18/09/2026
πππ πππππ
, ππππππππππππ πππ πππ
πππππ πππ ππ πππ ππππ ππππππ ππ ππππππππππ πππππ ππ πππππππππππππ ππ ππππππππ; ππππππππ ππππππππ
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon at nagpalabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos makarating sa ahensya ang reklamo ng isang pasahero laban sa isang driver ng GSM Taxi na sangkot sa insidente ng umanoβy pagsasamantala na naganap noong Setyembre 12, 2026 sa ParaΓ±aque City.
Ayon sa ulat ng biktima na unang lumabas sa programang Raffy Tulfo in Action, nakatulog ang pasahero habang nasa biyahe at hindi naibaba sa itinakdang drop-off point. Sa halip, ibinaba siya sa lugar na hindi tugma sa kanyang destinasyon, kung saan umano naganap ang pagsasamantala. Kalaunan, nakatakas ang biktima at nagsampa ng reklamo laban sa driver.
Ang CCTV footage at pagkakakilanlan ng driver na nakasaad sa booking details ng pasahero ang naging basehan ng LTO sa pagtukoy sa naturang GSM Taxi driver.
Dahil sa iniulat na paglabag, inaatasan ng LTO ang driver at ang rehistradong may-ari o operator ng sasakyan na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 24, 2026 para sa pagdinig. Kinakailangan din nilang magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga kaukulang dokumento, bilang tugon sa mga alegasyong nakapaloob sa SCO.
Maaaring managot ang driver sa paglabag na Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagsuspinde o pagbawi ng kanyang lisensya. Samantala, maaari ring managot ang rehistradong may-ari o operator sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) 2014-01 para sa Employing Insolent or Discourteous Driver at Breach of Franchise Conditions, kung mapatutunayan ang mga naturang paglabag.
Samantala, inilagay na sa alarm status ang GSM Taxi at ang driverβs license ng naturang driver. Inatasan din ang driver na agad isuko ang kanyang lisensya sa IID, na isinailalim sa 90 araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso.
Bukod dito, inirerekomenda rin ang lifetime ban sa pagkuha o muling pagkuha ng driver's license sakaling mapatunayang nagkasala ang driver sa mga paglabag na iniuugnay sa insidente, alinsunod sa umiiral na batas.
βHindi titigil ang LTO sa pag-aksyon laban sa mga driver na nagtatangkang magsamantala sa kanilang mga pasahero. Hindi ito ang inaasahan natin sa isang driver na pinagkakatiwalaang maghatid ng pasahero nang ligtas. Kung mapatutunayang may pananagutan, inirerekomenda natin na hindi na siya muling mabigyan ng pagkakataong makapagmaneho,β pahayag ni Asec. Lacanilao.
Muling binigyang-diin ng LTO na ang pagmamaneho ng pampublikong sasakyan ay kaakibat ng malaking responsibilidad at tiwala ng bawat pasahero na makararating nang ligtas sa kanilang destinasyon. Hindi dapat gamitin ang pagkakataong ito upang pagsamantalahan o ilagay sa panganib ang sinumang pasahero.
Hinihikayat ng LTO ang publiko na agad i-report sa LTO ang anumang paglabag, pagsasamantala, o karahasang masaksihan o maranasan sa pamamagitan ng opisyal na page na I-Report Mo Kay LTO Chief o sa website na ireportmokayltochief.ph upang maprotektahan ang mga pasahero at mapanagot ang sinumang driver na mapatutunayang lumabag sa batas at regulasyon ng ahensya.