasaya.”
Mula sa inyong pamilya sa Barangay Bayanan
aming pagpupugay at panalangin. 🤍
01/06/2026
𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 𝐎𝐅 𝐆𝐀𝐌𝐄𝐒 for BALIK-TANAW BASKETBALL AND VOLLEYBALL LEAGUE 2026
📆 JUNE 2 (Tuesday), 4 (Thursday) & 6 (Saturday) 2026
📍BAYANAN NEW PLAZA
01/06/2026
REGULAR DEPARTMENT HEADS MEETING
Sa lingguhang Department Heads meeting, na pinangunahan ni Punong Barangay Kgg.Engr. Athan Gutierrez , tinalakay ang parating na Habagat Season, ang pagbibigay ng inisyatiba sa bawat Departamento higit ang Maintenance Department para sa araw araw na pag sasaayos at paglilinis ng mga kanal upang maiwasan ang malalang pagbaha. Gayundin, sa Environmental Department para naman sa ating mga nasasakupang mga ilog.
01/06/2026
📚✨ 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨📚
📖 𝗧𝗘𝗠𝗔: “𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻: 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗮𝘆𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻!” 💙
Nakiisa ang buong Pamahalaang Barangay ng Bayanan sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kgg. Engr. Athan Gutierrez , kasama nya sina Kgg. Kagawad Jay Dolleton, Kagawad Boboy Banaag, Kagawad Tom Niefes ,Kagawad Arnold Ayot Vivosa at Kagawad Jojo Solema ang isinagawang Brigada Eskwela 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Tayo po ay nagsagawa ng Libreng Gupit sa mga mag-aaral, Libreng Manicure at Pedicure at Libreng Hair Spa para sa ating mga G**o at mga Magulang gayundin ang atin malinamnam na Ginatan Ni ATHAN.
Taos-pusong pasasalamat din po kay Dr. JANE MAY C. VALBUENA Principal IV at DR.JOCELYN A. MORALES OIC-Principal Bes Main , at sa lahat ng mga g**o ng Bayanan Elementary School Unit 1 at Bayanan Elementary School Main sa kanilang dedikasyon at patuloy na paglilingkod para sa edukasyon ng ating mga mag-aaral.
Malugod naming inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, g**o, at mga katuwang sa komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1–5, 2026.
Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela 2026! 💚
🏫 Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa mas maayos at matagumpay na pagbubukas ng klase!
01/06/2026
𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 || FLAG RAISING CEREMONY AT FIRST MONDAY MASS HUNYO 01, 2026
Kasabay ng pagtataas ng watawat ngayong Lunes, ang mga magandang mensahe at pagbati ng ating Sangguniang Barangay na sina:
Punong Barangay Kap. Engr. Athan Gutierrez
Kgg. Kagawad Jay Dolleton
Kgg. Kagawad Boboy Banaag
Kgg. Kagawad Tom Niefes
Kgg. Kagawad Arnold Ayot Vivo, Kagawad Jojo Solema, Barangay Administrator Engr Vic Orellana at Barangay Secretary Arvin Cauton.
Pinangunahan ng Cultural Affairs Department na pinamumunuan ni Bb. Monet Lopez Calpito ang programa ngayong umaga.
Matapos ang seremonya ay ginanap ang Unang Lunes ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Father Bon Navarro ng Parokya Maria, Ina ng Diyos.
31/05/2026
🏀🏐 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐊𝐀𝐘𝐎, MASAYANG BAYANAN?🏆🎉
Oras na para magsama-sama at suportahan ang ating mga OG TEAMS AT BATANG BAYANAN sa pagbubukas ng BALIK-TANAW Basketball & Volleyball League 2026! 🌟
Sama-sama nating saksihan ang Parade of Teams ngayong alas 3 ng hapon!
