Bayan ng Pamplona

Contact the organization

Bayan ng Pamplona The official page of the Municipality of Pamplona, Cagayan, Northern Luzon

08/10/2026
๐ŸŽ‰๐‘ช๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต๐‘บ ๐‘บ๐‘จ ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ถ๐‘บ๐‘ช๐‘จ ๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ซ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป!
07/10/2026

๐ŸŽ‰๐‘ช๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต๐‘บ ๐‘บ๐‘จ ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ถ๐‘บ๐‘ช๐‘จ ๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ซ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป!

07/10/2026
06/10/2026
05/10/2026
Isang Pagpupugay sa mga Bayani ng Silid-Aralan: Maligayang Araw ng mga G**o! ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐ŸซAng edukasyon ang pinakamahalagang pa...
05/10/2026

Isang Pagpupugay sa mga Bayani ng Silid-Aralan: Maligayang Araw ng mga G**o! ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ

Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana na maaari nating iwan sa susunod na henerasyon, at ang mga g**o ang nagsisilbing liwanag at gabay upang marating ng ating mga kabataan ang kanilang mga pangarap. Sa bawat pangaral, bawat pagtitiis, at bawat sakripisyo, hinuhubog ng ating mga g**o ang kinabukasan ng ating bayan.

Ngayong Teachers' Day, buong-puso nating ipinapaabot ang ating pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng mga g**ong walang sawang nagtatanim ng karunungan at pag-asa sa puso ng bawat mag-aaral.

Kaisa sa dakilang pagdiriwang na ito ang ating masipag at mapagmahal na Punong Bayan, Mayor DIGNA PUZON-ANTONIO. Lubos ang kanyang pasasalamat at pagkilala sa inyong natatanging kontribusyon sa ating komunidad. Batid ni Mayor Digna na ang isang matatag na lipunan ay nagmumula sa isang matatag na sistema ng edukasyon, kaya naman patuloy ang kanyang suporta sa mga programa at proyektong naglalayong itaguyod ang kapakanan ng ating mga g**o at mag-aaral.

Mula sa pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Digna Puzon-Antonio, at mula sa puso ng bawat mamamayanโ€”maraming, maraming salamat po sa inyong walang kapantay na dedikasyon, pagmamahal, at serbisyo. Kayo ang tunay na gabay at inspirasyon ng ating bayan!

Mabuhay ang mga G**ong Pilipino! Maligayang Araw ng mga G**o! โœจ


Bilang pagkilala sa kasipagan, pagmamahal at sakripisyo ng ating mga mahal na g**o, naglabas ang butihing Ina ng Bayan n...
03/10/2026

Bilang pagkilala sa kasipagan, pagmamahal at sakripisyo ng ating mga mahal na g**o, naglabas ang butihing Ina ng Bayan ng Pamplona, Hon. Digna Puzon Antonio ng Executive Order No. 67 Series of 2026 na nagkakansela ng pasok sa Lunes, Oktubre 05, 2026.

Layunin ng Executive Order ay upang makapagpahinga at makapiling ng ating mga minamahal na g**o ang kanilang mga pamilya sa espesyal na araw na ito.

Kinikilala at binibigyang halaga ni Mayor Digna Puzon Antonio ang walang humpay na malasakit ng ating mga g**o, pati na rin ang lahat ng non-teaching staff na patuloy na humuhubog sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pamploneรฑo.

Happy Teacher's Day po sa inyong lahat!



๐Ÿ“ข MAHALAGANG ANUNSYO AT PAALALA PARA SA ATING MGA MINAMAHAL NA SENIOR CITIZEN!๐Ÿ“Œ PAGBABAGO NG PETSA PARA SA PAGDIRIWANG N...
30/09/2026

๐Ÿ“ข MAHALAGANG ANUNSYO AT PAALALA PARA SA ATING MGA MINAMAHAL NA SENIOR CITIZEN!

๐Ÿ“Œ PAGBABAGO NG PETSA PARA SA PAGDIRIWANG NG ELDERLY FILIPINO WEEK 2026

Isang mainit at mapagpalang pagbati sa lahat ng ating mga Lolo at Lola!

Nais po naming ipabatid sa buong pamayanan na ang nakatakda sanang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026 sa darating na Oktubre 12, 2026 ay inilipat sa Oktubre 28, 2026 (Miyerkules).

At sa darating na Oktubre 26, 2026 mag kakaroon ng Senior Citizen mass 6:00AM

Ang hakbang na ito ay upang mas masig**o ang mas maayos, ligtas, at mas masayang pagtitipon para sa ating mga nakatatanda. Sa kabila ng pagbabago ng petsa, mananatili pa rin ang ating layunin na bigyang-pugay ang inyong karunungan at walang kapantay na ambag sa ating lipunan, alinsunod sa ating tema na: "NAKATATANDANG PILIPINO MAY HALAGA AT KARAPATAN, MAY BOSES AT AMBAG SA BAYAN".

