Tapang Paraรฑaque

Tapang Paraรฑaque Alternative Politics. People-Centered. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

We are Tapang Paraรฑaque. Join the movement!

Our mission is to create an inclusive space for emerging leaders to rise and transform our cityโ€™s challenges into collective action.

06/10/2026

Bakit Dapat Isa Lang?

Maraming sagot ngunit iisa ang hangarin - ang wakasan ang mga political dynasties na siyang sanhi ng mga pangunahing problema sa bansa. Hindi dapat nasa iilang pamilya lang ang nakapwesto sa pamahalaan. Dapat isa lang!

Tara na! Wakasan na ang mga pulitikal na dinastiya! Prima na sa โ†ช d1l.org

MATAAS NA PAGPUPUGAY SA ATING MGA G**ONakikiisa ang Tapang Paraรฑaque sa paggunita sa ating mga g**o na siyang tagahulma ...
05/10/2026

MATAAS NA PAGPUPUGAY SA ATING MGA G**O

Nakikiisa ang Tapang Paraรฑaque sa paggunita sa ating mga g**o na siyang tagahulma ng ating bayan. Ang taunang pagpupunyagi sa mga g**o ay taunang paalala rin ng pagpapahirap ng gobyernong Marcos sa ating mga g**o.

Habang ang mga ayuda ay nilalaanan ng bilyong pisong pondo, iniipit naman ng gobyernong Marcos ang kanilang sahod. Kasabay nito ang patong-patong na trabaho, kontraktwalisasyon, kulang-kulang na gamit, at mga atake sa mga matatapang na g**o na lumalaban para sa makataong pagtrato ng sistema.

Naninindigan tayo na ang g**o ay hindi lamang tagapagpatupad ng kurikulum bagkus ang nagsisig**o na ang bayan natin ay nananatiling kritikal mula sa pang-aabuso ng mga pamilyang naghaharing-uri.

Sa araw na ito, samahan nating mag-ingay ang sangkaguruan sa kanilang panawagan ng nakabubuhay na sahod, sapat na mga klasrum, maayos na kagamitan, at mas ligtas na mga paaralan para sa kabataan at kaguruan.

Sama-sama tayong umaksyon, mag-organisa, at kolektibong bumoses para mayanig ang mga nasa itaas at matutong makinig sa mga tunay na nagpapatakbo ng ating lipunan.





๐–๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ฒ๐š! ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐ˆ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†! ๐Ÿ‘†๐Ÿ”ฅSobra na ang paggawang pamilya negosyo sa pulitika! Mula sa ating lungsod sa...
02/10/2026

๐–๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ฒ๐š! ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐ˆ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†! ๐Ÿ‘†๐Ÿ”ฅ

Sobra na ang paggawang pamilya negosyo sa pulitika! Mula sa ating lungsod sa Paraรฑaque hanggang sa pambansang pamahalaan, sakal na sakal ang mamamayan sa paulit-ulit na mukha at monopolyo ng mga political dynasties na nagpapayaman habang patuloy na naghihirap ang masa.

Nakiisa ang ๐“๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐šรฑ๐š๐ช๐ฎ๐ž sa Obispado de Cubao kasama ang ๐—›๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ at ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒโ€™๐˜€ ๐—œ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜ ๐——๐˜†๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐˜† (๐—ฃ๐—œ๐—–๐—”๐——) para sa paglulunsad ng ๐——๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด digital platform for petition signing. Pinag-isang puwersa ito ng mga batayang samahan, simbahan, at sektor ng lipunan para bawiin ang pamamahala mula sa mga abusadong pamilyang mga dinastiya, at tunay na ibalik ang demokratikong kapangyarihan sa taumbayan.

Dito, pinangunahan ni dating Supreme Court Senior Associate Justice at PICAD Chair Antonio Carpio ang pagpapakita sa sistema't panuto para sa pag-di-digital petition upang maging kaisa sa People's Initiative na ito.

Dahil binubuo ng halos 70% na miyembro ng mga dinastiya ang Senado at Kongreso, ipinaliwanag ni Atty. Eirene Aguila na direkta nang dapat kumilos ang taumbayan. Layunin nating makakolekta ng 7.5 milyong lagda โ€”10% ng kabuuang botante sa bansa at 3% sa bawat distrito para sa People's Initiative.

Nakiisa rin sa makasaysayang pagkilos na ito sina Constitutional Framer Atty. Christian Monsod, Bishop Elias Ayuban Jr., Evelyn Singson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, at Rachelle Santos ng Philippine Board Association.

