08/05/2026
𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐔𝐍𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃 𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍
Para sa mga senior citizen na benepisyaryo ng pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nananatiling 𝘂𝗻𝗰𝗹𝗮𝗶𝗺𝗲𝗱 ang 2026 1st at 2nd Quarter pension mula sa payout na isinagawa noong April 27, 2026 hanggang May 7, 2026, ito na ang inyong 𝗵𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗼𝗻 upang makuha ang inyong pension.
Ang pag-claim ng Social Pension ay gaganapin sa 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟬𝟳:𝟯𝟬𝗔𝗠 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟬𝟱:𝟬𝟬𝗣𝗠. Magtungo lamang sa Pagador, na matatagpuan sa 1/F ng Temporary Pasig City Hall.
𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗸𝗮𝗱𝗮 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗨𝗡𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗗 𝗽𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝟭𝘀𝘁 𝗮𝘁 𝟮𝗻𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟲:
BAGONG ILOG - https://tinyurl.com/BAGONG-ILOG-UNCLAIMEDSOCPEN
BAGONG KATIPUNAN - https://tinyurl.com/BAGKAT-UNCLAIMEDSOCPEN
BAMBANG - https://tinyurl.com/BAMBANG-UNCLAIMEDSOCPEN
BUTING - https://tinyurl.com/BUTING-UNCLAIMEDSOCPEN
CANIOGAN - https://tinyurl.com/CANIOGAN-UNCLAIMEDSOCPEN
DELA PAZ - https://tinyurl.com/DELA-PAZ-UNCLAIMEDSOCPEN
KALAWAAN - https://tinyurl.com/KALAWAAN-UNCLAIMEDSOCPEN
KAPASIGAN - https://tinyurl.com/KAPASIGAN-UNCLAIMEDSOCPEN
KAPITOLYO - https://tinyurl.com/KAPITOLYO-UNCLAIMEDSOCPEN
MALINAO - https://tinyurl.com/MALINAO-UNCLAIMEDSOCPEN
MANGGAHAN - https://tinyurl.com/MANGGAHAN-UNCLAIMEDSOCPEN
MAYBUNGA - https://tinyurl.com/MAYBUNGA-UNCLAIMEDSOCPEN
ORANBO - https://tinyurl.com/ORANBO-UNCLAIMEDSOCPEN
PALATIW - https://tinyurl.com/PALATIW-UNCLAIMEDSOCPEN
PINAGBUHATAN - https://tinyurl.com/PINAGBUHATAN-UNCLAIMEDSOCPENN
PINEDA - https://tinyurl.com/PINEDA-UNCLAIMEDSOCPEN
ROSARIO - https://tinyurl.com/ROSARIO-UNCLAIMEDSOCPEN
SAGAD - https://tinyurl.com/SAGAD-UNCLAIMEDSOCPEN
SAN ANTONIO - https://tinyurl.com/SAN-ANTONIO-UNCLAIMEDSOCPEN
SAN JOAQUIN - https://tinyurl.com/SAN-JOAQUIN-UNCLAIMEDSOCPEN
SAN JOSE - https://tinyurl.com/SAN-JOSE-UNCLAIMEDSOCPEN
SAN NICOLAS - https://tinyurl.com/SAN-NICOLAS-UNCLAIMEDSOCPEN
SAN MIGUEL - https://tinyurl.com/SAN-MIGUEL-UNCLAIMEDSOCPEN
SANTOLAN - https://tinyurl.com/SANTOLAN-UNCLAIMEDSOCPEN
STA. CRUZ - https://tinyurl.com/STA-CRUZ-UNCLAIMEDSOCPEN
STA. LUCIA - https://tinyurl.com/STA-LUCIA-UNCLAIMEDSOCPEN
STA. ROSA - https://tinyurl.com/STA-ROSA-UNCLAIMEDSOCPEN
STO. TOMAS - https://tinyurl.com/STO-TOMAS-UNCLAIMEDSOCPEN
SUMILANG - https://tinyurl.com/SUMILANG-UNCLAIMEDSOCPEN
UGONG - https://tinyurl.com/UGONG-UNCLAIMEDSOCPEN
–
Pinapaalalahanan po ang lahat ng nasa listahan na tiyaking makapag-claim ng Social Pension sa itinakdang schedule. Maaari ring mag-claim ang inyong authorized representative kung kayo ay hindi makakadalo.
Ito na po ang inyong huling pagkakataon upang makuha ang inyong pension.
Maraming salamat po.
07/05/2026
Magandang gabi po mga Ka Lungsod Pasig lalong lalo na sa ating mga Senior Citizens!
Matiwasay pong natapos ngayong araw ang pamimigay ng Social Pension sa ating mga kwalipikadong Senior Citizens.
Sa loob ng 8 araw na nagsimula noong Ika 27 ng Abril, matagumpay pong naipamahagi ang social pension sa humigit kumulang 11,000 pensioners.
Hindi po magigiging maayos ang pamamahagi kung hindi nagkaroon ng magandang collaboration mula sa DSWD, mga departamento ng Lokal na Pamahalaan, sa mga butihing baranggay captains, sa mga Senior Citizen Representatives, at ang mga iba't ibang koponan ng mga Seniors Citizens.
