Palawan Provincial DRRM Office

Website

Palawan Provincial DRRM Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Palawan Provincial DRRM Office, Government Official, PDOCP (PDRRMO Headquarters) PEPO Compound, Barangay Irawan, Puerto Princesa, Palawan.

New Official page of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office - Palawan
Email : [email protected]
PDRRMO HOTLINE
+639171197036
+639171342850

3rd Quarter PDRRM Council MeetingIsinagawa ngayong Setyembre 30, 2026 ang 3rd Quarter Provincial Disaster Risk Reduction...
30/09/2026

3rd Quarter PDRRM Council Meeting

Isinagawa ngayong Setyembre 30, 2026 ang 3rd Quarter Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Meeting, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa tanggapan at ahensya ng Pamahalang Panlalawigan at iba pang partner agencies.

Kabilang sa mga dumalo ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Administrator’s Office, Provincial Budget Office, Office of the Governor, Office of the Vice Governor, Office of Board Member Maminta, PPDO, PEO, PCSDS, PIO, PSWDO, CDAG, PROVET, PHO, Provincial Agriculture Office, GAD, NIA, CGDPAL, DICT, DepEd, WESCOM, OCD, BFP, DILG, CAAP, PalPPO, DPWH 3rd DEO, DOST-PAGASA, PSU, at WPU.

Tinilakay sa pagpupulong ang mga sumusunod:
-Weather and Climate Outlook mula sa DOST-PAGASA;
-Mga panukalang Provincial Resolutions para sa Disaster Preparedness;
-Mga ulat at update hinggil sa African Swine Fever (ASF) sa -Munisipyo ng Agutaya;
-Pakikipagtulungan sa pagitan ng the Province of Palawan and the University of the Philippines Resilience Institute (UP RI);
-Mga ulat hinggil sa mga epekto ng El Niño; at
-Mga aksyon na isinagawa ng Provincial Incident Management Team (IMT) at Emergency Operations Center (EOC) kaugnay ng M/V June Aster Maritime Fire Incident.

Layunin ng pagpupulong na ito na higit pang mapalakas ang koordinasyon, ugnayan, at pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan at ahensya, gayundin ang pagpapalitan ng mahahalagang impormasyon upang mapahusay ang kahandaan at maagap na pagtugon sa mga banta at panganib sa lalawigan, alinsunod sa hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na makamit ang isang listo, matatag, at panatag na Palawan.

ALAMIN: AFRICAN SWINE FEVER (ASF) — PAANO ITO KUMAKALAT AT ANO ANG EPEKTO KUNG HINDI MAAGAPAN?Ang ASF ay isang malubhang...
30/09/2026

ALAMIN: AFRICAN SWINE FEVER (ASF) — PAANO ITO KUMAKALAT AT ANO ANG EPEKTO KUNG HINDI MAAGAPAN?

Ang ASF ay isang malubhang nakakahawa at nakamamatay na sakit na dulot ng virus na nakakaapekto sa alaga at ligaw na baboy. Hindi ito nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao, ngunit maaaring maipasa ng tao o gamit ang sakit sa ibang mga baboy.

PAANO ITO KUMAKALAT?

PAG-TRANSPORT NG BABOY NA MAY SAKIT- Inter-island o inter-municipal na paglipat/transportasyon ng mga nahawaang baboy sa mga sasakyan, trak, barko, cargo boat, mga maliliit na pribadong bangka, o eroplano. Ilegal o walang dokumentong paggalaw ng baboy mula sa isang apektadong lugar. Ang mga baboy na may impeksyon ay maaaring magmukhang malusog habang ibinibiyahe o bago pa man maging halata ang mga sintomas.