Hindi na natin aasahan ang Kongreso kahit inutusan na sila ng Korte Suprema noong September 16 na magpasa ng batas laban sa mga dinastiya. Hindi kailanman gigibain ng mga politiko ang sarili nilang kaharian โ€” kaya ang mismong mamamayan na ang magpapasara sa kanilang maduming negosyo!

Ang tunay na kapangyarihan ay nasa masa, at wala sa mga dinastiyang nagpapakasasa sa kani-kanilang mga puwesto. Wawakasan natin ang kanilang monopolyo!

Tara na! Wakasan na ang dinastiya! Prima na sa โ†ช d1l.org

Gabay para sa pagpetisyon: https://www.facebook.com/share/v/1UfNimJVpa/

02/10/2026

Mga Ka-isa, online na tayo! ๐Ÿ’ปโœ๏ธ

Mas madali na ngayon ang pagsusulong ng ๐—š๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ-๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐——๐˜†๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„ sa pamamagitan ng Peopleโ€™s Initiative dahil maaari nang ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ ๐—ผ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ.

Hindi na kailangang mano-manoโ€”ilang hakbang na lang, maipapahayag mo na ang iyong suporta.

๐Ÿ‘‰ Bisitahin ang d1l.org, sundan ang mga hakbang, at kumpletuhin ang hinihinging detalye para makapag-sign online.

๐˜›๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข!
๐˜–๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข!
๐—ฃ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ! -> https://d1l.org/

๐—ช๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐——๐—ฌ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆ! ๐Ÿ‘†๐Ÿผ๐Ÿ”ฅ

๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ. ๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ. ๐™„๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ. ๐˜ฟ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™„๐™จ๐™– ๐™‡๐™–๐™ฃ๐™œ.๐Ÿ‘†

๐—™๐—•: fb.com/DapatIsaLangMovement | fb.com/TapangPQ
๐—œ๐—š/๐—ง๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ธ: |

02/10/2026

๐Ÿ“ฒ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ-๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐——๐˜†๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„?

Hindi na kailangang mano-mano. Mas madali na ngayon ang online signing para maging petitioner.

Sa digital tutorial na ito, ipapakita ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฝ-๐—ฏ๐˜†-๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฝ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ป ๐—ผ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ at maging bahagi ng panawagan para sa isang batas na tunay na magbabawal sa political dynasties.

โœ๏ธ Panoorin ang tutorial. Sundan ang bawat hakbang. At pumirma.
๐Ÿ‘‰ Mag-sign online sa d1l.org

๐—ช๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐——๐—ฌ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—˜๐—ฆ! ๐Ÿ‘†๐Ÿผ๐Ÿ”ฅ

๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ. ๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ. ๐™„๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ. ๐˜ฟ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™„๐™จ๐™– ๐™‡๐™–๐™ฃ๐™œ.๐Ÿ‘†

๐—ฃ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ! -> https://d1l.org/

๐—™๐—•: fb.com/DapatIsaLangMovement | fb.com/TapangPQ
๐—œ๐—š/๐—ง๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ธ: |

Mariing kinokondena ng Tapang Paraรฑaque ang pagkansela ni Marcos Jr. ng halalan para sa Eleksyon ng mga Barangay at mga ...
25/09/2026

Mariing kinokondena ng Tapang Paraรฑaque ang pagkansela ni Marcos Jr. ng halalan para sa Eleksyon ng mga Barangay at mga Kabataan na gaganapin dapat ngayong Nobyembre 2026.

Sa katwiran ni Marcos Jr., ito raw ay pagsisig**o na maitutuloy ang serbisyong ginagawa ng kada barangay sa kanilang nasasakupan.

Malaki itong kasinungalingan. Patuloy tayong niloloko, at tinuturing na mangmang ng administrasyong ito. Dahil mistulang pagsisig**o lang ito ng kanyang kapangyarihan para makahingi ng suporta sa mga Kapitan sa darating na national elections sa 2028.

Patunay diyan ang patuloy na pagtanggap ng pera ng mga barangay mula sa Presidente. Habang patuloy naman tayong nilulubog sa taas ng presyo ng pagkain, kuryente, at gasolina.

Kasama pa diyan ang pag-ipit ng baryang pagtaas ng sahod, at malawakang pagtapyas ng budget para sa edukasyon -- mga iilang halimbawa kung paano supilin ng administrasyong Marcos ang kapangyarihan ng taumbayan.

Dinidiin lang nito na ang tunay na pagkalas sa mga naghaharing pamilya, ay nananawagan ng pagkilos natin lagpas sa eleksyon. Mas dapat natin paigtingin ang pag-oorganisa, pagsasama-sama, at pagkilos bilang kolektibo. Nananawagan ito sa mga nag-aasam makapagserbisyo, SK o Barangay, na banggain ang mga dinastiyang nagpapatuloy ng ganitong bulok na sistema.