Ibahagi ang post na ito para sa kaalaman ng lahat. Kita-kits at i-cheer ang inyong mga paboritong koponan! 🙌💥
𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐈𝐇𝐈𝐍𝐓𝐀𝐘… 𝐇𝐄𝐓𝐎 𝐍𝐀!🏀🏐
𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐡𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐚
BALIK-TANAW BASKETBALL AND VOLLEYBALL LEAGUE 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🔥
Muling magsasama-sama ang mga OG TEAMS at mga Batang Bayanan para sa isang liga na puno ng kompetisyon, sportsmanship, at pagkakaisa. 💯
📅 𝐌𝐚𝐲 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲)
⏰ 𝟑:𝟎𝟎 𝐏𝐌 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 𝐓𝐢𝐦𝐞 (𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐞)
📍 SummitCircle - Bayanan New Plaza
Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at suportahan ang kani-kanilang koponan para sa isang masaya at makabuluhang pagbubukas ng liga.
1st Game: Senior A (Best Muse) vs. Senior A (Best Uniform)
2nd Game: Senior B (Best Muse) vs. Senior B (Best Uniform)
3rd Game: LAC ( Kevin Quiambao ) vs. AGYC ( Kean Baclaan )
𝗔𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗱𝗲𝘁𝗮𝗹𝘆𝗲 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼.👀🔥
31/05/2026
OK BAYANAN 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗭𝘂𝗺𝗯𝗮 | 𝗠𝗮𝘆 30, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | BAYANAN NEW PLAZA AT BAGONG PARAISO
Noong nakaraang Sabado, matagumpay na ginanap ang OK BAYANAN 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗭𝘂𝗺𝗯𝗮 sa Bayanan New Plaza at Bagong Paraiso sa inisyatiba ni Punong Barangay Kap. Engr. Athan Gutierrez at ng buong Lokal ng Pamahalaang Barangay ng Bayanan
Mas naging espesyal ang aktibidad dahil sa pakikiisa ng: OK Bayanan President Today with Bel, Zumba Ladies at iba’t ibang sektor sa Masayang Bayanan na sama samang nagsusulong ng healthy, happy, and active lifestyle.
31/05/2026
📚 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲
Bilang pagsuporta sa Brigada Eskwela 2026, magkakaroon ng Libreng Gupit sa mga Estudyante, Libreng Manicure at Pedicure at Libreng Hair Spa sa ating mga G**o at mga Magulang, Ginatan Ni ATHAN, ng Bayanan Elementary School- Unit 1 at Bayanan Elementary School Main sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Kap. Engr. Athan Gutierrez at ng Sangguniang Barangay. Ito ay gaganapin sa ika-1 ng Hunyo (Lunes) sa ganap na alas 7 ng umaga.
Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga mag-aaral at mga g**o na maging handa at presentable sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral na makiisa at samantalahin ang programang ito.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta sa ating paaralan at kabataan!
30/05/2026
𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗖𝗥𝗨𝗭𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲
May 29, 2026
Ngayong araw, matagumpay na idinaos ang taunang Santa Cruzan 2026 sa ating Masayang Bayanan. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang Banal na Misa ng Pasasalamat na pinangunahan ni Rev. Father Bon Navarro, Parish Priest ng Mary, Mother of God. Sa homiliya, binigyang-diin ang kahalagahan ng pananampalataya at ang Krus bilang tanda ng kaligtasan at pag-ibig ng Diyos.
Pagkatapos ng Misa, sinundan ito ng makulay na Sagala. Itinampok ng ating mga kabataan ang kanilang mga magagarang kasuotan at ginampanan ang mga karakter na bahagi ng tradisyong Santa Cruzan. Ang prusisyon ay naging makabuluhang pagpapakita ng pananampalataya, kultura, at kagandahan ng pamayanan.
"Ang Santa Cruzan 2026 ay naging isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya, tradisyon, at pagkakaisa. Ito ay patunay na ang Krus ay patuloy na nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa ating pamayanan, at na ang kababaihan ay katuwang sa pagpapatibay ng ating simbahan", ayon kay Punong Barangay Kap. Engr. Athan Gutierrez.