PAG-PASOK NG MGA PRODUKTONG BABOY- Pag-aangkat ng karne ng baboy, lamang-loob, dugo, mga buto, o mga bahagi ng patay na hayop. Pagbenta o pagbili sa mga delivery o online shop ng produktong baboy katulad ng mga chicharon, preserved, processed (longganisa, ham, etc.), delata o canned meat mula sa apektadong lugar. Palihim o hindi sinasadyang pagdala ng mga turista at manlalakbay ng mga produktong baboy galing sa mga apektadong lugar papunta o pabalik ng Palawan bilang baon o pasalubong.

FOOD WASTE AT DAMOG/KANING-BABOY AT HINDI MAAYOS NA PAG-DISPOSE
Mga tira-tirang pagkain na may lamang karneng baboy na maaaring makolekta galing sa mga apektadong lugar at mapakain sa mga baboy nang walang sapat na pagproseso. Hindi maayos na pagkalibing, pag-dispose ng mga patay na baboy, o mababaw na pagkalibing ng mga hayop. Lalo na kung ito ay malapit sa pinagkukunan o dinadaluyan ng tubig, at daanan ng tubig baha.

KONTAMINADONG MGA BAGAY, PASILIDAD, O SASAKYAN/BEHIKULO
-Mga sasakyan, pasilidad, o mga kasangkapan na nagamit sa mga kontaminadong materyales, hayop, o lugar ay maaaring magdala ng virus.
-Ang mga behikulong dati nang nagdala ng mga baboy na may sakit, karne ng baboy, mga patay na hayop, pakain, o mga kontaminadong materyales ay maaaring magdala ng virus.
--Mga nalantad na kagamitan sa lugar na may impeksyon: mga bota, damit, kutsilyo, mga kahon, lubid, hawla, kagamitan, o iba pang mga gamit.

MGA TAONG NALANTAD SA MGA BAGAY NA MAY IMPEKSYON- Damit/gamit ng mga tauhan sa babuyan, katayan, transportasyon, mga vet, o bisita na nalantad sa mga hayop o materyales na may impeksyon ay maaaring magdala ng virus. Pagkatay ng mga may sakit na baboy at pagbenta o pagpapa-utang ng mga karne nito.

MGA INSEKTO, GARAPATA, O IBA PANG HAYOP NA NAGISILBING TAGAPAGDALA- Ang mga kontaminadong garapata, insekto, peste, ligaw na hayop, o mga hayop na kumakain ng basura ay maaaring maglipat ng virus sa pagitan ng mga patay na hayop, basura, pagkain, at mga kulungan ng baboy.

MGA EPEKTO NG ASF KUNG HINDI ITO MAAGAPAN

KALUSUGAN NG HAYOP, PRODUKSYON NG LIVESTOCK, AT KABUHAYAN
-Mataas na pagkakasakit at pagkamatay ng mga baboy;
-Pagkawala ng mga breeding animal; malaking bawas sa imbentaryo ng alagang baboy; hirap sa muling pagdami ng populasyon ng mga baboy;
-Pagkawala ng puhunan, kita, ipon, at kabuhayan;
-Kawalan ng kakayahang magbayad ng mga utang o pambili ng mga suplay;
-Matagalang pagkawala ng kita dahil sa hirap sa pag kontrol.

MASMALAKING BAWAS SA PAMPUBLIKONG BUDGET AT PAGGASTA
-Mas mataas na pangangailangan para sa pagsubaybay ng beterinaryo, pagsusuri sa laboratoryo, kuwarantina, mga checkpoint, contact tracing, pagbibigay-impormasyon sa publiko, paglipol, pagtatapon, disimpeksyon, at kompensasyon.
-Pag gastos sa mga operasyong tumutugon, pagsusuri, pag linis, kompensasyon, suporta sa kabuhayan, at muling pagpaparami ng hayop.