Lubos po ang pasasalamat namin sa inyong lahat.
Gusto din po naming kunin ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang mga sumusunod na nag donate ng tubig para sa ating mga Senior citizen beneficiaries. Napakalaking tulong po sa pagpawi ng kanilang uhaw sa napaka init na panahon.
Bottled Water Donations:
Brgy. Buting – 700 bottles
Brgy. Caniogan – 192 bottles
Brgy. Dela Paz – 450 bottles
Brgy. Manggahan – 500 bottles
Brgy. Maybunga – 700 bottles
Brgy. Oranbo – 100 bottles
Brgy. Palatiw – 500 bottles
Brgy. Pinagbuhatan – 700 bottles
Brgy. Rosario – 936 bottles
Rosario Senior Association – 240 bottles
Brgt. San Miguel – 120 bottles
Brgy. Santolan – 700 bottles
Brgy. Sta. Cruz – 500 bottles
Brgy. Sumilang – 480 bottles
Brgy. Ugong – 720 bottles
Brgy. Sta Lucia -456 bottles
Brgy. Kalawaan - 700bottles
Brgy. San Nicolas- 120 bottles
Brgy. San Jose - 448 bottles
Brgy. Bambang- 168 bottles
Brgy. Kapasigan- 750 bottles
Brgy. Sagad- 400 bottles
Brgy. Sto Tomas- 480 bottles
Total Bottled Water Received: 11,060 bottles
Naniniwala kami sa OSCA na sa patuloy na pagtutulungan ng lahat, patuloy na mapapalawig ang mga proyektong makabuluhan para sa ating mga Senior Citizens.
Muli po ang aming taos pusong pasasalamat!
-- Mga Kawani ng Office of Senior Citizen Affairs
04/05/2026
𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐔𝐍𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃 𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍
Para sa mga senior citizen na benepisyaryo ng pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na UNCLAIMED pa ang 2026 1st at 2nd Quarter Pension mula sa mga naka-schedule ang payout simula noong April 27 - May 4, 2026, maaari pang makapagclaim:
May 5-7, 2026 | Tuesday - Thursday | 09:00AM - 03:00PM
Pagador, 1/F Temporary Pasig City Hall
Samantala, WALANG pagbabago sa original na schedule at venue ng payout para sa May 5-7, 2026. I-check ang naunang post kaugnay ng payout ng Social Pension mula sa DSWD sa link na ito:
https://bit.ly/DSWDSeniorPension_1st2ndQuarter2026_PC
17/04/2026
𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 𝐀𝐅𝐅𝐀𝐈𝐑𝐒 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐏𝐚𝐧𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐨𝐤𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐛𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 (𝐎𝐒𝐂𝐀) 𝐬𝐚 𝟏/𝐅 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐞𝐧̃𝐨 𝐬𝐚 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬, 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Ito ay para magbigay-daan sa patuloy na paglilipat ng tanggapan papunta sa kabilang bahagi ng Tanghalang Pasigueño, na hindi natapos noong Huwebes.
Para sa concerns at submissions, maaari ring magtungo sa Senior Help Desk Officer sa inyong mga barangay.
Babalik sa normal na operations ang OSCA sa 1/F ng Tanghalang Pasigueño sa Martes, April 21, 2026.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Pasig City OSCA
15/04/2026
𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 𝐀𝐅𝐅𝐀𝐈𝐑𝐒 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐏𝐚𝐧𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐨𝐤𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐛𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 (𝐎𝐒𝐂𝐀) 𝐬𝐚 𝟏/𝐅 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐞ñ𝐨 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Ito ay para magbigay-daan sa paglilipat ng tanggapan papunta sa kabilang bahagi ng Tanghalang Pasigueño.
Para sa concerns at submissions, maaari ring magtungo sa Senior Help Desk Officer sa inyong mga barangay.
Babalik sa normal na operations ang OSCA sa 1/F ng Tanghalang Pasigueño sa Lunes, April 20, 2026.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Pasig City OSCA
07/04/2026
PAGLILINAW SA PUBLIKO📣
Nais linawin ng DSWD ang mga katanungan tungkol sa mga kinakailangang identification card (ID) para sa pagtanggap ng Social Pension for Indigent Senior Citizens.
Patuloy na kinikilala at hinihikayat ng Kagawaran ang paggamit ng PhilSys-issued National ID bilang Primary ID. Para naman sa mga benepisyaryong wala pang National ID, mananatiling valid at tatanggapin pa rin ang iba pang government-issued IDs bilang Secondary ID.
Samantala, ang mga DSWD Field Offices ay aktibong nakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA) para matulungan at gabayan ang lahat ng ating mga benepisyaryo na hindi pa rehistrado sa PhilSys. Layunin nito na matiyak na ang bawat Social Pensioner ay magkaroon ng kanilang sariling National ID para sa mas mabilis na serbisyo.
Tingnan ang listahan ng mga tinatanggap na ID sa ibaba.
❤️