07/04/2026
Maligayang kaarawan sa aking kinikilalang pangalawang ama, Former Councilor, Former Punong Barangay - Ka Rufing Allanigue! Dalangin ko po ang biyaya ng mahabang buhay, malakas na kalusugan, at kasagaan araw araw. Happy birthday, Ka Rufing!
16/02/2026
Pinagdiwang ang Leadership Excellence!
Tinanggap po natin ngayon ang Plaque of Leadership Excellence bilang parangal sa ating Outstanding Legislative Leadership bilang Lead Proponent ng City Ordinance Nos. 19-29, 19-33, at 2020-49—na nag-update sa Ordinance 04-22 (Revenue Code of the City of Parañaque). Nagdulot ito ng malaking revenue collections na ipinang tustos at nagamit ng ating Lungsod sa panahon at pagkatapos ng pandemya!
Maraming salamat po sa ating City Treasurer, Dr. Anthony Pulmano, sa pagkilala! Karangalan ko pong gampanan ang aking tungkulin bilang mambabatas at Chairperson ng Committee on Ways and Means sa aking unang dalawang termino, taong 2016-2022.
To God be the Glory!
19/01/2026
NAG-UMPISA NA ANG BLACK PROPAGANDA!
BABALA sa mga kinauukulan. Napag-alaman po naming mayroong alias *Virgie* at "Jun" na di umano ay empleyado ng kasalukuyang nakaupong Konsehal na nag-iikot sa Barangay San Dionisio at nanghihikayat at nag-aalok ng pera at ginagamit ang pangalan ko para sumama ang tao.
NAIS KO PONG IPAALAM NA MAHIGPIT KO PONG KINUKUNDENA ITO AT WALA PO KAMING KINALAMAN SA NATURANG GAWAIN.
Kung sino man ang nilapitan at naalok at handang tumestigo ay maaaring lumapit sa akin ng personal o mag send ng personal message para makasuhan natin ang mga ITO at di pamarisan. Handa po akong magbigay ng pabuya sa gustong tumestigo sa korte. HINDI PO NATIN KINUKUNSINTE ANG GANITONG GAWAIN.
ITO PO AY MARUMING PARAAN PARA HADLANGAN ANG ATING ADHIKAING MAGLINGKOD SA ATING NASASAKUPAN.
MAG-INGAT PO ANG LAHAT AT MAGING MAPANURI.
17/10/2025
Taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng aking kaibigan at masipag na lingkod-bayan, Konsehal Pablo Gabriel, Jr. Rest well my brother, maraming salamat sa masayang pagkakaibigan. Hanggang sa muli!
27/09/2025
Please HELP us find PHOEBE MAXENE CAUBANG.
Help us find PHOEBE MAXENE Caubang. She is a person with special needs and is non-verbal. Please contact the number below if you have any information. We pray for her safety and the Lord's protection.
📞0902-3246086
05/09/2025
Hakodate, Hokkaido, Japan
September 5, 2025
Isang malaking karangalan ang mabigyan ng pagkakataon na makapag-present sa World Autism Summit na ginaganap sa Hakodate, Hokkaido, Japan mula Setyembre 4–7, 2025.
Kasama ang ating CSN Center Administrator na si Nessie Baculo at ang ating mga institutional partners mula sa Thrive Behavioral Care, USA, naipakita po natin ang mga programa ng CSN Center Parañaque—isang modelo ng community-based, family-centered care facility na nagbibigay ng access sa ABA services para sa mga batang may autismo at iba pang kaugnay na kondisyon.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa walang sawang suporta at patuloy na paggabay ng ating butihing Punong Lungsod Mayor Edwin L. Olivarez at kay Cong. Eric Olivarez, para sa kapakanan at mas maliwanag na kinabukasan ng mga batang may special needs.
09/07/2025
BABALA! 🚨
FAKE ACCOUNT ALERT:
Pakiusap po, tulungan niyo akong i-MASS REPORT ang pekeng account na ito para maprotektahan ang lahat. Salamat po! 🙏
https://www.facebook.com/councilor.marvin.a.santos.2?mibextid=ZbWKwL