PAGTAAS NG PRESYO NG KARNENG BABOY, APEKTADONG SUPPLY CHAIN
-Pag taas ang presyo ng karneng baboy o kabawasan sa kita dahil sa nabawasang suplay, mga restriksyon sa transportasyon, pagtaas ng mga gastusin sa biosecurity, mas kaunting transaksyon, at mas mataas na gastos sa logistika o operational costs.
-Pagkaantala sa produksyon, suplay ng pagkain, transportasyon, pagkatay, pagpoproseso ng karne, mga pamilihan, at distribusyon sa mga tindahan.
-Pansamantalang pagsara ng mga slaughterhouse o meat processors dahil sa karagdagang mga kinakailangan sa sanitasyon at compliance cost, at pagkawala ng suplay ng raw materials.
-Posibleng pagkawala ng access sa merkado sa mga trade partners sa labas ng probinsya.

SUSCEPTIBILITY NG WILDBOAR POPULATION
-Maaaring kumalat ang impeksyon sa mga baboy-ramo, na banta sa mga likas o bulnerable ang populasyon nito.
-Hirap sa pagpuksa at pag kontrol ng virus para ito'y tuluyang mawala dahil sa madaling pagkalat ng sakit mula sa ligaw na baboy papunta sa mga alagang baboy at paligid ng babuyan.
-Posibleng lalong pagtagal ng ASF sa isang lugar dahil sa hirap sa pagkontrol sa may sakit na ligaw na hayop.

KALUSUGANG PANGKAISIPAN, SOCIAL PROTECTION AT KAAYUSAN
-Stress, stigma, pagkabalisa, at depresyon sa mga nawalan o mga nahaharap sa kawalan ng katiyakan sa kita.
-Ang pagkawala ng kita mula sa pag-aalaga ng baboy ay maaaring magpahina sa kakayahan ng isang pamilya na tustusan ang pag-aaral, mga gamot, pagpapagamot, o transportasyon, at iba pa.
-Alitan hinggil sa control measures, pagiging kwalipikado, kompensasyon, at pamamahagi ng tulong.
-Ang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng pag-aalala o panic, hindi kinakailangang pag-iwas sa karne ng baboy, pagtatago ng mga kaso, pagtutol sa paglipol ng mga hayop, o ilegal na paglilipat ng mga hayop.

SEGURIDAD NG PAGKAIN AT NUTRISION
-Pagbaba ng lokal na produksyon ng karne ng baboy, shortages at pagtaas ng presyo, nabawasang access sa protinang nagmumula sa hayop, at substitution nito ng ibang uri ng karne o pagkain.

EPEKTO SA TURISMO
-Mga posibleng epekto sa mga produktong panturismo na nakabatay sa karne ng baboy, operasyon ng serbisyo sa pagkain, reputasyon ng destinasyon, at paggalaw ng mga bisita o suplay ng pagkain.

Ang maagap na pagkilos, tamang impormasyon at mahigpit na biosecurity ay susi sa pagkalat ng ASF.

Para sa karagdagang impormasyon o ulat, makipag ugnayan sa Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO):
Email:[email protected]
Phone: 0917-119-7036
Facebook:
Landline: 433-2708 | 433-4264

Source: Food and Agriculture Organization of the United Nation (FAO), World Organisation for Animal Health (WOAH), National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHL), at National Center for Biotechnology Information (NCBI)

𝟯𝟰 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡𝗜 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔'𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗙𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚Mas pinalalakas ng Lokal na...
29/09/2026

𝟯𝟰 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡𝗜 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔'𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗙𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚

Mas pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Kalayaan, Palawan ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa sakuna matapos sumailaim ang 34 na mga kawani nito sa limang araw na Basic Life Support at Standard First Aid training nitong September 15-19, 2026 sa Brgy. Pag-asa.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa inisyatiba ng LGU Kalayaan sa pangunguna ni Mayor Beltzasar S. Alindogan at Vice Mayor Maurice Philip Alexis S. Albayda.

Ang pagsasanay ay isinagawa sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na pinamumunuan ni MDRRM Officer at OIC Municipal Health Officer Dennis Abacial at sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRRMO) at Provincial Department of Health Office (PDOHO).

