20/04/2026
๐ญ๐ต ๐๐ฃ๐ฅ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐
๐๐
๐
๐๐๐๐๐
Naganap noong ika-19 ng Abril 2026 (Linggo) sa Guapeza Compound ang Eleksyon ng Bagong Hanay ng mga Opisyales ng Batang Tres Youth Organization. Ito ay pinangunahan at dinaluhan ng Cupang Youth Federation sa pangunguna ni Pangulong Tin Pelovello.
Asahan po ang mas pinaigting na mga programa at proyektong ilulunsad ng Batang Tres Youth Organization na maglalayong makatulong hindi lamang sa kabataan kundi sa kanilang komunidad.
Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga bagong halal na opisyales, at lalong-lalo na sa bagong Pangulo, Christian Jervin Villorente.
Mabuhay ang kabataang Batang Tres!
17/04/2026
๐ญ๐ณ ๐๐ฃ๐ฅ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Isinagawa ang Localized Planning Consultation ng Barangay Cupang, kung saan matagumpay na inilahad at inihain ang mga ipinanukalang programa para sa Youth Development sa Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa.
Ang mga panukala ay inilatag ng mga opisyal ng ibaโt ibang youth organizations sa Barangay Cupang, kabilang ang mga samahang nasa ilalim ng Cupang Youth Federation (CYF) gaya ng Eliseo Youth Organization, Cupang Hoopers Movement Youth Organization, at Sto. Niรฑo Elite, at ibang mga independent youth organizations sa Barangay Cupang.
Ang mga ipinanukalang programa ay nakabatay sa mga isyu at pangangailangan ng kabataan na natukoy ng YASDO, bilang bahagi ng proseso ng pagkalap ng mga input mula sa bawat barangay. Ang mga datos at rekomendasyong ito ay magsisilbing batayan ng YASDO sa pagbuo ng Citywide Youth Development Programs na ipapanukala sa Punong Lungsod, Kagalang-galang Rozzano Rufino โRuffyโ B. Biazon, bilang mga solusyong direktang nagmumula sa sektor ng kabataan.
Sa pamamagitan ng prosesong ito, naipakita ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng mga programang tutugon sa kanilang aktuwal na pangangailangan sa antas lungsod.
17/04/2026
15 APRIL 2026 | ๐๐๐-๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Isinagawa ang Pre-Drafting ng Localized Plan for Youth Development Programs na nilahukan ng ibaโt ibang samahan ng kabataan sa ilalim ng Cupang Youth Federation, gayundin ng ilang independent youth organizations sa Barangay Cupang.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Youth Affairs and Sports Development Office ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, katuwang ang Cupang Youth Federation, na naglalayong makabuo ng mga panukalang programa mula sa bawat organisasyon batay sa mga natukoy na isyu at pangangailangan ng kabataan sa lungsod.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagtalakay, nakapaglatag ang mga kalahok ng mga angkop at makabuluhang solusyon upang tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng kabataan.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa Cupang Events Place.
Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Barangay ng Cupang at sa Sangguniang Kabataan ng Cupang sa kanilang patuloy na suporta sa mga programang pangkabataan.
29/01/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐๐
Isasagawa ng Cupang Youth Federation (CYF) ang Youth Mass Voter Registration Drive bilang isang inisyatiba upang mas maraming kabataan ng Barangay Cupang ang mahikayat na magparehistro at bumoto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026.
๐ Iskedyul: Pebrero hanggang Mayo 2026
โฐ Oras: 8:00 AM โ 5:00 PM
๐ Lugar: COMELEC Satellite Office, Ayala Malls Alabang, Lungsod ng Muntinlupa
Ang mga kabataang lalahok ay ihahatid mula sa kanilang komunidad patungo sa COMELEC Satellite Office sa Ayala Malls Alabang upang maisagawa ang voter registration.
๐ Mga Ihahanda:
โ Valid ID na nakatala sa anunsyo ng COMELEC (original and photocopy)
Makiisa sa programang ito at maging bahagi ng aktibong kabataang bumubuo ng isang responsableng pamayanan.
29/01/2026
๐๐๐๐ | ๐๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐
Nagtipon ang mga Youth Area Coordinators, kasama ang mga Federation Presidents at Representatives, para sa 1st Quarter Youth General Assembly na pinangunahan ni Ms. Ahya Dancel Parfan, LYDO Head.
Isinagawa ang pagpupulong sa YASDO โ Youth Division Office, South Park Center noong Enero 8, 2026. Tinalakay dito ang mga mahahalagang updates hinggil sa city youth programs and initiatives para sa FY 2026, kabilang ang:
โข Status ng Youth Federation Officers
โข Make Your City Proud Program
โข Revisiting and reactivation of youth organizations
โข Muntinlupa Youth Connect updates
โข Financial assistance requests para sa youth activities
โข Impormasyon sa mga designated youth leaders
โข Youth Day sa South Park
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ni Pangulong Justin Rain Graganta Pelovello at ng Cupang Youth Area Coordinator na si Ronald Dela Cruz Ferreras.
Isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong palakasin ang koordinasyon, partisipasyon, at pagkakaisa tungo sa mas aktibo at konektadong kabataang Muntinlupeรฑo.
25/11/2025
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ , ๐๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ค๐-๐๐ซ๐จ๐ฎ๐! โจ
Ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pagbati kay ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง ๐๐๐ข๐ง ๐๐ซ๐๐ ๐๐ง๐ญ๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฏ๐๐ฅ๐ฅ๐จ sa kanyang pagkakahirang bilang Nominee para sa Parangal sa Kabataang Nakakaproud โ Muntinlupa City.
Bilang Pangulo ng Cupang Youth Federation, Pangulo ng Eliseo Youth Organization, at Miyembro ng Local Youth Development Council โ Health Pillar, patuloy mong ipinapakita ang responsableng pamumuno at malasakit para sa kapwa-kabataan.
Buong Cupang Youth Federation ay lubos na proud sa iyong tagumpay at pagkilalang natanggap mo.
Muli, congratulations on your nomination, Mr. President! ๐๐
CCTO: Parangal sa Kabataang Nakaka-proud โ Muntinlupa City page
17/09/2025
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ, ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฐ๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ! ๐
We wish you a day filled with happiness, blessings, and good health. May your leadership journey continue to inspire and bring positive change to our community. Thank you for your dedication and service to the youth. Cheers to more years of success and meaningful service! ๐ฅณโจ
With love and gratitude,
Your CYF Family ๐
10/08/2025
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Idinaos mula Agosto 1 hanggang 10 sa SM Center Muntinlupa ang Mass Voter Registration na isinagawa ng COMELEC Muntinlupa, kung saan ay nilahukan ng mga miyembro ng Cupang Youth Federation (edad 15โ30) upang ganap na makapagparehistro at maging ganap na rehistradong botante, bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa darating na Nobyembre 2026.
26/07/2025
๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐ ๐ผ๐ ๐ฝ๐๐๐๐ฝ๐๐๐, ๐๐ผ๐ ๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ! ๐
Para sa ating mga nag gagalingang mga ka-barangay, ito ay para sa inyo! โค๏ธ
Dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko, muling magbubukas ng FINAL SCREENING DAY para sa Ginoo at Binibining Cupang 2025 bukas, ika-27 ng Hulyo sa Barangay Cupang Session Hall mula 3:00 PM hanggang 7:00 PM.
Tingnan lamang muli ang mga nakasaad na detalye at gamiting gabay para sa mga dapat na ihanda sa pakikilahok.
Habol na, mga ka-barangay! Goodluck! ๐ซฐโค๏ธ
23/07/2025
๐๐ฅ๐๐ง๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฅ๐๐ง (๐๐๐๐ - ๐๐๐๐)
๐๐ง๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐ | ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง ๐๐จ๐ญ๐๐ฅ ๐๐ฅ๐๐๐๐ง๐ , ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ
Matagumpay na naisagawa ang Local Youth Development Planning and Crafting for 2026โ2028 na nilahukan ng mga pangulo ng ibaโt ibang samahan ng kabataan ng Barangay Cupang. Idinaos din ang halalan para sa mga bagong miyembro ng Local Youth Development Council (LYDC) noong ika-18 ng Hulyo 2025 sa Crimson Hotel, Alabang, Lungsod ng Muntinlupa, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon, Congressman Jaime Fresnedi, at ng Youth Affairs and Development Office.
# NYC
18/07/2025
๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ! ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง ๐๐๐ข๐ง ๐๐ซ๐๐ ๐๐ง๐ญ๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฏ๐๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐๐๐ฐ๐ฅ๐ฒ-๐๐ฅ๐๐๐ญ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ๐๐๐ฆ๐๐๐ซ.
Matapos ang ilang taon, muling nagkaroon ng kinatawan ang Kabataan ng Barangay Cupang sa Local Youth Development Council (LYDC) Muntinlupa. Bunsod nito, muling magkakaroon ng boses ang mga kabataan ng Cupang upang makilahok sa paglikha ng mga kapakipakinabang na resolusyon at mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng kabataan, hindi lamang sa Barangay Cupang, kundi sa buong Lungsod ng Muntinlupa. Malugod naming binabati si Pangulong Justin Rain Pelovello sa kanyang pagkakahalal bilang opisyal na kinatawan ng Barangay Cupang sa LYDC.
#2028 # CYF