04/09/2026
MENSAHE NG PASASALAMAT
Mula sa Pamunuan ng Paluan Central School
Sa lahat ng katuwang at kalahok sa ginanap na Nationwide Simultaneous School Safety Drill on Active Attack Incidents — Maraming Salamat po!
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa ating Municipal Mayor, Hon. Michael Diaz, PNP Paluan Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PCMS Filbart Laquires at sa buong pangkat; sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Paluan Station sa pangunguna ni SFO3 Leonardo B. Perez III ( Acting Municipal Fire Marshal) ; sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni G. Albert Andaya Dimaano
; sa DILG Paluan; at sa mga kagalang-galang na Barangay Officials ng Brgy. V-Bagong Silang sa pangunguna ni Hon. Brgy. Capt. Joel Vicente.
Hindi rin namin makakalimutan ang ating mga tapat na g**o, kawani, at magulang na naging aktibong bahagi ng pagsasanay.
Ang inyong pakikibahagi, gabay, at sama-samang pagtutulungan ang naging susi upang maging matagumpay at makabuluhan ang aktibidad na ito. Dahil sa inyong presensya at kadalubhasaan, mas lumawak ang ating kaalaman, tumibay ang ating kahandaan, at napatibay ang ugnayan ng paaralan at mga ahensya — lahat upang tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng bawat mag-aaral, g**o, at tauhan ng Paluan Central School sa anumang panahon ng pangangailangan.
Ang pagsasanay na ito ay hindi lamang isang pagsunod sa utos — ito ay patunay na kapag ang komunidad at mga ahensya ay nagkakaisa, nakabubuo tayo ng isang ligtas, payapa, at handang paaralan para sa lahat.
Muli, maraming salamat sa inyong oras, pagkalinga, at pakikibahagi sa layuning ito. Nawa’y manatiling matibay ang ating ugnayan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad ng Paluan.