Itinuro sa mga partisipante ang mga tamang paraan ng pagsagip ng buhay tulad ng Cardiopulmonary Resuscitation, pagsagip sa bata o matandang nabulunan, tamang pagbenda ng sugat at bali at ang pagbubuhat sa pasyenteng walang malay o hindi makalakad dahil sa pinsalang natamo.

Layunin ng nasabing aktibidad na mas palakasin ang kahandaan ng LGU Kalayaan sa mga sakuna sa pamamagitan ng kaalaman sa tamang pagtugon sa mga emergency situations. | via John Lawrence Bermil
đź“·: PDRRMO

Thunderstorm Advisory No. 8   Issued at 01:00 PM 25 September 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and stron...
25/09/2026

Thunderstorm Advisory No. 8
Issued at 01:00 PM 25 September 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Thunderstorm Advisory No. 7   Issued at 12:05 PM 25 September 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and stron...
25/09/2026

Thunderstorm Advisory No. 7
Issued at 12:05 PM 25 September 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over , which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Thunderstorm Advisory No. 4   Issued at 08:55 AM 25 September 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and stron...
25/09/2026

Thunderstorm Advisory No. 4
Issued at 08:55 AM 25 September 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Palawan ElNido, Taytay, Araceli, Dumaran, Quezon, Rizal, Puerto Princesa City, Roxas, San Vicente, Aborlan, Narra, Bataraza, SofronioEspanola and Brooke'sPoint within the next 1 to 2 hours.

The above conditions are being experienced in Palawan Balabac which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

Thunderstorm Advisory No. 5   Issued at 10:45 AM 24 September 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and stron...
24/09/2026

Thunderstorm Advisory No. 5
Issued at 10:45 AM 24 September 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Palawan Coron, Culion, Aborlan within the next 1 to 2 hours.

The above conditions are being experienced in Palawan Busuanga, Narra, SofronioEspanola, Quezon), within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Thunderstorm Advisory No. 3   Issued at 07:37 AM 24 September 2026Moderate to Heavy rainshowers with lightning and stron...
24/09/2026

Thunderstorm Advisory No. 3
Issued at 07:37 AM 24 September 2026

Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over (Kalayaan) which may persist within 1 to 2 hours and may affect nearby areas.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides. Keep monitoring for updates.

Source: DOST_PAGASA

African Swine Fever:Alamin, Mag-ingat, at IwasanAno ang African Swine Fever (ASF)?Ayon sa Food and Agriculture Organizat...
23/09/2026

African Swine Fever:Alamin, Mag-ingat, at Iwasan

Ano ang African Swine Fever (ASF)?
Ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations, ang African Swine Fever (ASF) ay isang lubhang nakakahawa at nakamamatay na sakit na dulot ng virus na nakaaapekto sa alaga at ligaw na baboy, ngunit hindi ito nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao.

Ano-ano ang mga sintomas ng ASF?
Ang mga nahawaang baboy ay karaniwang nagkakaroon ng lagnat, panghihina, pagkawala ng gana sa pagkain, pagdurugo sa balat, at sa maraming kaso ay biglaang pagkamatay. Maaaring umabot sa 100 porsiyento ang dami ng namamatay na baboy, kaya ang ASF ay itinuturing na isa sa mga pinakamapaminsalang sakit sa populasyon ng baboy.

Ano-ang epekto ng ASF sa kabuhayan at komunidad?
Pagkawala ng kita at kabuhayan ng mga nag-aalaga ng baboy.
Pagkalugi sa negosyo tulad ng traders, suppliers, meat processors, at retailers.
Pagbaba ng suplay ng baboy, na maaaring makaapekto sa food security.
Pagkagambala sa kalakalan at paggalaw ng baboy dahil sa mga control measures.
Mas malaking epekto sa mga pamilyang umaasa sa babuyan bilang pangunahing pinagkukunan ng kita.

