Aborlan Municipal Agriculture Office

Aborlan Municipal Agriculture Office

Share

Official page of Municipal Agriculture Office LGU Aborlan

Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 25/05/2026

CATTLE RAISING TRAINING AND SEMINAR
Isinagawa noong Abril 22, 2026 sa Barangay Culandanum, Aborlan ang isang makabuluhang seminar at pagsasanay ukol sa modernong pamamahala ng livestock. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan sa wastong pag-aalaga ng mga alagang hayop at higit pang mapalakas ang sektor ng paghahayupan sa komunidad.

Ang mga kalahok sa nasabing programa ay mga Cattle Beneficiaries ng proyekto ng Berong Nickel- Corporation- Morsoom Nickel Project sa Barangay Culandanum, bilang bahagi ng kanilang Community Development Program.

Isinigawa ang nasabing aktibidad sa kahilingan ng BNC Livelihood Component sa Municipal Agriculture Office ng LGU-Aborlan. Katuwang din dito ang Provincial Veterinary Office ng Provincial Government of Palawan.

Lubos ang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito, na naglalayong magbigay ng mas maunlad na kabuhayan at mas produktibong komunidad para sa mga mamamayan ng Barangay Culandanum.

Sponsored by:
Berong Nickel Corporation – Morsoom Nickel Project

Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 22/05/2026

Matagumpay na naipamahagi ang corn seeds sa mga benepisyaryong corn growers mula sa Apat (4) na Corn Cluster Associations ng Aborlan bilang bahagi ng implementasyon ng Corn Production Enhancement Program ng Department of Agriculture.Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng collaborative efforts ng Local Government Unit of Aborlan thru Municipal Agriculture Office at Corn Banner Program personnel mula sa Provincial Agriculture Office upang suportahan ang sustainable corn production at yield improvement ng mga magsasaka.

Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 21/05/2026

πŸŒŠπŸ’° Pagkakaisa at pag-iimpok, sama-samang sinimulan sa TAG-AP Fish Forever Savings Club! πŸ’™

Opisyal nang nabuo ang TAG-AP Fish Forever Savings Club ngayong May 21, 2026 na binubuo ng 25 miyembro mula sa Sitio Tagbariri at Sitio Aplaya ng Brgy. Ramon Magsaysay. Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng orientation tungkol sa Fish Forever Savings Club at sinundan ito ng actual savings activity sa hapon, kung saan masayang nakilahok ang mga miyembro sa kanilang unang sama-samang pag-iimpok. ✨

Ang aktibidad ay pinangunahan at isinagawa ng MAO Fisheries Section katuwang ang RARE Philippines bilang suporta sa pagpapalakas ng disiplina sa pag-iimpok at paghahanda para sa mas matatag na kabuhayan ng mga coastal communities. 🀝

Naging inspirasyon ng bagong grupo ang mga naunang samahan mula rin sa dalawang sitio na matagumpay nang nakapag share-out. Dahil dito, nakita ng mga residente na posible ang unti-unting pag-unlad kapag sama-samang nagtutulungan at responsable sa paghawak ng kanilang kinikita.
Mas kahanga-hanga rin na nagkaisa ang dalawang sitio para sa iisang layunin. Karamihan sa mga miyembro ay kababaihan na aktibong tumutulong sa kanilang pamilya at kabuhayan, kasama rin ang tatlong lalaking mangingisda na nakiisa sa adhikain ng samahan. 🐟🌱

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagpapalakas ng pagkakaisa, pagtitipid, at pag-asenso ng ating mga mangingisda at komunidad. πŸ’ͺ






Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 21/05/2026

πŸ’™βœ¨ Isang matagumpay at makabuluhang araw para sa OLD SITE FISH FOREVER SAVINGS CLUB! βœ¨πŸ’™

Noong Mayo 20, 2026, matagumpay na isinagawa ang Share-Out Activity ng OLD SITE FISH FOREVER SAVINGS CLUB sa Sitio Old Site, Brgy. San Juan. Ang samahan ay binubuo ng dalawampu’t apat (24) na kababaihan mula sa nasabing sitio na nagkaisa upang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pag-iimpok at pagtutulungan.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad nina Engr. Erwin Yadao, Municipal Agriculturist, SB Jun Agustin, at mga kawani ng Municipal Agriculture Office bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pagkilala sa pagsisikap ng samahan para sa mas matatag na kabuhayan at organisasyon ng mga kababaihan sa komunidad.

