Brgy Mayhay Pagbilao, Quezon

Brgy Mayhay Pagbilao, Quezon BRGY. MAYHAY OFFICIAL PAGE

26/10/2026
πŸ“’ **PAABISO SA ATING MGA KABARANGAY**May nakatanggap po tayong mensahe tungkol sa isang **aso na ilang beses nang nakiki...
21/09/2026

πŸ“’ **PAABISO SA ATING MGA KABARANGAY**

May nakatanggap po tayong mensahe tungkol sa isang **aso na ilang beses nang nakikitang paikot-ikot sa may isang tindahan**. Posibleng ito po ay **nawawala o may naghahanap na may-ari**.

🐢 Kung may nakakakilala po sa aso o may nawawalang alagang aso na maaaring tumugma sa nakita, mangyaring **mag-message po sa ating Barangay Page** upang maipagbigay-alam at matulungan nating maibalik ito sa kanyang pamilya.

πŸ“Œ **Paki-share po ang post na ito** upang makarating sa posibleng may-ari.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagtulong. ❀️🐾

16/08/2026

πŸ“Έ MR-SIA CAMPAIGN | MULA KAALAMAN HANGGANG PROTEKSYONπŸ’‰β€οΈ

Matagumpay na naisagawa ng Barangay Mayhay ang mga aktibidad para sa MR-SIA (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity)β€”mula sa pagbibigay ng impormasyon at pagpapalaganap ng kamalayan hanggang sa aktwal na pagbabakuna sa ating mga kabataan. πŸ§’πŸ‘§πŸ’‰

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng ating Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholar, Kagawad on Health, mga magulang, guardians, at buong komunidad, naging maayos at matagumpay ang pagpapatupad ng programa.

Ang bawat bakuna ay dagdag na proteksyon. Ang bawat batang nabakunahan ay isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na komunidad. ❀️

πŸ“’ PAALALA SA MGA MAGULANG AT GUARDIANS!

Para sa mga batang hindi pa nababakunahan, may pagkakataon pa upang makilahok sa MR-SIA.Maaari pa silang magpabakuna sa darating na Agosto 24, 2026 sa ating Barangay Health Center.

Huwag palampasin ang pagkakataong mabigyan ng dagdag na proteksyon ang ating mga anak. πŸ’‰β€οΈ

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naglaan ng oras upang maging matagumpay ang ating MR-SIA Campaign! πŸ™Œ

Bakuna para sa proteksyon. Kaalaman para sa kaligtasan. Sama-sama para sa mas malusog na Barangay Mayhay!πŸ’ͺ❀️






πŸ“’ MAMAMAYAN NG BARANGAY, HALINA’T MAGPABAKUNA! πŸ’‰β€οΈBukas na po ang MR-SIA Vaccination! 🩷Inaanyayahan po ang mga kwalipika...
13/08/2026

πŸ“’ MAMAMAYAN NG BARANGAY, HALINA’T MAGPABAKUNA! πŸ’‰β€οΈ

Bukas na po ang MR-SIA Vaccination! 🩷

Inaanyayahan po ang mga kwalipikadong bata na makiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) upang maprotektahan sila laban sa tigdas at rubella.

πŸ“… Agosto 14, 2026 (Biyernes)
⏰ 8:00 AM
πŸ“ Health Center ng Barangay

πŸ‘§πŸ‘¦ Kalusugan ng ating mga anak, sama-sama nating pangalagaan!

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Magpabakuna at maging protektado! πŸ’‰βœ¨

πŸ“£ Kita-kits bukas sa ating Health Center!

04/08/2026
πŸ“£ATTENTIONπŸ“£Payout upliftWhen : august 7,2026Time: 8 am on wardsVenue: Brgy bukal pagbilao covered court Mga dapat tandaa...
04/08/2026

πŸ“£ATTENTIONπŸ“£

Payout uplift

When : august 7,2026
Time: 8 am on wards
Venue: Brgy bukal pagbilao covered court

Mga dapat tandaan nagsend po kmi ng payroll pkibigay yan don sa concern benes or kapalit na kapamilya nong benes

- un pong mga ligwak wag na po nio sabihin cla
- magdala p rin xerox copy ng national id or any valid id for the first payout may lagda na 3 don sa xerox copy

- 8 ang paymasters bale kada table nay payroll number don cla pipila pero magpapa register po muna kau may mga staff po kaming kasama don at mga taga dswd

- magdala po kanya kanyang ballpen

- isa p po yan send namin na payroll nasa original na benes po nakalagay talaga mapapalitan po yan sa registration desk po kung un kapalit na nakalagay sa cbms survey po kaya ang ibibigay nio payroll number ay don sa nakalagay dyan sa payroll na papalitan po nila na mismong family members din nila

Magandang Araw, mga Kabarangay!Ang listahang aming ilalathala ay ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT A...
28/07/2026

Magandang Araw, mga Kabarangay!

