11/11/2026
ππππππππ ππ, ππππ
Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 3, sa ilalim ng programang βBalik Sigla sa Ilog at Lawaβ o BASIL katuwang ang ating Municipal Agriculture Office at MENRO ay nagsagawa ng validation activity kasama din sa nasabing aktibidad ang Provincial Fishery Officer at mga kinatawan mula sa Provincial Agriculture Office ng Nueva Ecija.
Layunin ng naturang validation na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng Nabao Lake at ang mga yamang-tubig at pangisdaan nito, upang matukoy ang angkop na hakbang para sa planong pagpapakawala ng mga fingerlings.
Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang mapapalakas ang populasyon ng mga isda sa Nabao Lake, mapangangalagaan ang yamang-tubig, at higit na mapagkakalooban ng oportunidad sa kabuhayan ang ating mga lokal na mangingisda.
Naisagawa rin ang huling araw ng Thermal Fogging Operation sa Barangay Bagong Silang bilang bahagi ng mga hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Cabiao upang makatulong sa pagkontrol sa mga lamok na maaaring magdala ng dengue at iba pang sakit.
Maraming salamat sa sipag at dedikasyon ng ating Sanitation Inspector John Davidson Santiago sa pangunguna sa nasabing operasyon, kasama ang Sangguniang Barangay ng Bagong Silang.