Sanguniang Barangay - Pasi II

Sanguniang Barangay - Pasi II Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sanguniang Barangay - Pasi II, Political organisation, Pasi II, Socorro, Oriental Mindoro.

PAMAMAHAGI NG SCHOLARSHIP ASSISTANCE SA ILALIM NG BBM PROGRAMIsinagawa noong September 9, 2026 sa BARANGAY PASI II, Soco...
15/09/2026

PAMAMAHAGI NG SCHOLARSHIP ASSISTANCE SA ILALIM NG BBM PROGRAM
Isinagawa noong September 9, 2026 sa BARANGAY PASI II, Socorro, Oriental Mindoro ang pamamahagi ng Scholarship Assistance para sa mga kwalipikadong mag-aaral sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Program.

Ang pagpapatupad ng programa ay alinsunod sa mga umiiral na panuntunan at alituntunin ng Department of the Interior and Local Government (DILG), partikular sa DILG Memorandum Circular No. 2026-038, na nagsisilbing gabay sa implementasyon ng naturang programa.

Sa nasabing aktibidad, isinagawa ang pagpapalabas ng β‚±20,000.00 bilang Scholarship Assistance para sa mga sumusunod na benepisyaryo:
MGA BENEPISYARYO:

1. DARMEL GIAN F. MONES
2. KEIRON TROI S. HERNANDEZ
3. WENDEL G. RAMOS
4. NORIELLE GIANNE T. AUSTRIA
5. MARK JERICHO MADRIGAL

Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaan sa programang nagbibigay ng suporta sa sektor ng edukasyon at naglalayong makatulong sa mga mag-aaral, lalo na sa pagtugon sa kanilang mga gastusin at pangangailangan sa pag-aaral.

Sa pamamagitan ng Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Program, patuloy na naihahatid ang mga serbisyong may direktang pakinabang sa mga mamamayan, alinsunod sa mga itinakdang pamantayan at proseso ng programa.
Tungo sa mas inklusibo at makabuluhang serbisyo publikoβ€”para sa bawat barangay, para sa bawat mamamayan, at para sa kinabukasan ng ating kabataan.

Ang tatlong studyante na sina Mark Jericho Madrigal, Darmel Gian F. Mones at Keiron Troi S. Hernandez ay huling tumanggap noong ika- 12 ng September, 2026 sa kadahilanang nalate ang released ng school ng mga requirements.


03/09/2026

Paanyaya!
Ang lahat po ay inaanyayahang dumalo sa:

Ano: Public Hearing
Saan: Pasi 2, Socorro, Barangay Hall
Kailan: September 5. 2026/ 9:00 am

Agenda:
1. Pagtalakay at pagbabasa ng mga Barangay ordinaces na tungkol sa

-Enhanced Curfew
-Clean up drive at naujan lake shore
-Night id policy
-Waste Segregation
-Service Vehicle

Attendance is a must.

27/08/2026
Pagbati ng Kapayapaan!Ang Philippine Coconut Authority katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Socorro sa pangunguna ng Tanggap...
13/08/2026

Pagbati ng Kapayapaan!

Ang Philippine Coconut Authority katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Socorro sa pangunguna ng Tanggapan ng Punong Bayan at Ikalawang Punong Bayan ay magsasagawa ng PAGREREHISTRO ng mga mamamayang mayroong pagmamay-aring niyugan, mga tenants at nagtatrabaho na may kinalaman sa niyog.

Dahil dito, nais po namin ipaaalam na ang inyong Barangay ay naka skedyul sa ika- 17 ng Agosto, 2026 sa ganap na ika-1:00 hanggang ika- 5:00 ng hapon, at ito po ay gaganapin sa Barangay Gymnasium ng Batong Dalig.

Mangyari pong ipagbigay alam sa inyong mga Kabarangay ang nabanggit na gawain.

Narito po ang mga kinakailangang ihanda at dalhin ng mga magpaparehistro:

✽ 1 piraso 2x2 photo ID
✽ 1 kopya ng Valid Government ID na may 3 pirma sa ibaba
✽ Katibayan ng pagmamay-ari tulad ng titulo, Deed of Sale, Tax Declaration
✽ Kung ang titlo ay hindi nakapangalan sa farmer ito ay kailangan ng Barangay Certification na nakahayag ang pangalan ng may-ari ng lupa at sukat ng lupa na pagmamay-ari nito.

inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at pagtugon sa programang ito.

