City Architect's Office

City Architect's Office

Share

Architectural Design, Drafting and Implementation of Infrastructure Project.

08/06/2026

๐Œ๐ž๐ ๐š ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ: ๐ƒ๐š๐ ๐๐š๐  ๐๐š๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐š๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก๐œ๐š๐ซ๐ž ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐žรฑ๐จ

Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang healthcare infrastructure ng lungsod sa pamamagitan ng pagtatayo ng Mega Health Center sa Barangay Alabang.

Inaasahang makatutulong ang bagong pasilidad sa pagbibigay ng mas mabilis, mas komprehensibo, at mas accessible na serbisyong medikal para sa mga Muntinlupeรฑo, habang pinalalawak ang kapasidad ng lungsod na tugunan ang ibaโ€™t ibang pangangailangang pangkalusugan ng komunidad.

Tingnan din ang post na ito para sa iba pang detalye: https://www.facebook.com/share/p/1NrEE3BSFs/?mibextid=wwXIfr

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na mapalapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mamamayan at ng pagsusulong ni Mayor Ruffy Biazon ng Kalusugan bilang isa sa mga pangunahing prayoridad sa ilalim ng kanyang 7K Agenda.


06/06/2026

๐Œ๐ž๐ ๐š ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐€๐ฅ๐š๐›๐š๐ง๐ 

Patuloy na pinalalawak ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng itinatayong Mega Health Center sa Barangay Alabang.

Isa itong modernong pasilidad na may:
โœ… Laboratory Facilities - Para sa clinical tests at diagnostics
โœ… Birthing Area - May delivery room, recovery beds, at prenatal consultation
โœ… PWD & Gender-Sensitive Facilities - Accesible para sa lahat

Kapag natapos, magbibigay ito ng mas mabilis, mas episyente, at mas malapit na healthcare services para sa mga residente, kabilang ang laboratory diagnostics, maternal care, at iba pang pangunahing serbisyong medikal.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ni Mayor Ruffy Biazon ng Kalusugan, isa sa mga pangunahing prayoridad sa ilalim ng kanyang 7K Agenda, upang matiyak na mas marami pang Muntinlupeรฑo ang magkakaroon ng accessible, maaasahan, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan na tunay na malapit sa komunidad.


05/06/2026

๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐š ๐ง๐  ๐ข๐ค๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฅ๐ž๐ ๐ข๐จ ๐๐ž ๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š!

Isang bagong 6-storey Building 3 ang kasalukuyang itinatayo sa Colegio de Muntinlupa (CDM) para magbigay ng mas maraming classrooms, dagdag na laboratories, at specialized learning spaces para sa mga estudyante.

Kapag natapos, inaasahan na makakapag-accommodate ito ng humigit-kumulang 960 students.

May architecture studio, drawing rooms, biology at ergonomics laboratories, multi-purpose hall, exhibit area, at roof deck upang mas mapalakas ang hands-on learning ng future engineers, architects, at iba pang professionals ng lungsod.

Bahagi ito ng vision ni Mayor Ruffy Biazon na palawakin ang access sa de-kalidad, makabago, at industry-ready na edukasyon upang mas maraming kabataang Muntinlupeรฑo ang magkaroon ng pagkakataong magtagumpay.

04/06/2026

๐๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐š ๐›๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐จ๐ง๐ ๐จ๐ข๐ง๐  ๐œ๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐‹๐Œ๐ฎ๐ง?

Kasalukuyang sumasailalim sa isang malawakang โ‚ฑ100-milyong renovation project ang paaralan, kabilang dito ang pagsasaayos ng classrooms, pagtatayo ng mini amphitheatre for future nursing students, student lounge, satellite library, rehabilitated AVR, at iba pang pasilidad para gawing mas ligtas, mas komportable, at mas angkop sa pag-aaral ang campus.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ni Mayor Ruffy Biazon ng de-kalidad at makabagong edukasyon para sa mga Muntinlupeรฑo. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga pasilidad ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, layunin ng lungsod na mabigyan ang mga estudyante ng mas maayos na learning environment na tutulong sa kanilang maabot ang kanilang mga pangarap.

Ang investment sa edukasyon ay investment din sa kinabukasan ng bawat kabataang Muntinlupeรฑo.

01/06/2026
Photos from RPMD's post 20/05/2026
Photos from Ruffy Biazon's post 20/05/2026
Photos from City Government of Muntinlupa - OFFICIAL's post 18/05/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Muntinlupa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

National Road Putatan
Muntinlupa City