01/06/2026
SEN. JINGGOY ESTRADA, EMOSYONAL HABANG INIHATID SA PNP-CIDG
Emosyonal si Senador Jinggoy Estrada habang inihahatid ng mga senador mula sa majority bloc patungo sa PNP-CIDG matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong plunder.
Kasama siya ng ilang kapwa mambabatas nang isagawa ang paglipat ng kustodiya sa mga awtoridad.
01/06/2026
VP SARA DUTERTE, HINILING ANG PAGBASURA SA IMPEACHMENT CASE‼️
Pormal na hiniling ni Vice President Sara Duterte sa Senate Impeachment Court na ibasura ang Articles of Impeachment na inihain laban sa kanya.
Sa isinumiteng sagot ng kampo ng bise presidente, iginiit ng kanyang legal team na ang reklamong impeachment ay may mga kakulangan umano sa aspetong konstitusyonal, procedural, at substansyal.
Ayon sa depensa ni Duterte, lumampas umano sa kanilang kapangyarihan ang House Committee on Justice sa pagtalakay ng reklamo.
Iginiit din nilang nagkaroon umano ng prejudgment sa kaso, gumamit ng mga ebidensyang iniharap matapos na siyang makapagsumite ng tugon, at nagsama ng mga alegasyong naganap bago pa siya manungkulan bilang bise presidente.
Sa kasalukuyan, hinihintay ang mga susunod na hakbang ng Senate Impeachment Court kaugnay ng kahilingang ibasura ang kaso.
01/06/2026
HELLO, JUNE! 🌿☀️
Bagong buwan, bagong pag-asa. Nawa’y magdala ang Hunyo ng kapayapaan, tagumpay, at masaganang biyaya sa bawat Pilipino.
Maligayang pagdating, Hunyo 2026! 🇵🇭💙
01/06/2026
|| KAMPO NI VP SARA DUTERTE, NAGSUMITE NG PORMAL NA SAGOT SA SENATE IMPEACHMENT COURT‼️
Nagsumite na ng pormal na tugon ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa Senate Impeachment Court kaugnay ng mga reklamong nakasaad sa Articles of Impeachment na inihain laban sa bise presidente.
Personal na nagtungo sa Senado nitong Hunyo 1 si Atty. Michael Poa, tagapagsalita at kinatawan ng legal defense team ni Duterte, upang ihain ang opisyal na sagot sa Writ of Summons na inilabas ng impeachment court.
Isinagawa ang pagsusumite bago ang itinakdang deadline ng Senado para sa paghahain ng tugon ng kampo ng bise presidente.
Patuloy namang inaabangan ang mga susunod na hakbang sa impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte.
photo courtesy | SMNI
01/06/2026
DATING DPWH SECRETARY MANUEL BONOAN, SUMUKO NA SA CIDG‼️
Kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ito ay matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong plunder.
01/06/2026
'BAGA RA KAAYO KAG NAWUNG (PBBM) NGAG'
Naglabas ng matinding pahayag si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng mga naging komento nito tungkol sa UniTeam, kay Vice President Sara Duterte, at sa umano’y pamana o legacy ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kanyang pahayag, kinuwestiyon ni Pulong Duterte ang mga sinasabing reporma ng administrasyong Marcos at iginiit na mas nais umano ng publiko na makita ang konkretong resulta ng pamamahala kaysa sa mga talumpati at slogan.
Binigyang-diin din ng kongresista na malaki umano ang naging ambag ni Vice President Sara Duterte sa tagumpay ng UniTeam noong 2022 elections, at sinabi na hindi dapat kalimutan ang naging suporta nito sa kampanya ng Pangulo.
Hinamon din niya ang Pangulo na ilahad sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang mga programang direktang nakinabang ang mga Pilipino.
Nagtapos ang pahayag ni Pulong Duterte sa isang matapang na mensahe na aniya’y naririnig umano niya mula sa taumbayan bilang reaksiyon sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.
Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon ang Malacañang sa pahayag ng kongresista.
01/06/2026
HOUSE PROSECUTORS, NAGHIHINTAY SA SAGOT NI VP SARA SA DEADLINE NGAYONG HUNYO 1
Mahigpit na mino-monitor ng House prosecution panel ang posibleng pagsusumite ng sagot ng kampo ni Vice President Sara Duterte ngayong Hunyo 1, ang itinakdang deadline para sa kanilang tugon sa impeachment case.
Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, inaasahan nilang direktang sasagutin ng Bise Presidente ang mga alegasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.
Sinabi rin ni Luistro na mahalagang malinaw at detalyadong matugunan ang bawat isyu upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na matagal nang inaabangan ng publiko.
📌 Ang Hunyo 1 ang itinakdang huling araw para sa pagsusumite ng tugon ng kampo ni VP Sara.
01/06/2026
PCO USEC. CLAIRE CASTRO, BINATI SI VP SARA DUTERTE SA KANYANG KAARAWAN‼️🥳
Nagpaabot ng pagbati si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro kay Vice President Sara Duterte bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kaarawan nito noong Mayo 31.
Sa isang larawan na kanyang hawak, ipinahayag ni Castro ang kanyang pagbati sa Bise Presidente at nakiisa sa paggunita ng espesyal na okasyon.
📸 Courtesy Photo