11/11/2026
𝘿𝙖𝙧𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙬 𝙨𝙞 𝙏𝙧𝙪𝙢𝙥? 𝙋𝙖𝙨𝙖𝙥𝙖𝙭 𝙣𝙜𝙖, 𝙄𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 😅
Inilulunsad ng Pasayeños for Justice and Accountability (PAJA) ang 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐏𝐀𝐗 (𝐏𝐚𝐬𝐚𝐲𝐞ñ𝐨𝐬 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧𝐬𝐭 𝐏𝐚𝐱 𝐒𝐢𝐥𝐢𝐜𝐚), isang panawagan ng sama-samang pagtutol sa nalalapit na paglagda at pagsasapinal ng kasunduan sa Pax Silica sa gitna ng ASEAN Summit sa Nobyembre 16–18. Kasabay ng pagdating ni US President Donald Trump sa Pasay, igigiit ng mga Pasayeño na hindi pwedeng isuko ang kinabukasan ng bayan sa interes ng dayuhan.
Ang Pax Silica ay isang nakapamiminsala na proyekto hindi lamang sa ating kalikasan pati na rin sa ating mga magsasaka at katutubong Aeta. Ito ay rin ay isang malinaw na pahiwatig ng kataksilan sa mga Pilipino, na ang gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Bongbong Marcos Jr. ay naninilbihan sa mga dayuhan. Ang mamamayan ng lungsod Pasay ay tumitindig at patuloy na titindig hangga't ang mga Pilipino ay patuloy na pinagsasamantalahan.
𝗔𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗽𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝘅 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮! ✊🏼 Pasayeños, ating isulong ang hustisya at pananagutan! Makiisa sa darating na pagkilos sa darating na Nobyembre 16 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City!
Maaring i-scan ang QR sa ibaba o pindutin ang link sa comment section upang maging bahagi ng ating coordinating GC.