08/03/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 📢📢📢
Ipinapaalam ng Pamahalaang Bayan ng Infanta, Pangasinan sa lahat ng mamamayan na ipinatupad ang Executive Order No. 18, Series of 2026 na nag-aadopt ng 𝐓𝐞𝐦𝐩𝐨𝐫𝐚𝐫𝐲 𝐅𝐥𝐞𝐱𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐎𝐧-𝐒𝐢𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐰𝐞𝐞𝐤 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐞𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐥𝐢𝐧𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐂𝐢𝐫𝐜𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐍𝐨. 𝟏𝟏𝟒 𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭.
Simula po bukas , Marso 9, 2026, ang oras ng trabaho sa ating Municipal Hall at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ay 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟳:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟲:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶, 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀.
Sa kabila ng pagbabagong ito sa iskedyul, 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆-𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼. 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘁 (𝗥𝗛𝗨), 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗦𝗪𝗗𝗢), 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗟𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢), 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗸𝗿𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 ay patuloy na magpapatupad ng angkop na duty rotation at work schedules upang masigurong hindi maaantala ang serbisyo sa mamamayan.
Ayon kay Dr. Mayor Virgilio F. Vallarta , ang hakbang na ito ay tugon sa panawagan ng pambansang pamahalaan upang makatulong sa pagtitipid ng enerhiya, habang patuloy na tinitiyak na ang mga serbisyo ng pamahalaan ay nananatiling maayos, episyente, at abot ng mamamayan ng Infanta.
Hinihikayat ang publiko na isaalang-alang ang bagong iskedyul ng oras ng opisina sa pagpunta sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa mga kailyan !