Sa naging pagbabahagi ng mga miyembro, naitanim sa kanilang isipan na mas higit na mahalaga at maganda ang ipon na pinaghirapan dahil natututo silang maging responsable, disiplinado, at mas maingat sa paghawak ng kanilang kinikita. Ang simpleng pag-iimpok ay naging daan hindi lamang para sa dagdag na pondo kundi pati na rin sa pagbuo ng tiwala sa sarili at pagkakaisa ng grupo.

Ang share-out ay naging simbolo ng kanilang pagsisikap, pagtitiyaga, at tagumpay bilang isang samahan ng kababaihan.
Congratulations sa lahat ng miyembro ng OLD SITE FISH FOREVER SAVINGS CLUB! πŸ‘πŸ’™






Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 21/05/2026

πŸŒŠπŸ’™ Mula Silangan hanggang Kanlurang Baybayin, patuloy na lumalakas ang diwa ng pagtutulungan at pag-iimpok ng ating mga kababaihang mangingisda!

Noong Mayo 13-14, 2026, matagumpay na isinagawa ang Orientation at First Savings Meeting ng bagong tatag na ALS Fish Forever Savings Club (ALSFFSC) sa Sitio Sto. NiΓ±o, Brgy. Apurawan, Aborlan, Palawan. Ang samahan ay binubuo ng 23 kababaihang miyembro mula sa tatlong sitio β€” Sitio Landing, Sitio Sto. NiΓ±o, at Apurawan Proper.

Ang pangalang β€œALS” ay piniling pangalan ng mga miyembro bilang pagkakakilanlan ng kanilang samahan habang sama-samang nagsisimula sa layunin ng pag-iimpok, pagtutulungan, at pagpapalakas ng kabuhayan.

Kahit kabilang sa malayong West Coast area ng Munisipyo ng Aborlan, masaya at buong pusong pinuntahan ito ng Municipal Agriculture Office – Fisheries Section kasama ang RARE Philippines upang suportahan ang pagsisimula ng samahan. Naging inspirasyon ng grupo ang matagumpay na implementasyon ng Fish Forever Savings Club sa Sitio Bubusawin (West coast) at sa iba’t ibang barangay na mayroon nang katulad na savings club (East coast).

Ipinapakita lamang nito na unti-unting lumalawak ang kaalaman at interes ng mga komunidad sa kahalagahan ng pag-iimpok, pagkakaisa, at sama-samang pag-unlad ng kabuhayan ng mga mangingisda at kanilang pamilya.

Patuloy nating suportahan ang mga samahang nagsisilbing daan tungo sa mas matatag at mas maunlad na pamayanan! πŸ’ͺ🌱🐟








Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 21/05/2026

PCIC INDEMNITY CHECKS (Bayad Pinsala) DISTRIBUTION
MAY 20, 2026

Sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office at Pamahalaang Lokal ng Aborlan sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ay matagumpay na naipamahagi ang mga indemnity checks o bayad pinsala sa kabuuang 196 magsasaka, na umabot sa halagang β‚±1,294,958.64.

Kasabay rin nito ang isinagawang orientation ukol sa GCash at Palawan Express, bilang paghahanda sa mas mabilis, mas maayos, at mas maginhawang proseso ng pagtanggap ng bayad pinsala sa mga susunod na panahon.

