09/09/2026
BUKAS NA ANG THIRD QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Setyembre 10, 2026, alas-dos ng hapon.
Magsisimula ang programa ng ceremonial pressing of the button nang ala-una ng hapon.
Pangungunahan ng OCD Regional Offices ang pagsasagawa ng NSED sa iba't ibang rehiyon, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba't ibang sektor.
Abangan ang livestream ng NSED sa Civil Defense PH at NDRRMC pages.