Paano kumakalat ang ASF?
•Direktang kontak – mula sa infected na baboy patungo sa malusog na baboy, kabilang ang domestic at wild pigs.
•Kontaminadong pagkain o pakain – maaaring mahawa ang baboy kapag nakakain ng food waste, feed, o produktong karne na may ASF virus.
•Kontaminadong kagamitan at bagay – maaaring madala ang virus sa damit, sapatos/boots, sasakyan, kagamitan, kulungan, at iba pang bagay na nakontamina.
•Nahawaan na baboy-ramo at mga bangkay ng patay na baboy – maaaring magkaroon ng transmission kapag nagkaroon ng kontak ang alagang baboy sa infected na wild pigs o kanilang mga labi.
•Kuto – sa mga lugar kung saan naroroon ang Ornithodoros soft ticks, maaari rin silang magsilbing biological vector ng ASF virus.

Paano maiiwasan ang ASF?
•Biosecurity at kalinisan sa farm — pangunahing hakbang upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng ASF.
•Pagkontrol sa paggalaw ng baboy — mahalaga upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng virus.
•Ligtas na pakain — hindi dapat pakainin ang baboy ng untreated na tirang pagkain o kitchen scraps na maaaring may produktong baboy.
•Maagang pagtukoy at pag-report ng pinaghihinalaang kaso ay mahalaga para sa mabilis na pagtugon.
•Paglilinis at pagdidisimpekta ng mga kagamitan at pasilidad ay kabilang sa mga sanitary measures.

Paano makokontrol and ASF kapag may nag-positive?
•Maagang pagtukoy sa mga kaso ng ASF
•Makataong pagpatay (humane killing) sa mga apektadong hayop
•Tamang pagtatapon ng mga bangkay at kontaminadong basura
•Masusing paglilinis at pagdidisimpekta
•Pagkontrol sa paggalaw ng mga baboy at produktong maaaring magkalat ng virus
•Surveillance o patuloy na pagmamanman at epidemiological investigation
•Mahigpit na biosecurity sa mga babuyan upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng ASF

Mga dapat gawin pag may kaso ng ASF sa isang lugar:
•I-report agad ang kaso – Ipaalam kaagad sa kinauukulang veterinary authorities ang pinaghihinalaang o kumpirmadong kaso.
•Ihiwalay ang mga apektadong baboy – Iwasang ilipat ang mga baboy mula sa apektadong lugar.
•Magpatupad ng movement control – Limitahan ang paggalaw ng mga baboy, karne, kagamitan, sasakyan at iba pang maaaring magdala ng virus.
•Magsagawa ng testing at surveillance – Suriin ang mga baboy sa apektadong lugar at mga kalapit na lugar upang matukoy ang posibleng karagdagang kaso.
•Magsagawa ng epidemiological investigation – Tukuyin kung saan maaaring nanggaling ang virus at kung saan ito maaaring kumalat.
•Isagawa ang humane killing/culling kung ipinag-utos ng veterinary authorities – Ang mga apektado o kinakailangang isailalim sa depopulation ay dapat pangasiwaan ayon sa opisyal na protocol.
•Itapon nang maayos ang mga bangkay at kontaminadong materyales upang maiwasan ang karagdagang pagkalat.
•Masusing paglilinis at pagdidisimpekta ng kulungan, kagamitan, damit, sapatos at sasakyan.
Palakasin ang biosecurity – Higpitan ang pagpasok ng tao, hayop, kagamitan at sasakyan sa mga babuyan.
•Makipag-ugnayan sa mga awtoridad at komunidad upang mabilis na maipaalam ang mga hakbang sa pag-iwas at pagkontrol.

Sa pamamagitan ng mahigpit na biosecurity, tamang pag-iingat, at maagap na pag-uulat, makatutulong tayo upang maiwasan ang pagkalat ng ASF at maprotektahan ang ating mga alagang baboy, kabuhayan, at buong komunidad.

