Sk Kagawad Yuan Constantino

Sk Kagawad Yuan Constantino

Share

YUAN NA NANINIWALANG ANG KABATAAN AY PALAGING NO.1

23/05/2023

YUAN NO.1 BASTA KABATAAN

Magandang Araw po sa inyo ako po si Yuan Constantino tumatakbo bilang Sk Kagawad kami po ay mamimigay ng libreng Tubig tuwing Linggo sa ating pinagpalang Baranggay Cupang.



12/05/2023

SING KABATAAN!

Ipamalas ang iyong galing sa pag-awit at makiisa sa Sing Kabataan Karaoke Challenge!

Narito ang mga petsa ng aming pagbisita sa inyong mga lugar para sa munting kasiyahan na ito!
May 14 - Purok 6
May 21 - Purok 5
May 28 - Purok 4
June 4 - Purok 3
June 11 - Purok 2
June 11 - Purok 1

Ang mga magwawagi kada purok ay magkakaroon ng pagkakataong irepresenta ang kanilang lugar sa Grand Finals ng Sing Kabataan na gaganapin sa darating na Hunyo.

Kitakits kabataan ng Cupang!


Photos from Sk Kagawad Yuan Constantino's post 16/04/2023

TANGLAW SPORTS LEAGUE 2023

Ngayong araw ng Linggo, April 16, ay opisyal na binuksan ang Tanglaw Sports League 2023. Dito ay nabigyan ang ating tropa ng pagkakataong makilala pa ang mga kabataan ng Tanglaw at makapagbahagi ng munting handog gaya ng mga tropeyo at cash prize para sa kanilang paliga. Kasabay nito ay nagsagawa rin tayo ng munting feeding program bago magsimula ang paliga.

Maraming salamat sa pag-imbita sa amin.

Special thanks sa iyong inisyatibo kuya Jayron Ramos bilang punong abala sa paligang ito! Mabuhay ang kabataan ng Tanglaw!

Photos from Sk Kagawad Yuan Constantino's post 15/04/2023

EASTSIDE YOUTH ORGANIZATION Feeding Program

Ngayong araw, April 15, 2023, ay matagumpay nating naisagawa ang Feeding Program sa Harmony Ville sa pangunguna ng EASTSIDE YOUTH ORGANIZATION.

Maraming salamat sa inyong pag-imbita sa amin upang makiisa sa aktibidad na ito! 💙🤍

Photos from Sk Kagawad Yuan Constantino's post 26/03/2023

Ngayong araw ay nakiisa tayo sa Barangay Assembly Day for 1st semester of CY 2023 na ginanap sa Cupang Plaza Covered Court. Dito natin nasaksihan ang mga progmang napagtagumpayan ni Kap Rainier Bulos kaisa ang buong Barangay Cupang.

Dito nailahad ang mga programang naisakatuparan ni Kapitan Rainier Bulos at pinatunayang ang kaniyang mga pangako noon ay nahigitan pa.

Pagbubunyi para sa Barangay Cupang, kay Coun. Ken Takagi Jr. para sa tagumpay ng Sangguniang Kabataan, kay Kapitan at mananatiling Kapitan, Kap.Rainier Bulos para sa matagumpay na 1st semester.

Patunay ito na pinagpapala at patuloy na pagpapalain ang pinagpalang Barangay Cupang - Muntinlupa City sa pamumuno ni Kap. Rainier Bulos. Mabuhay!

Photos from Barangay Cupang - Muntinlupa City's post 06/03/2023

Marso 6, 2023- Ngayong araw ay pinangunahan ni Kapitan Rainier Bulos at kanyang mga Kagawad ang pagdiriwang ng mga ss: Misa Pasasalamat, Flag Raising Ceremony, Oathtaking, Blessing ng New Service Vehicle ng CUSCAI at ang pakikiisa sa National Women's Month at Fire Prevention Month.

Nanumpa sa katungkulan ang Cupang Senior Citizen Association Inc. (CUSCAI),School Parents and Teachers Association (SPTA) ng Cupang Elem. School Main at Millionaires Street Homeowners Association. Namigay din ng red roses sa mga kababaihan bilang pasasalamat, pakikiisa at pagkilala sa kanilang pagdiriwang.

Pinasalamatan naman ni Kapitan Bulos ang mga empleyado ng barangay sa kanilang walang sawang paglilingkod sa ating Pinagpalang Barangay.



Want your business to be the top-listed Government Service in Muntinlupa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


228 Cupang
Muntinlupa City
1771