August 01, 2026Week 30Bilang pagtalima sa DILG memorandum Circular 2025-001 Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program,nagsag...
01/08/2026

August 01, 2026
Week 30

Bilang pagtalima sa DILG memorandum Circular 2025-001 Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program,nagsagawa ng Kalinisan sa Sitio Duhat at Sitio Mangga Pasi II, Socorro, Oriental Mindoro sa pangunguna ni Punong Barangay Alex Cabrera Sales.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng nasa 15 na mga indibidwal na binubuo ng Sangguniang Barangay, BHW at Barangay Tanod

Layon ng kalinisan ng kapaligiran at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga sakit tulad ng dengue at iba pa.
Inaasahang higit na magiging maganda at ligtas ang mga nasasakupan ng bawat barangay bilang resulta ng programang ito.


16/07/2026

πŸŽ‰πŸƒCOLOR FUN RUN 2026 πŸŽ‰πŸƒ
πŸ“… July 18, 2026
πŸ•” Registration: July 9, 2026 - July 17, 2026
πŸ“ Brgy. Pasi II

Theme:
"Kulay ng saya, takbo para kay Sta. Maria Magdalena"

Ang Color Fun Run na may temang "Kulay ng saya, takbo para kay Sta. Maria Magdalena" ay layuning hikayatin ang mga tao na maging aktibo at magkaisa bilang isang barangay, lalo na ang kabataan. Ito rin ay bahagi ng masaya pagdiriwang para kay Sta. Maria Magdalena, kung saan naipapakita ang saya, pagtutulungan, at pananampalataya sa isang makulay na paraan.

πŸ‘•ATTIRE: Magsuot po ng Puting Tshirt or Sando.
βœ… OPEN FOR ALL!
Kahit saan ka pa nanggaling, maaari kang sumali.
πŸ’― 50 pesos registration fee!

πŸ† Cash Prizes for Winners:
πŸ₯‡ 1st Finisher – Surprise Prize + Medal
πŸ₯ˆ 2nd Finisher – Surprise Prize + Medal
πŸ₯‰ 3rd Finisher – Surprise Prize + Medal

Kita-kits sa July 18! πŸ’™πŸ’›β€οΈ

Online Voting Guidelines:1. Like and follow the official Facebook account of Miss Socorro 2.  Cast your vote by giving a...
12/07/2026

Online Voting Guidelines:
1. Like and follow the official Facebook account of Miss Socorro

2. Cast your vote by giving a ❀️ reaction to the official photo of your favorite candidate. ONLY HEART reactions will be counted as an official vote.

3. A candidate who will get the highest number of official reactions/votes will be the MISS SOCORRO 2026 NETIZENS' CHOICE.

4. Voting line will officially close at exactly 12NOON on 27 JULY, 2026.

Jly 12, 2026Week 27Bilang pagtalima sa DILG memorandum Circular 2025-001 Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program,nagsagwa ...
12/07/2026

Jly 12, 2026
Week 27

Bilang pagtalima sa DILG memorandum Circular 2025-001 Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program,nagsagwa ng Kilinisan sa Sitio Sinturis at Sitio Sintures Pasi II, Socorro, Oriental Mindoro sa pangunguna ni Punong Barangay Alex Cabrera Sales.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng nasa 15 na mga indibidwal na binubuo ng Sangguniang Barangay at Barangay Tanod.

Layon ng kalinisan ng kapaligiran at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga sakit tulad ng dengue at iba pa.
Inaasahang higit na magiging maganda at ligtas ang mga nasasakupan ng bawat barangay bilang resulta ng programang ito.


Magandang araw po sa ating lahat.Ang buong Sangguniang Barangay ng Pasi II sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. A...
10/07/2026

Magandang araw po sa ating lahat.

Ang buong Sangguniang Barangay ng Pasi II sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Alex Cabrera Sales ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa ating Sabayang Pagtatanim ng Malunggay (Malunggay Tree Planting) sa kani-kanilang mga bakuran bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month.

Maraming salamat po sa inyong suporta, kooperasyon, at malasakit sa ating komunidad. Nawa'y patuloy nating pangalagaan ang ating mga itinanim upang maging kapaki-pakinabang sa kalusugan ng bawat pamilya.



Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat!

Address

Pasi II, Socorro
Oriental Mindoro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sanguniang Barangay - Pasi II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share