Ang listahang aming ilalathala ay ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance Program ng Pamahalaan.
Ang UPLIFT (Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport Assistance Program) ay isang programang inilunsad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang magbigay ng tulong-pinansyal sa mga kwalipikadong pamilyang Pilipino bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Nais din naming ipabatid na ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) National, at nakabatay sa datos ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay hindi isinagawa ng Barangay, Municipal Government, o sinumang lokal na opisyal. Ang tungkulin lamang ng Barangay ay ipaalam sa mga napabilang sa listahan ang mga kinakailangang dokumento at ang iskedyul ng kanilang pagpunta.

Para sa mga napabilang sa opisyal na listahan, mangyaring magtungo sa Barangay Hall ng Mayhay, Pagbilao, Quezon sa ika-29 ng Hulyo 2026. Pakidala ang sumusunod:

β€’ Photocopy ng National ID (kung mayroon) o anumang Government-issued Valid ID.

Paalala rin po na ang mga aktibong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay hindi na kwalipikado sa UPLIFT Assistance Program kung kabilang sila sa mga saklaw na hindi maaaring tumanggap ng dobleng benepisyo, alinsunod sa umiiral na patakaran ng programa.

Para sa iba pang katanungan o paglilinaw, maaari lamang pong magtungo sa Tanggapan ng Barangay Mayhay sa oras ng opisina.

Maraming salamat po at magandang araw!

17/07/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀'𝐓 πŒπ€π†π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‹πˆπ†π“π€π’ π“πˆπ†πƒπ€π’ 𝐒𝐀 ππ€π†ππˆπ‹π€πŽ!

Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao ang lahat ng mga magulang, lolo at lola, at tagapag-alaga na may mga batang edad 6 hanggang 59 na buwan na makiisa sa isasagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) at Vitamin A Supplementation ng Municipal Health Office ng Pagbilao.

Mula Agosto 10 hanggang 28, 2026, dalhin at pabakunahan ang inyong mga anak sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination site na naitatalaga ng bawat barangay.

Maging kabahagi ng pagpapalaganap ng mga impormasyong nakabatay sa siyensya upang maprotektahan ang bawat bata laban sa tigdas at rubella. Ang pagbibigay rin ng Vitamin A ay mahalaga upang makatulong sa pagpapanatiling malusog at matibay ang resistensya ng ating mga kabataan.

Para sa iskedyul ng pagbabakuna at mga vaccination site, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers (BHWs) o bumisita sa inyong pinakamalapit na Barangay Health Station.

Ang mga bakunang ito ay ligtas, epektibo, at libre.

Ang bawat bakuna ay isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na kinabukasan para sa ating mga anak. Kapag bakunado ang bata, protektado ang pamilya at ang komunidad.

Tara na, magpabakuna na! Sama-sama tayo para sa Ligtas Tigdas. Walang batang maiiwanan! πŸ’‰




07/07/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀’𝐓 πŒπ€π†π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‹πˆπ†π“π€π’ π“πˆπ†πƒπ€π’ 𝐍𝐀 π‚π€π‹π€ππ€π‘π™πŽπ! πŸ›‘οΈ

Oops! Stop scrolling! Panoorin ang video at alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Ligtas Tigdas: Measles Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Maging kabahagi ng pagpapalaganap ng mga impormasyong nakabatay sa siyensya upang maprotektahan ang bawat bata laban sa tigdas at tigdas-hangin (rubella).

Mga nanay, tatay, lolo at lola, ngayong darating na Agosto 10 hanggang 28, dalhin at pabakunahan ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination sites, o temporary mobile vaccination sites, na itinalaga ng inyong lokal na pamahalaan.

Ang bawat bakuna ay isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na kinabukasan para sa ating mga anak. Kapag bakunado ang bata, protektado ang pamilya at ang komunidad! πŸ’‰πŸ’ͺ



πŸ“’ MAGANDANG BALITA, MGA MAGULANG!Protektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Rubella sa pamamagitan ng M...
01/07/2026

πŸ“’ MAGANDANG BALITA, MGA MAGULANG!

Protektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Rubella sa pamamagitan ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA).

πŸ’‰ LIBRE ang bakuna
βœ… Ligtas
βœ… Epektibo
βœ… Inaprubahan ng Department of Health

Inaanyayahan ang lahat ng magulang na dalhin ang kanilang mga anak na kabilang sa target na edad sa itinakdang vaccination site sa ating barangay.

Ang bakuna ay proteksyon hindi lamang para sa inyong anak, kundi para rin sa buong komunidad.

πŸ“ Abangan ang iskedyul ng pagbabakuna na iaanunsyo ng ating Barangay at Health Center.

Address

Pagbilao
4302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Mayhay Pagbilao, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share