Vice Mayor Keysean Peñamante-Nolledo

Vice Mayor Keysean Peñamante-Nolledo 🔆The Official page of Vice Mayor
Keysean Peñamante-Nolledo of Panukulan,Quezon. 🔆

Maligayang Kaarawan po , Konsehal Dante Villamen! 🎉🎂Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalu...
28/07/2026

Maligayang Kaarawan po , Konsehal Dante Villamen! 🎉🎂

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong tapat at mahusay na paglilingkod sa ating bayan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa ating mga kababayan. Hangad ko ang mas marami pang pagpapala, tagumpay, at masasayang sandali para sa inyo at sa inyong pamilya.

Muli, maligayang kaarawan at mabuhay po kayo!💛

Ang atin pong taos pusong pagbati sa ika-112 Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo! 💛🙏
27/07/2026

Ang atin pong taos pusong pagbati sa ika-112 Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo! 💛🙏

17/07/2026

Isang Makabuluhang Linggo ng Paglilingkod sa Bayan💛

Sa loob ng isang linggo, muli nating ipinagpatuloy ang ating tungkulin bilang lingkod-bayan na may buong puso, malasakit, at pananagutan sa bawat mamamayan ng Panukulan.

Noong Lunes, pinangunahan natin ang Ika-53 Regular Session ng Sangguniang Bayan, bilang katuwang sa pagpapatibay ng mga ordinansa at resolusyong magtataguyod ng kapakanan at kaunlaran ng ating bayan.

Kasunod nito, pinangunahan din natin ang serye ng Public Hearings bilang bahagi ng konsultasyon sa ating mga mamamayan:

📍 First Cluster: Brgy. San Juan (host), Brgy. Lipata, Brgy. Bato, at Brgy. Balungay✅
📍 Second Cluster: Brgy. Calasumanga at Brgy. Milawid✅
📍 Third Cluster: Brgy. Libo, Brgy. Kinalagti, Brgy. Pandan, at Brgy. Pag-itan✅
📍 Fourth Cluster: Brgy. Bonbon, Brgy. Matangkap, at Brgy. Rizal✅

Ang bawat pagpupulong at konsultasyon ay nagpapatunay na ang mabuting pamamahala ay nagsisimula sa pakikinig sa tinig ng mamamayan at sa sama-samang paghahanap ng mga solusyong magpapabuti sa ating komunidad.

Patuloy tayong magsisilbi nang may integridad, malasakit, at tunay na dedikasyon para sa isang mas maunlad na Panukulan. 🇵🇭

Lagi’t Lagi Para sa Bayan!🫶
SERBİSYONG MAY KALINGA AT PUSO💕

15/06/2026

SB 12th Council PAGKILALA KAY G. MURILLO🎖️

| June 15,2026
|📍Session Hall, Sangguniang Bayan

ISANG RESOLUSYON NA NAGBIBIGAY PAGKILALA AT PAPURI KAY G. GUILLERMO
A. MURILLO DAHIL SA KANYANG BOLUNTARYONG PAGLILINGKOD SA LARANGAN
KOMUNIKASYON PARA SA KOMUNİDAD NG BAYAN NG
PANUKULAN,LALAWIGAN NG QUEZON, LALO NA SA PANAHON NG MGA AGARANG PANGANGAİLANGAN AT KALAMIDAD.

Pasasalamat sa naging may akda ng Iginawad na resolusyon Kgg. Janice Peñamante-Tuzon at sa suporta ng bumubuo ng Sangguniang Bayan.💕

Lagi’t Lagi Para sa Bayan 🫶
SERBİSYONG MAY KALINGA AT PUSO💛

10/06/2026

Happy Fiesta Brgy. Lipata 🎉

SerbisyoCaravan+NinangDuty+
ListeningVisitWithConstituents‼️

Lagi’t Lagi Para sa Bayan🫶
SERBİSYONG MAY KALINGA AT PUSO💛

Maligayang Kaarawan sa aming masipag na staff , Ms. Christel !🫶💕Sa iyong espesyal na araw, nais kong ipaabot ang aking t...
10/06/2026

Maligayang Kaarawan sa aming masipag na staff , Ms. Christel !🫶💕

Sa iyong espesyal na araw, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati at pasasalamat sa iyong dedikasyon at mahusay na paglilingkod bilang Legislative Officer I. Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, karunungan, at tagumpay sa iyong propesyon at personal na buhay.

Maraming salamat sa iyong sipag, integridad, at mahalagang ambag sa ating institusyon. Hangad ko na ang taong ito ay mapuno ng mga biyaya, at tagumpay.

Maligayang Kaarawan at mabuhay ka, Christel! 🎂🎈

08/06/2026

Bilang pagsisimula ng isang progresibong Lunes, tayo ay nakiisa sa Flag Raising Ceremony bilang simbolo ng ating patuloy na panata ng pagkakaisa at tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan.

Kasunod nito, agad tayong nagtungo sa opisina upang mapirmahan at maasikaso ang mahahalagang dokumentong kinakailangan para sa maayos at mabilis na paghahatid ng serbisyo publiko.

Nakibahagi rin tayo sa SPES Graduation and Salary Distribution (LGU Counterpart), isang mahalagang programa na nagbibigay pagkilala sa sipag, dedikasyon, at ambag ng ating mga kabataan sa komunidad. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy silang mangarap, magsikap, at maging katuwang sa pagbuo ng mas maunlad na kinabukasan.

Sa bawat araw, sama-sama nating pinagtitibay ang ating layunin—isang LGU, isang adhikain, at isang komunidad na patuloy na umuunlad para sa lahat.

Lagi’t Lagi Para sa Bayan 💛

Address

Matangkap
Panukulan
4337

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Keysean Peñamante-Nolledo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share