Sitio Malanap, Brgy. Punang

Sitio Malanap, Brgy. Punang

Share

This is the official page of Sitio Malanap, Barangay Punang, Sofronio Espaรฑola, Palawan

Photos from Sofronio Espaรฑola Youth Volunteers's post 23/04/2026

๐—œ๐˜ ๐˜€๐—ต๐—ผ๐˜‚๐—น๐—ฑ ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐—ต๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ. No one, student or not, should feel unsafe or disrespected in any setting, especially in the hands of those expected to lead and serve.

We hope this issue is addressed properly and that those responsible are held accountable through the appropriate process.

13/03/2026

๐Ÿ“ฃ๐ŸŒŠ๐Ÿ”ฅ MULING PAGTAMPISAW 3 โ€“ FLATLAND SKIMBOARDING๐Ÿ’ฆ

Ngayong March 14โ€“15, 2026, magsama-sama tayo sa Punang para sa isang epic weekend! Hindi lang basta panonood, dahil punong-puno tayo ng activities:

๐Ÿ”ฅ Action-Packed Flatland Skimboarding โ€“ Panoorin ang pinakamalulupit na skimmers!
โ›บ๏ธ Tutorial & Camp โ€“ Gusto mong matuto? Ito na ang chance mo!
๐Ÿงน Coastal Clean-Up โ€“ Give back to our playground. Let's keep our beach clean!

All in one epic event! Kita-kits tayo doon! ๐ŸŒดโœจ

๐Ÿ“ฉ May mga katanungan? Mag-chat lang kay Sir Majid Ibrahim para sa mga detalye.

More event updates here: ๐Ÿ‘‡

https://www.facebook.com/share/p/1DjTpJTZJD/
https://www.facebook.com/share/p/18XCNs4kDQ/

Program:
https://www.facebook.com/share/p/1D9rBQSpZJ/



Photos from Sitio Malanap, Brgy. Punang's post 24/01/2026

Sulit lahat ng pagod!โค๏ธ

Matapos ang mahabang journey, nagsama-sama kaming Tribu Punayanon para magpahinga, magpasalamat, at magdiwang. Isang araw na puno ng tawanan, kwento, at alaala kasama ang mga dancer at mga tumulong sa likod ng bawat hakbang namin.

Mas naging espesyal pa dahil kasabay naming ipinagdiwang ang kaarawan ng aming chapel president at ng kanyang anak. Hindi man madaling pinagdaanan, mas pinatibay kami ng samahan. Patunay na kapag magkakasama, lahat ng pagod ay nagiging sulit.โœจ


Photos from Sitio Malanap, Brgy. Punang's post 20/01/2026

๐Ÿ† CONGRATULATIONS, TRIBU PUNAYANON! ๐Ÿ†
1st Runner-up | Sadsad Ati-atihanโœจ
Paghilinugyaw Festival 2026

Isang Makasaysayang Unang Hakbang!
Hindi man kami beterano sa ganitong uri ng patimpalak, buong puso at lakas-loob naming hinarap ang Sadsad Ati-atihan 2026. Unang beses sumayaw ng ganitong estilo ang aming mga dancers, bago pa lamang ang aming choreographer sa pagtuturo ng ganitong sayaw, at karamihan sa aming mga drummers ay unang beses ding tumugtog sa ganitong larangan. Sa kabila ng lahat ng ito, naiuwi namin ang 1st Runner-up, isang tagumpay na hindi namin inakalang mararating agad, at alam naming hindi ito magiging posible kung wala ang napakaraming taong tumayo sa likod namin.

Isang Tagumpay na Binuo ng Sama-samang Puso at Sakripisyo.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Malanap Chapel, sa pangunguna ng aming Chapel President na si Joy Dela Cruz Licungan, kasama ang iba pang masisipag na chapel members na walang sawang gumabay, umalalay, at naniwala sa kakayahan ng aming mga bata. Maraming salamat din sa aming Barangay, sa pangunguna ng aming Kapitan, sa tulong pinansyal at suporta na malaking bahagi ng aming paghahanda.

Sa aming mga kabataang dancers at drummers, maraming salamat sa tapang at dedikasyon. Hindi kayo nagdalawang-isip sumali kahit sa tindi ng init sa daan, pagod sa gabi-gabing practice, at hirap ng disiplina. Hindi rin namin makakalimutan ang mga magulang na buong pusong sumuporta, sa oras, sa pag-unawa, at sa paniniwala sa talento ng kanilang mga anak.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga naghanda ng pagkain, sa mga sponsors ng pameryenda, at sa mga tahanang naging kanlungan ng grupo, ang bahay ng pamilya Camilla, Abela, at Licungan, na nagsilbing kumpulan ng mga bata at sentro ng paggawa ng costumes at props.