Narito ang mga updated na detalye ng kaganapan:

๐Ÿ“‹ Mga Detalye ng Kaganapan:

โ€ข ๐Ÿ“… Bagong Petsa: Oktubre 28, 2026 (Miyerkules)

โ€ข โฐ Oras: 8:00AM-4:00PM

โ€ข ๐Ÿ“ Lugar: Pamplona Cultural and Sports Center

Inaasahan po namin ang inyong malawakang pagdalo at pakikiisa sa araw na ito na inilaan para sa inyong espesyal na regalo, serbisyo, at pasasalamat!

Para sa mga karagdagang tanong o linaw, maaari kayong magsadya sa Tanggapan ng Senior Citizens Association (OSCA) sa inyong barangay o pumunta lamang sa OSCA office sa Presidencia De Pamplona.

Maraming salamat po sa inyong malawak na pag-unawa!



LGU Pamplona at DENR-CENRO, Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Barangay Abbangkeruan para sa MANA Mo 2026Bilang pakikiisa sa...
28/09/2026

LGU Pamplona at DENR-CENRO, Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Barangay Abbangkeruan para sa MANA Mo 2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2026 Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo), matagumpay na isinagawa ang isang malawakang clean-up drive sa Barangay Abbangkeruan, Pamplona, Cagayan ngayong araw, Setyembre 28, 2026.

Nagsimula ang aktibidad sa ganap na ika-6:00 ng umaga na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources - CENRO Sanchez Mira, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Pamplona sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni MENRO Officer Severino Jโ€™IV B. Tayawa, at sa suporta ng Pamplona Police Station, Pamplona Fire Station.
Barangay Officials at mga Job Order ng LGU Pamplona.

Layunin ng programang ito na tugunan ang lumalalang suliranin sa mga kalat at basura na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan, pagkasira ng kapaligiran, at banta sa kalusugan ng mga mamamayan. Mahalaga ang kalinisan ng komunidad upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko at masuportahan ang mga lokal na kabuhayan at turismo sa buong bayan ng Pamplona.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno at ng komunidad, naglalayon ang aktibidad na ito na itaguyod ang wastong pamamahala sa basura sa bayan ng Pamplona at magsilbing paalala sa lahat na pangalagaan ang ating kapaligiran para sa mas ligtas at masustansyang pamumuhay.


Isang Produktibong araw sa Pamplona;Pamplona Hymn, Opisyal na Inilunsad sa Pamplona Central School;Isang produktibo at m...
28/09/2026

Isang Produktibong araw sa Pamplona;

Pamplona Hymn, Opisyal na Inilunsad sa Pamplona Central School;

Isang produktibo at makabuluhang araw ang salubong sa ating bayan sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Hon. Digna Puzon-Antonio! walang humpay ang pag hatid ng serbisyo publiklo para sa ibaโ€™t ibang sektor ng ating kumunidad ngayong araw, Setyembre 28,2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญFlag Raising Ceremony at Pamamahagi ng Paalala sa Pamplona Central Schoolโ€™

Nakiisa si Mayor, Digna Puzon-Antonio sa ginanap na pagtataas ng watawat sa Pamplona Central School Kasama ang LGU Choir at PNP Pamplona. Layunin ng pagbisitang ito ang Familiarization at pagsasanay para sa ating opisyal na Pamplona Hymn upang mas maipagmalaki at maikintal sa puso ng bawat mamamayan ang ating lokal na awitin. Pag katapos nito, nag iwan si Mayor ng mahahalagang paalala at pangaral sa mga mag-aaral ng Pamplona Central School tungkol sa kahalagahan ng edukasyon, disiplina sa sarili, at ang pagiging responsableng kabataan sa ating lipunan.

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNakiisa sina Mayor Digna Puzon-Antonio,
Vice Mayor Arnie Angelica Sampaga-Fernandez,
at ang mga Konsehal ng Pamplona sa ginanap na flag raising ceremony ngayong araw.

Kasabay nito, buong-pusong dinaluhan at winelcome ng ating mga opisyal ang bagong Chief of Police ng Pamplona Police Station na si PMAJ Windel D. Oliver. Inaasahan ang mas matatag na ugnayan sa pagitan ng LGU at ng ating kapulisan para sa mas ligtas at maunlad na Pamplona! Maayong pag-abot, PMAJ Oliver! Saludo po kami sa inyong serbisyo!

Patuloy tayong magtulungan para sa mas maunlad, ligtas, at luntiang PAMPLONA!

Mabuhay ang Bayan ng Nategta A Pamplona!



Address

Pamplona

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayan ng Pamplona posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bayan ng Pamplona:

Shortcuts

Share