STENTS (Southern Tagalog ENT Specialists)

STENTS (Southern Tagalog ENT Specialists)

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from STENTS (Southern Tagalog ENT Specialists), Laguna, Batangas, Cavite, Quezon, Palawan.

16/11/2020

!
Ang pamilya ang sentro ng pagdiriwang ng Paskong Pilipino. Kaya kahit na may pandemya at hindi tayo makapag-shopping, o makapagdiwang ng mga reunion at Christmas parties, pwede pa ring maging maligaya ang ating Pasko basta buo ang ating pamilya, walang may sakit o naka-admit sa ospital.

Pero paano natin ito gagawin?

Tandaan, kahit nasaan ka man, APAT DAPAT!

1. Air circulation. Dapat sapat ang bentilasyon sa isang lugar, umiikot at may panibagong hangin. Mga halimbawa ng mga lugar na ito ay outdoor venues. Kung tatanggap ng bisita, pwedeng sa garden gawin ang salu-salo. Kung sa loob ng bahay, buksan ang mga bintana at electric fan para umikot ang hangin. Kung gustong kumain sa restaurant, pumili ng restaurant na may outdoor seating. Kung mamamasyal, piliin ang mga outdoor spaces tulad ng mga parks, mall na may malalaking garden, o sa tabing dagat. Buksan din ang bintana ng sasakyan o pumili ng public transportation na bukas ang bintana.

2. Physical distance of one meter or more. Siguraduhing isang metro ang layo mo sa iyong katabi lalo na kung ikaw ay nasa public place. Mabilis kumalat ang COVID-19 sa mga matataong lugar lalo na kung dikit-dikit ang mga tao. Para maiwasan ang pagsisiksikan, umiwas sa mga matataong lugar. Planuhin din ang schedule para makaiwas sa rush hour. Kung meron kang gathering ng inyong pamilya, mas maganda kung ang magkakasama sa isang bahay lamang ang magkakatabi. Para talagang masunod ang physical distancing, mag-online meeting na lang kung maaari.

3. Always wear face mask and face shield. Kung may bisita sa bahay, dapat lahat ay magmask at face shield. Kung lalabas ng bahay, dapat magmask at face shield. Sa trabaho, dapat magmask at face shield. Makulit, pero laging magmask at face shield. Ang mask ay dapat natatakpan ang baba at ilong. Ang face shield ay pangharang sa mukha. Wag itong gawing sumbrero o headband.

4. Thirty-minute interaction or less. Mas maikling interaksyon sa iba, mas mabuti. Mas tumataas ang chance na magkaroon ng COVID-19 kung matagal na magkasama ang mga tao. Planuhin ang mga bibilhin sa palengke o grocery para mabilis na makaalis sa lugar. Gumawa ng agenda bago makipag meeting para maaga itong matapos.

APAT DAPAT! Pero kung hindi inaasahang hindi ito magagawa dahil sa iba’t-ibang kundisyon, huling tawad na ang 3/4 na ating magawa para hindi tayo ma-consider na close contact at hindi tumaas ang chance nating magkaroon ng COVID-19.

So mula ngayon, sa ating paggalaw sa araw-araw nating buhay, lagi nating isipin, APAT DAPAT!

APAT DAPAT, para buo at maligaya ang ating Pasko.

Kaya natin ‘to!

25/12/2011

Merry Christmas everyone!!!!!!!!!!!!!!

STENTS Serc Du Soleil 14/12/2011
STENTS MASK 24/12/2009

zorro!!!

24/12/2009

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!

PSO HNS ANNUAL CONVENTION 2009 02/12/2009
Want your business to be the top-listed Government Service in Palawan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Laguna, Batangas, Cavite, Quezon
Palawan