Isang malaking pasasalamat kay Ken, head ng mga musicians, na siyang gumawa ng mga musical notes na itinugtog ng aming mga drummers. Salamat sa iyong walang sawang pagtitiyaga sa pagtuturo sa mga baguhan, pati na rin sa iyong mga kasamahan mula sa simbahan na tumulong sa paggawa ng mga props. Sa aming mga choreographer, na bagamaโ€™t bago pa lamang sa ganitong pagtuturo ay nagtiis, umunawa, at nagtyaga sa kakulitan at kasiglahan ng mga bata. Maraming salamat po!

Hindi rin namin makakalimutan si Kagawad King, na naging maaasahang taga-hatid at sundo ng mga bata tuwing may practice. Sa lahat ng gumawa ng props at costumes sa pangunguna ni Jane Abela, mula sa paglala ng mga banig hanggang sa pagdidikit ng napakaraming disenyong pampaganda, saludo kami sa inyong tiyaga at malikhaing kamay. At sa dami ninyo, patawad kung hindi na namin kayo maisa-isa, ngunit alam ng puso namin ang inyong ambag.

Dagdag pasasalamat din sa mga kasama naming nagtulak ng mga drums sa daan, kahit tirik ang araw, at sa lahat ng nag-cheer, nagpalakas ng loob, at nagbigay ng confidence sa mga bata habang silaโ€™y nagpe-perform, ramdam na ramdam namin ang inyong suporta.

Mula sa Puso, Maraming Salamat po!
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tropeo o titulo. Ito ay bunga ng pagkakaisa, sakripisyo, at pagmamahal ng buong komunidad. Ang 1st Runner-up na ito ay para sa inyong lahat. Ito ang simula pa lamang ng mas marami pang pangarap at tagumpay ng Tribu Punayanon.

Maraming salamat po sa lahat ng naniwala, tumulong, at sumuporta.
Para sa inyo po ito. โค๏ธ



27/12/2025

WHAT A WAY TO END THE YEAR! ๐Ÿ†

Walang mas sasarap pa sa pakiramdam na tapusin ang taon nang may ngiti at panibagong karangalan! Isang malaking pagpupugay sa aming purok pride, ang Tinigyaw Dancers, sa pag-uwi ng titulong CHAMPION sa katatapos lang na Dance Contest.๐Ÿ‘

Maraming salamat sa ating Purok President, Loreto Licongan sa pagbubukas ng pinto at pagbibigay ng oportunidad sa ating mga kabataan upang maipakita ang kanilang galing at talento. Sa mga Magulang na nagsilbing ultimate cheerleaders, at sa lahat ng Purok Members na tumulong mag-asikaso at naki-cheer nang todo, maraming salamat po. ๐Ÿค

Higit pa sa tropeo, ang pinakamahalagang panalo natin ay ang nananatiling pagkakaisa at Bayanihan spirit ng bawat isa. Tunay ngang punong-puno ng biyaya ang taong ito para sa atin.๐Ÿ€

Congratulations, Tinigyaw Dancers at Purok Bayanihan! What a blessed and fruitful year indeed! โค๏ธโœจ




02/08/2025

Simpleng Simula, Masayang Tagumpay๐Ÿ†๐ŸŽ‰

Taos-pusong pasasalamat at pagbati sa aming mga kabarangay mula sa Purok Bayanihan, na buong puso at galing ang ipinamalas sa barangay-level jingle contest, at sa muling pagkakataon ay nagtagumpay rin sa municipal level, kinatawan ang ating mahal na Barangay Punang laban sa 6 na barangay. ๐Ÿ™Œ

Mula sa mga araw ng ensayo hanggang sa araw ng paligsahan, nakita ang sipag, disiplina, at tunay na pagkakaisa.
Hindi naging madali, pero dahil sa pagtutulungan, naging posible ang tagumpay na ito.โค๏ธ

Maraming salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating barangay.
Ito ay tagumpay nating lahat. ๐Ÿ’šโœจ

Want your business to be the top-listed Government Service in Palawan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Sitio Malanap, Barangay Punang, Sofronio Espaรฑola
Palawan
5324