SK Kagawad David Laureta

SK Kagawad David Laureta

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SK Kagawad David Laureta, Public Service, Parañaque.

A Recipient of the GAWAD LYCEAN 17TH STUDENT LEADERSHIP AWARD - Sangguniang Kabataan Leadership Category - LPU Manila

This is the Official page of SK Kagawad Davidson Laureta of Barangay Vitalez, 1st District, City of Parañaque, Metro Manila.

04/06/2026

🔥 MAS PINALAKAS NA SUPORTA PARA SA MGA SURVIVORS NG SUNOG SA PARAÑAQUE! 🔴

Isang mahalagang hakbang para sa mas mabilis at mas epektibong pagbangon ng ating mga kababayan! Matapos ang deliberasyon ng 10th Sangguniang Panlungsod, opisyal na naaprubahan ang Ordinance No. 2026-16 (Series of 2026).

Inaamyendahan nito ang dating Ordinance No. 2024-22 upang itaas ang halaga ng pinansyal na tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente ng sunog sa Lungsod ng Parañaque. Sa ilalim ng bagong ordinansa, mas pinantay at pinalaki ang ayudang matatanggap ng bawat pamilya anuman ang katayuan sa pagmamay-ari ng bahay.

💰 BAGONG IPATUTUPAD NA FINANCIAL ASSISTANCE (Per Family Basis):
₱10,000.00 – Para sa mga naapektuhang pamilya, maging sila man ay Structure Owner, Renter, o Sharer.

₱5,000.00 – Para sa mga ari-arian o bahay na may 40% o pababa ang pinsala base sa pagtatasa.

₱2,000.00 – Para sa mga kabahayang nakaranas ng Collateral Damage o nadamay na karatig-bahay.

📋 MGA MAHALAGANG PAALALA:
Per Family Basis: Ang pagpapalabas ng pinansyal na tulong ay ibibigay bawat apektadong pamilya.

Validation & Assessment: Ang pagbibigay ng tulong ay dadaan sa validation ng Bureau of Fire Protection (BFP) at rekomendasyon ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Ang CSWDO ang magsisilbing pangunahing ahensya sa pagpapatupad, pag-verify, at pagsusuri ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ang ordinansang ito ay pinangunahan at itinaguyod ng inyong City Council sa pamumuno nina Proponents Coun. Charles Yeoj L. Marqez, Coun. Jose Enrico T. Golez, Coun. Daniel Eric M. Baes, Coun. Shiella G. Benzon, at ng buong Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni Vice Mayor Florencio C. Bernabe III, at opisyal na nilagdaan ni City Mayor Edwin L. Olivarez.

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagbuo ng mga programang naglalayong magbigay-kalinga at agarang ayuda sa panahon ng krisis at sakuna.

Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni Presiding Officer Vice Mayor Florencio “Benjo” Bernabe III, katuwang ang pamunuan ni Mayor Edwin L. Olivarez.

https://drive.google.com/file/d/19os61MvO8scLwxISr2TSYu-xkaVvQsvT/view?usp=drive_link

27/05/2026

Isang taimtim at mapagpalang pagdiriwang ng Eid’l Adha sa ating mga kapatid na Muslim.

Ang okasyong ito ay paalala ng tunay na kahulugan ng pagsunod, sakripisyo, at wagas na pananampalataya. Nawa’y magdala ang araw na ito ng walang kapantay na kapayapaan, kasaganaan, at pagkakaisa sa bawat pamilya at komunidad. Eid Mubarak! 🌙✨


̃aquecity

Photos from SK Kagawad David Laureta's post 26/05/2026

MAAGANG KALINGA AT PAGKAKAISA PARA SA BUONG PARAÑAQUE! 💙📦🌧️

​Isang taos-pusong pasasalamat po kay Sen. Kiko Pangilinan, sa kanyang opisina, at sa Kilos Ko Youth Organization sa pag-donate ng 10 boxes (1,000 pcs) ng canned goods para sa ating mga kabarangay sa Parañaque City. Napakalaking tulong nito para sa paghahanda ng ating komunidad sa darating na panahon ng tag-ulan at sakuna.

​Salamat din kina Sir Regie, Sir Lance, at Ms. Trisha sa inyong suporta at paggabay!

​Hindi rin magiging posible ito kung wala ang aking JCI family—maraming salamat sa aming JCI Parañaque Pambato President Capt. Atty. Adrian at sa aking mga kapatid sa organisasyon sa walang-sawang pagtulong sa pag-alalay at distribusyon.

​Ang pagkakaisa ng kabataan at ng komunidad ang ating lakas sa bawat pagsubok! 🤝✨

Photos from SK Kagawad David Laureta's post 24/05/2026

Courtesy call

Office of the Vice Mayor Benjo Bernabe III

A great productive day! 🤝✨

Big thanks to former Kag. Ricky Pracale for assisting the Jetlane Village HOA. We are also incredibly grateful to Vice Mayor Benjo Bernabe, Chief of Staff Sir Carlo Bernabe, Ms. Twinkle, Ms. Ella, and the whole OVM staff for welcoming us with open arms.

Super appreciate the support for our community! 🏡💙

22/05/2026

Thank you for having me at your office konsi ma'am Rina Gabriel💙💙

18/05/2026

Ferinar G. Laureta 🕊️
"Bojeck"

​To the person who inspired me to cruise the world 🌍🚢

The Lord truly blessed you with the chance to witness the wonders of His creation. 🗺️✨

​I lost an incredible uncle today, a man I always looked up to as a rockstar. He has been one of my inspiration ever since I was a little kid.

​Binigla mo kaming lahat tito, we didn't get a chance to catch up one last time. 💔

However, I take comfort in knowing that the Lord has prepared a much better life for us in heaven. 🌌☝️

Thank you for the inspiration, Tito Bojeck. I am incredibly humbled and grateful to carry your memory with me 🕊️🤍.

May your soul rest in peace, Tito Bojeck till we meet again.🙏🏼🫂🤜🏼🤛🏼

Photos from SK Kagawad David Laureta's post 16/05/2026

May 13, 2026

BAYANIHAN SA ORAS NG SAKUNA 🔥💪

​Noong Miyerkules, naglunsad ng relief operation ang JCI Parañaque Pambato, kasama ang JCI Parañaque Asinderas at JCI Aseana, upang magpaabot ng tulong at relief goods sa mga pamilyang nasunugan sa Sta. Maria at Lower Barangay San Antonio.

​Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nag-donate ng mga kagamitan at damit na malaking tulong para sa kanilang panimula. Special mention po sa mga pamilyang hindi nag-atubiling tumulong:

​✨ Nogoy-Doroga Family
✨ Gomez Family
✨ Catalan Family
✨ Manzano Family
✨ Labindao Family
✨ At sa mga mapagbigay nating mga kapitbahay mula sa Barangay Vitalez

​Ang inyong kabutihan ang nagpapatunay na walang mabigat na pagsubok kapag tayo ay sama-sama. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Maykapal! 🙏❤️

Photos from SK Kagawad David Laureta's post 10/05/2026

Happy Monday Vitalez!💙💛

New week and busy week as usual 😅

Want your business to be the top-listed Government Service in Parañaque?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Parañaque
1700