11/10/2026
NATIONAL SHELTER MONTH 2026
Tahanan, Pamayanan, Kinabukasan
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Shelter Month 2026 na may temang “Tahanan, Pamayanan, Kinabukasan,” at sa pangunguna ng ating Ina ng Lungsod ng Pasay Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano, matagumpay na isinagawa ng Urban Development and Housing Office (UDHO), katuwang ang Kandili ng Kalusugan ng Office of the City Mayor, City Health office at City Veterinary Office, ang Medical Mission and Anti-Rabies Vaccination and Deworming for Pets para sa ating mga pasayeño na naninirahan sa Pasay Housing site sa Tanay Rizal.
Layunin ng aktibidad na ito na maihatid ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa ating mga residente, gayundin ang itaguyod ang responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop sa pamamagitan ng pagbibigay ng anti-rabies vaccination at deworming services.
Ang programang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay na pangalagaan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat pamilya, habang isinusulong ang isang malusog, ligtas, at nagkakaisang pamayanan.
Sama-sama nating isulong ang isang kinabukasang may ligtas na tahanan, maunlad na pamayanan, at mas malusog na buhay para sa lahat! 🫶🏻