Maraming Salamat Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa patuloy na pagbibigay suporta at serbisyo para sa kapakanan ng ating mga magsasaka at mangingisda sa Bayan ng Aborlan.πŸŒ±πŸ’š


20/05/2026
Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 20/05/2026

PAFFP PAYOUT CARAVAN SA ABORLAN

Matagumpay na naisagawa kahapon, May 19, 2026, ang Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks Program (PAFFP) Pay-out Caravan sa bayan ng Aborlan. Sa pangunguna ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Aborlan at sa tulong ng Municipal Agriculture Office, maayos na naipamahagi ang cash assistance na nagkakahalaga ng β‚±2,325.00 sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng rice farmers, corn farmers, at fisherfolks mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Ito ay ginanap sa Municipal Covered Court ng bayan at kasabay rin nitong isinagawa ang payout sa bahaging West Coast sa Sto. NiΓ±o Apurawan Covered court upang mas mapalapit at mas maging maginhawa ang pagbibigay ng ayuda sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Patunay lang ito ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating bayan. Umabot sa kabuuang β‚±4,901,100.00 ang halagang naipamahagi sa bayan ng Aborlan sa ilalim ng PAFF Program, na nahahati sa sumusunod:
🌽 Corn Farmers – β‚±1,104,375.00
🌾 Rice Farmers – β‚±3,231,750.00
🐟 Fisherfolk – β‚±564,975.00

Lubos ang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakipagtulungan upang maging maayos, mabilis, at matagumpay ang aktibidad.
Patuloy po tayong magtulungan para sa mas maunlad na sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Aborlan.



Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 16/05/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT: PAFFP PAY-OUT CARAVAN sa ABORLAN
Ang Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks Program (PAFFP) Pay-out Caravan para sa mga benepisyaryo ng ABORLAN ay gaganapin sa May 19, 2026 sa Aborlan Municipal Covered Court at ang Bahaging West Coast po ay sa Sto. NiΓ±o Apurawan Covered Court.
Itong programa ay pangungunahan ng mga kinatawan mula sa DA-MIMAROPA at BFAR-MIMAROPA katuwang ang Municipal Agriculture Office ng lokal na pamahalaan ng Aborlan.
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo na kabilang sa Rice Farmers, Corn Farmers at Fisherfolk ay makakatanggap ng β‚±2,325.00 bilang cash assistance.

πŸ“Ang lahat ng Fisherfolk beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ay kabilang po sa nasabing schedule maari pong pumunta anumang oras sa umaga o Hapon.

Pinapaalalahanan ang lahat na ihanda ang mga dapat dalhin at sundin po ang nakatakdang schedule ng inyong barangay upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapabilis ang transaksiyon.
Para sa iba pang mga katanungan at mga paglilinaw makipag ugnayan lamang po sa Municipal Agriculture Office.

Maraming salamat po.

Photos from Aborlan Municipal Agriculture Office's post 13/05/2026

GOOD NEWS para sa mga kabataan sa bayan ng Aborlan na nais pasukin ang agribusiness!
Isinagawa ngayong Mayo 13, 2026 sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office at DA RFO- Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang information campaign tungkol sa Young Farmers Challenge(YFC) Program, kung saan opisyal nang inanunsyo na bukas na ang aplikasyon para sa mga kabataang agripreneur!
Inaanyayahan ang mga kabataang may edad 18–30 na magsumite ng kanilang mga makabago at malikhaing business concepts sa larangan ng:
🌾 Pagsasaka (Crop/Livestock Production)
πŸ₯« Food Processing
πŸ’‘ Agri-Tech
πŸ“ˆ Makabagong Agribusiness Models
Paano sumali?
Mag-pre-register at makipag-ugnayan agad sa Municipal Agriculture Office ng Aborlan para sa mga detalye ng aplikasyon.
Mas exciting pa rito, ang mga mapipiling proyekto ay makakatanggap ng start-up capital grantsπŸ’° mula sa Department of Agriculture upang makatulong sa pagsisimula o pagpapalago ng kanilang negosyo. πŸ’°
Patunay lamang na ang agrikultura ay hindi lang hanapbuhay isa rin itong oportunidad para sa kabataang may pangarap, diskarte, at makabagong ideya.



Want your business to be the top-listed Government Service in Palawan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Municipal Compound, Bgy. R. Magsaysay, Aborlan
Palawan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm