03/03/2026
Naisagawa nang may tagumpay ang District Training on Multigrade Pedagogy and Classroom Management sa Dipuyok Elementary School, Sitio Dipuyok, Brgy. Borac (March 2-3, 2026).
Sama-samang natuto at nagbahagi ng karanasan ang mga g**o mula sa Multigrade Schools ng Coron Inland District upang mas pagtibayin ang ating mga Multigrade classrooms.
03/03/2026
Coron Inland Multigrade Schools
CORON INLAND MG FAMILY
18/02/2026
We extend our warmest and most heartfelt congratulations to the newly promoted teachers of Coron Inland District on their successful oath-taking ceremony, a milestone achieved through the Expanded Career Progression (ECP) that stands as a testament to your unwavering dedication to the teaching profession. This professional breakthrough was made possible through the visionary leadership and constant encouragement of our Public Schools District Supervisor, Ma’am Christine Heidi B. Garcellano, whose guidance continues to inspire excellence, as well as the tireless efforts of all the Administrative Officers of Coron Inland District who meticulously facilitated the process and provided the essential support needed to turn these aspirations into reality.
16/02/2026
Mapagpalang araw po sa lahat.
Tagumpay at ligtas ng nakabalik ang Coron Athletic Delegation mula sa ginanap na Palarong Panlalawigan 2026 sa Bayan ng Bataraza, Palawan.
Tinanghal na 3rd Runner-up sa Overall Ranking ang Bayan ng Coron.
Nakamit ng Elementary Level ang 7th Runner-up na pwesto samantalang 2nd Runner-up naman ang Secondary Level.
Sa lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Palarong Panlalawigan 2026, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang-sawang tiwala, malasakit, suporta at pagtutulungan!
Sa lahat ng mga opisyales ng pamahalaang bayan at mga barangay na naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Palarong Panlalawigan 2026, tanggapin nyo po ang aming lubhang pasasalamat. Ang inyong liderato at pagmamahal sa bayan ay nagbigay daan sa tagumpay ng Palarong Panlalawigan. Ang inyong pagtutulungan at koordinasyon ay nagbigay ng isang makulay at masayang karanasan sa ating lahat.
Sa mga opisyales ng pamahalaang bayan, sa pangunguna nga ating butihing Punong Bayan, Kgg. Mayor Marjo Reyes Jr. At tulong ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Asian Manasseh Lorenzo A. Palanca kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang inyong suporta at pag-apruba ng aming mga kahiligan ay nagbigay ng mga kinakailangang resources at serbisyo upang maisakatuparan ang Palarong Panlalawigan 2026. Ang inyong dedikasyon sa pagpapabuti ng bayan ay tunay na kahanga-hanga.
Sa mga opisyales ng mga barangay, ang inyong pagtutulungan at koordinasyon ay nagbigay ng isang matagumpay na pagdaraos ng Palarong Panlalawigan sa inyong mga nasasakupan. Ang inyong pagmamahal sa inyong mga nasasakupan ay tunay na nakikita at nararamdaman.
Sa mga atleta na nagpakita ng kanilang galing at sportsmanship, kayo ang tunay na bituin ng Palarong Panlalawigan! Ang inyong dedikasyon at pagsisikap ay nagbigay inspirasyon sa ating lahat.
Sa mga coaches, trainers, at mga opisyal ng palaro, ang inyong gabay at patnubay ay nagbigay daan sa tagumpay ng ating mga atleta. Ang inyong pagmamahal at suporta ay hindi matatawaran.
Sa mga magulang, g**o, at mga tagasuporta, ang inyong walang-sawang suporta at pagmamalasakit ay nagbigay lakas sa ating mga atleta. Kayo ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanila upang magpatuloy at magtagumpay.
Sa mga organizers at committee mula sa LGU Coron, ang inyong presensya, sipag at dedikasyon sa gawaing iniatas sa inyo ay nagbigay daan sa tagumpay na nakamit ng delegasyon. Ang inyong pagkikipagtutulungan ay nagbigay ng isang makabuluhan, makulay at masayang karanasan sa ating lahat.
Muli, taos-pusong pasasalamat po mula sa DepEd Coron Inland.
Ang Palarong Panlalawigan 2026 ay isang tagumpay dahil sa inyong lahat!
Mabuhay ang Palarong Panlalawigan!
Mabuhay ang Bayan ng Coron!
Para sa Bata. Para sa Bayan.
22/12/2025
Isang Hakbang Pasulong!
Reclassification ng 86 na G**o sa Coron Inland District, Aprubado na!
Pormal nang inilabas ng DepEd MIMAROPA Region, sa pamamagitan ng kanilang opisyal na database, ang resulta ng mga aprubadong reclassification noong Disyembre 10 ng kasalukuyang taon. Batay sa nasabing tala, nakapagtala ang Coron Inland District ng kabuuang 84 na g**ong aprubado ang aplikasyon sa ilalim ng Expanded Career Progression.
Sa detalye ng mga naaprubahang reclassification, 20 g**o mula sa elementarya ang umabot sa ranggong Teacher VI. Para naman sa Teacher V, walong (8) g**o mula elementarya at dalawang (2) g**o mula sekondarya ang kwalipikado. Samantala, 15 g**o mula elementarya, 9 mula sekondarya, at 4 mula Senior High School ang pumasa sa Teacher IV. Mayroon ding 12 g**o mula elementarya na naaprubahan bilang Teacher III, habang 14 g**o mula sekondarya ang kabilang sa iba pang ranggo, na nagbigay ng kabuuang bilang na 84 aprubadong g**o.
Bukod pa rito, batay sa nilalaman ng Division Memorandum Blg. 065, s. 2025, nakapagtala rin ang Coron Inland District ng dalawang (2) karagdagang aprubadong reclassification, kung saan isang g**o mula elementarya ang kwalipikado sa Teacher III at isang g**o naman ang naitalaga bilang Master Teacher I.
Kaalinsabay nito, apat (4) na Administrative Officer II na nakatalaga sa Coron Inland District ang pormal nang nanumpa at lumagda sa kanilang Appointment noong Disyembre 22 sa tanggapan ni Regional Director Nicolas T. Capulong, PhD, CESO III, na kasalukuyang concurrent Officer-in-Charge ng Office of the Schools Division of Palawan.
Ang mga nasabing tagumpay ay patunay ng patuloy na pagkilala ng kagawaran sa dedikasyon, husay, at mahalagang ambag ng mga g**o at kawani sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa distrito.
17/11/2025
A District Orientation on the Preparation and Submission of the 2026-2028 Enhanced School Improvement Plan and Other Related Documents was successfully conducted on November 17, 2025, at the 4th Floor, Annex Building, Municipal Hall, Coron, Palawan.
The orientation was facilitated by Sir Nenito J. Basaya, Senior EPS Planning and Research Section, and Mam Christine Heidi B. Garcellano, PSDS, Coron Inland District, aimed to guide school representatives in preparing and submitting their school improvement plans.
It was attended by Schools Heads, Master Teachers, and AOs, the event provided a platform for discussion and clarification on the requirements and procedures for the submission of the Enhanced School Improvement Plan.
The activity was part of the ongoing efforts to enhance school improvement planning and ensure the effective implementation of education programs in the district.
06/10/2025
Coron Inland District Family