Magbuo ng pagkilos, sumama sa mga usapan, at aktibong makilahok sa pagpuna sa mga katarantaduhan ng pamahalaan. Dahil sa panahong ginagawa tayong mangmang, dapat mas lalo tayong magalit, magsama-sama, at iparamdam na hinihiram lang ang kapangyarihang hawak nila.

Pumirma sa Dapat Isa Lang.
Sumama sa pag-organisa.
Dalhin natin sa konseho at kalsada ang pagka-inutil ng ating gobyerno mula barangay hanggang nasyonal.



20/09/2026

๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ป๐—ถ ๐—Ÿ๐˜†๐—ฐ๐—ฎ,โ€œ๐—ฃ๐˜„๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ.โ€ ๐—›๐—บ๐—บ, ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐˜โ€™๐˜€ ๐—ฎ ๐—ป๐—ผ! ๐—ป๐—ผ! ๐—ป๐—ผ! ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐˜†๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐˜†.๐Ÿ˜ตโ€๐Ÿ’ซ

Kaninong pangarap ba ang natutupad kung iisang pamilya lamang ang โ€œnagseserbisyoโ€ at โ€œnanunungkulanโ€?

Nanay? Tatay? Tito? Tita? Ate?Kuya? Lolo? Lola?๐ŸšจKapag paulit-ulit na umiikot sa iisang pamilya ang kapangyarihan, sino pa ang may puwang na mangarap para sa sarili?

Kapag iilan ang may hawak ng kapangyarihan, pati pangarap mo nahahadlangan.

Nakikiisa ang Tapang Paraรฑaque sa Dapat Isa Lang sa pagsulong ng isang genuine anti-political dynasty bill though a Peopleโ€™s Initiative! Maraming salamat sa mga naka-pirma na. Abangan ang mga susunod na hakbang! Gusto mo bang makibahagi sa Dapat Isa Lang Movement sa Paraรฑaque? Makipag-ugnayan sa Tapang Paraรฑaque! I-follow ang aming page para sa mga updates ukol sa ating magiging pagkilos.

Tara, wakasan ang dinastiya! Para sa pangarap mong tunay na pagbabago, tapangan mo, Paraรฑaqueรฑo! โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

๐€๐๐† ๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ๐€๐˜ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐, ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐‹๐ˆ๐Œ๐Ž๐’ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐˜๐€๐‘๐ˆ๐‡๐€๐!Naging bahagi ang Tapang Paraรฑaque sa Hiraya's three-d...
17/09/2026

๐€๐๐† ๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ๐€๐˜ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐, ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐‹๐ˆ๐Œ๐Ž๐’ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐˜๐€๐‘๐ˆ๐‡๐€๐!

Naging bahagi ang Tapang Paraรฑaque sa Hiraya's three-day Health Organising Strategies Workshop โ€” isang inisyatiba sa ilalim ng Regional Initiative to Scale-Up Efforts to Eliminate To***co in the Asia Pacific Region (RISE v To***co) katuwang ang ImagineLaw, na ginanap noong ika-28 โ€“ 30 ng Agosto, 2026 sa Maryhill Retreat Center, Antipolo, Rizal.

Kasama ang iba't ibang sektor at organisasyon mula sa iba't ibang bahagi ng bansa, sama-sama nating pinatalas ang ating kakayahan sa pag-unawa at pagtukoy sa mga usaping pangkalusugan ng masa, pagbuo ng mga angkop at epektibong tugon laban sa mga pangkalusugang suliranin, pati na rin sa pagpapalalim ng ating ugnayan sa batayang sektor at pagpapatatag ng gawaing-komunidad.

Rito, ating mas natuklasan na hindi kailanman hiwalay ang ating kalusugan sa ating sosyo-politikal at sosyo-ekonomikong pamumuhay. Ang sakit ng mamamayan ay laging may ugat sa kapabayaan ng sistema, kawalan ng maayos na mga pasilidad, at pagkakait sa atin ng sapat at abot-kamay na serbisyo. Ang pagtatanggol sa kalusugan ng komunidad ay pagtatanggol din sa ating batayang karapatang pantao.

Patuloy tayong kikilos upang punan ang malalaking puwang na iniiwan ng pamahalaan. Iuugnay natin ang bawat usapin sa kalusugan sa mas malawak na paniningil sa mga institusyon at estruktura ng lipunan, dahil hangga't may naghihirap na mamamayan sa gitna ng kapabayaan, mananatiling matapang na nakatayo ang kabataan at masang Paraรฑaqueรฑo! โœŠ๐Ÿผ โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Address

Paraรฑaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tapang Paraรฑaque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share