07/09/2026
WALANG PASOK ADVISORY HALF-DAY CLASSES | SEPTEMBER 7, 2026 (MONDAY)
Dahil sa inaasahang patuloy na masamang panahon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado), Monday, September 7, 2026.
Bagamat walang klase, Tuloy ang pag-aaral! Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral. ayon ito sa DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na tayo ay mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.
At sa mga kabataan ating gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman. Tandaan: Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.
🔔 Naicqueños Huwag nating kalimutang:
✅ I-check ang balita sa opisyal na page.
✅ Maghanda ng emergency kits.
✅ Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
✅ Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
✅ Lumikas kung kinakailangan.
✅ Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Narito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan:
📞 MDRRMO HOTLINE: 410-5725 / 0917-812-8186
📞 PNP HOTLINE: 0998-598-5621
📞 BFP HOTLINE: 0956-4830-226 / 0956-4830-753