Source: Food and Agriculture Organization of the United Nation (FAO) at World Organisation for Animal Health (WOAH)

MAGING MAPAGMATYAG: SURIIN BAGO IPAKALATSa panahon ng sakuna, mahalaga ang tama at napapanahong impormasyon. Ang maling ...
23/09/2026

MAGING MAPAGMATYAG: SURIIN BAGO IPAKALAT

Sa panahon ng sakuna, mahalaga ang tama at napapanahong impormasyon. Ang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng kalituhan, takot, pinsala, at panganib sa panahon ng sakuna.

MGA URI NG MALI AT MAPANLINLANG NA IMPORMASYON SA PANAHON NG SAKUNA

MALING IMPORMASYON (Misinformation)
Mali o hindi beripikadong impormasyon na naibabahagi nang walang intensiyong manlinlang.
Halimbawa: Maling oras ng paglikas na naibahagi dahil sa pagkakamali.

SADYANG MAPANLINLANG NA IMPORMASYON (Disinformation)
Sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon upang manlinlang o magdulot ng kalituhan.
Halimbawa: Pekeng anunsyo na nagsasabing sarado ang isang evacuation center.

TOTOONG IMPORMASYON NA GINAGAMIT SA PANANAKIT (Malinformation)
Totoong impormasyon na ginagamit upang manakit, manira, o magdulot ng takot at kaguluhan.
Halimbawa: Pagpapakalat ng pribadong larawan ng mga biktima nang walang pahintulot.

USAP-USAPAN AT HINDI PA NAPATUTUNAYANG ULAT (Rumors and Unverified reports)
Mga impormasyon o ulat na hindi pa beripikado o nakukumpirma ng awtoridad.
Halimbawa: Hindi kumpirmadong ulat tungkol sa karagdagang bilang ng mga nasawi.

PEKENG BABALA AT ANUNSYO (False alerts and fake advisories)
Pekeng babala o anunsyo na ipinapakitang galing sa isang opisyal na ahensya o awtoridad.
Halimbawa: Pekeng utos sa paglikas na inilabas sa social media.

BINAGONG LARAWAN, VIDEO O TUNOG (Manipulated images, videos, or audio)
Mga larawan, video, o tunog na binago, inedit, o ginamit sa maling konteksto upang manlinlang.
Halimbawa: Lumang video ng baha na ipinapakitang kasalukuyang nangyayari sa isang lugar.

PAGPAPANGGAP AT PEKENG ACCOUNT (Impersonation and fake accounts)
Paggamit ng pekeng account o pagpapanggap bilang isang opisyal, ahensya, o awtoridad.
Halimbawa: Pekeng account ng Emergency Operation Center na humihingi ng donasyon.

MAPANLINLANG NA DATOS AT MAPA (Misleading statistics or maps)
Mga bilang, datos, o mapa na hindi tumutugma sa opisyal na datos o aktwal na sitwasyon.
Halimbawa: Maling mapa ng mga lugar na dapat lumikas o mga lugar na may panganib.

PANLOLOKO AT PEKENG IMPORMASYON (Scam and fraudulent information)
Maling impormasyon na ginagamit upang manloko o samantalahin ang mga apektadong komunidad.
Halimbawa: Pekeng pangangalap ng donasyon o pekeng pagpaparehistro para sa ayuda.

IMPORMASYONG NAKAPIPINSALA SA PRIBASIYA (Privacy-harming information)
Hindi awtorisadong pagbabahagi ng personal o sensitibong impormasyon ng mga biktima at apektadong mamamayan.
Halimbawa: Paglalathala ng numero ng telepono o personal na impormasyon ng biktima nang walang pahintulot.

Maging mapagmatyag at responsableng tagapagbahagi ng impormasyon.

SURIIN AT BERIPIKAHIN BAGO IPAKALAT ang mga impormasyong nakalap na impormasyon upang matiyak na ang mga ito ay tama, napapanahon, at mula sa awtorisadong ahensya.

Address

PDOCP (PDRRMO Headquarters) PEPO Compound, Barangay Irawan, Puerto Princesa
Palawan
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palawan Provincial DRRM Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share