LTO NAGA District Office-Bicol

LTO NAGA District Office-Bicol ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐…๐€๐‚๐„๐๐Ž๐Ž๐Š ๐๐€๐†๐„ ๐Ž๐… ๐‹๐“๐Ž ๐๐€๐†๐€ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„-๐๐ˆ๐‚๐Ž๐‹ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐ ๐•

09/10/2026
09/10/2026
05/10/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง ๐•, ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐ก๐จ๐ฐ ๐‚๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐Ž๐ซ๐๐ž๐ซ ๐Š๐š๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ข๐› ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ง๐ž๐ก๐จ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฐ๐ข ๐ฌ๐š ๐‚๐จ๐ง๐œ๐ž๐ฉ๐œ๐ข๐จ๐ง ๐†๐ซ๐š๐ง๐๐ž, ๐๐š๐ ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Matapos ang paunang pagsusuri sa insidente at sa mga nakalap na ebidensya, naglabas ang Land Transportation Office (LTO) Region V ng Show Cause Order (SCO) na nag-aatas sa kinauukulang driver na magpaliwanag sa loob ng sampung (10) araw kung bakit hindi siya dapat panagutin sa kasong administratibo sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle o hindi karapat-dapat na tao upang magmaneho ng sasakyang de-motor, alinsunod sa Seksyon 27 ng Republic Act No. 4136.

Nauna nang naisyu sa kinauukulang driver ang Temporary Operatorโ€™s Permit (TOP) kaugnay ng paglabag na Reckless Driving. Samantala, isinailalim sa preventive suspension sa loob ng siyamnapung (90) araw ang kanyang lisensya sa pagmamaneho, habang ang sangkot na sasakyang de-motor ay inilagay sa โ€œAlarmโ€ status habang hinihintay ang resolusyon sa kasong administratibo.

Isinasagawa ang mga hakbang na ito bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., alinsunod sa mga patakarang isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao, at sa patuloy na pamumuno nina LTO Regional Director Allan Castillejos at Assistant Regional Director Vincent Nato.


05/10/2026

๐Ÿšจ ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ ๐Ÿšจ

Matapos ang isinagawang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO), tuluyang ipinataw ang revocation ng driverโ€™s license ng rider at diskwalipikasyon na mabigyan muli ng lisensya sa loob ng dalawang (2) taon, matapos itong ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Ang naturang desisyon ay kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng rider, kung saan natamaan nito ang kapwa motorista habang nagsasagawa ng delikadong maniobra. Dahil dito, nawalan ng balanse ang motorsiklong natamaan, dahilan upang mahulog ang rider at ang kanyang angkas.

Pinatawan din ang rider ng kaukulang parusa ng ahensya dahil sa paglabag sa Duty of the Driver in Case of Accident, sapagkat umalis siya sa lugar ng insidente nang hindi huminto upang magbigay ng kinakailangang tulong sa biktima.

Naisyuhan din ng traffic citation ticket ng pulis ang rider para sa Reckless Driving kaugnay ng insidente.

โ€œBawat paglabag ay seryosong inaaksyunan ng LTO. Kapag nilabag mo ang batas at tumakas matapos ang isang insidente, may katapat itong pananagutan, kabilang ang pagbawi ng iyong lisensya,โ€ saad ni Asec. Lacanilao.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa insidenteng ito, maaaring i-click ang link sa ibaba para sa naunang inilabas na pahayag ng LTO.

https://web.facebook.com/share/p/14nphMxkesW/

27/09/2026

๐Ÿ“ข๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜†โ€ผ
Work in all LTO Region V offices will be ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ from ๐Ÿญ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐—  ๐—ผ๐—ป๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€ ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

This is in line with Memorandum Circular No. 136 issued by the Office of the President in observance of Family Week and โ€œKainang Pamilya Mahalagaโ€ day.

Address

Felix Plazo Street LCC Compound Sabang
Naga City
4400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO NAGA District Office-Bicol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share