Local Youth Development Office Pasig City

Contact the organization

Local Youth Development Office Pasig City The Local Youth Development Office - Pasig City is established under the City Ordinance No.14, Series of 2018.

For issues and concerns, please reach out to Ugnayan sa Pasig's Official page or through this link: facebook.com/OfficialUgnayanSaPasig.

𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗣𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬 Inaanyayahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Santa Lucia ang lahat ng miyembro ...
19/09/2026

𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗣𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬

Inaanyayahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Santa Lucia ang lahat ng miyembro ng Katipunan ng Kabataan (KK), mga kabataang edad 15–30, na makiisa at dumalo sa ating 1st Katipunan ng Kabataan Assembly ngayong taon.

📅 September 20, 2026 (Linggo)
⏰ 2:00 PM
📍 2nd Floor Sta Lucia Barangay Hall

Isang mahalagang pagkakataon ito upang mapakinggan ang boses ng kabataan, maibahagi ang inyong mga saloobin at suhestiyon, at maging aktibong bahagi sa mga programa at gawain para sa ating komunidad.

Magkakaroon din ng 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗧𝗶𝗸𝗮𝘀 𝗟𝘂𝗰𝗶𝗮𝗻𝘀 𝟮.𝟭 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝗙𝗼𝗿𝗺𝘀 para sa mga kabataang nais makilahok sa ating nalalapit ng sports league.

Sama-sama nating palakasin ang boses ng kabataan ng Santa Lucia!

Makilahok. Magsalita. Makibahagi.

Kita-kits, kabataang lucians! 💙

IN PHOTOS | The Pasig City Youth Development Office (PCYDO) hosted a benchmarking activity for the delegation of Sanggun...
19/09/2026

IN PHOTOS | The Pasig City Youth Development Office (PCYDO) hosted a benchmarking activity for the delegation of Sangguniang Kabataan (SK) Kablon from the Municipality of Tupi, South Cotabato, on Thursday, September 17.

The visit served as a collaborative platform of knowledge-sharing, program evaluation, and the exchange of best practices in local youth governance. During their stay, the delegation also briefly dropped by the Pasig City SK Federation’s September Monthly Session at the Sangguniang Panlungsod (SP) Session Hall.

The PCYDO extends its sincere appreciation to SK Kablon for having Pasig City on their learning visit. These benchmarking engagements provide a valuable opportunity to assess existing youth initiatives and drive continuous operational improvement. We remain committed to fostering inter-LGU collaboration and advancing responsive youth development programs.

Maraming salamat, SK Kablon!

𝟯𝗥𝗗 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗣𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬Ang Sangguniang Kabataan ng Ugong ay inaanyayahan ang Katipunan ng Kabataan ng Baranga...
17/09/2026

𝟯𝗥𝗗 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗣𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬

Ang Sangguniang Kabataan ng Ugong ay inaanyayahan ang Katipunan ng Kabataan ng Barangay Ugong, mga Kabataan edad 15-30, na dumalo sa ating 𝟯𝗿𝗱 𝗞𝗮𝘁𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 ngayong taon. Ito ay gaganapin sa darating na 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲, (𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼), 𝟭𝟬:𝟬𝟬 𝗔𝗠.

Hindi lang ito simpleng talakayan—ito ay pagkakataon para marinig ang boses ng kabataan at maging bahagi ng mas aktibong komunidad 💬🙌

At hindi lang ‘yan! may 𝗽𝗮-𝗿𝗮𝗳𝗳𝗹𝗲 din para sa lahat ng aktibong Kabataan ng Ugong! 🎁 𝗕𝗮𝘀𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗳𝘂𝗹𝗹 𝗺𝗲𝗰𝗵𝗮𝗻𝗶𝗰𝘀 𝘀𝗮 𝗹𝗶𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮. Kaya tara na, makiisa, makisaya, at makibahagi sa ating komunidad. Kita-kits! 🙌


HIGHLIGHTS | Bilang isa sa mga pangunahing tampok sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, pormal na nagtapos ang imer...
16/09/2026

HIGHLIGHTS | Bilang isa sa mga pangunahing tampok sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, pormal na nagtapos ang imersyon ng ating 47 Pasig Junior City Officials (JCO) noong hapon ng Setyembre 14. Matatandaang inilunsad ang programa noong Agosto 17, at opisyal silang na-deploy noong Setyembre 7–10 at Setyembre 14 sa iba't ibang opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

Layunin ng programa na ito na ibaba sa kabataan ang mas malalim na pag-unawa sa pampublikong pamamahala sa pamamagitan ng hands-on experience, pagdalo sa mga opisyal na pulong, at pagbuo ng mga mungkahi para sa pagpapabuti ng serbisyo publiko sa lungsod.

Tampok sa ginanap na Closing Activity noong Setyembre 14 ang paggawad ng Certificates of Completion para sa ating 47 JCOs, pati na rin ang Certificates of Appreciation para sa mga LGU office counterpart na nagsilbing mentors at katuwang sa paghubog ng mga susunod na lider ng lungsod.

Ang programang ito ay hindi lamang nagbigay ng pagkakataong matuto, kun'di nagpatunay din na ang kabataang Pasigueño ay handang maging katuwang sa tapat at maayos na pamamahala. Sa pamamagitan ng karanasang ito, mas napatibay ang ugnayan ng ating lokal na pamahalaan at ng sektor ng kabataan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

Lubos ang pasasalamat ng Pasig City Youth Development Office (PCYDO) sa ating 47 Junior City Officials sa inyong ipinakitang husay, sigla, at dedikasyong matuto. Gayundin, malaking pasasalamat sa lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan na nakiisa, nag-abot ng mainit na pagtanggap, at patuloy na gumagabay sa ating mga programang pangkabataan.



–

Kuha ang mga larawan ng Pasig JCO Program 2026 Closing Activity mula sa Pasig City Public Information Office.

IN CASE YOU MISSED IT | Matagumpay na isinagawa ang tatlong (3) araw na Pasig City Youth Summit 2026 noong Agosto 29, Se...
16/09/2026

IN CASE YOU MISSED IT | Matagumpay na isinagawa ang tatlong (3) araw na Pasig City Youth Summit 2026 noong Agosto 29, Setyembre 1, at Setyembre 6! Nagsama-sama ang mga lider-kabataan at ang pamahalaang lungsod upang isulong ang bisyong "Umaagos ang Pag-asa" at ilatag ang opisyal na pundasyon para sa Pasig City Youth Development Plan (PCYDP) 2027–2029.

Sa loob ng tatlong araw, naging masigasig ang sektor ng ating mga kabataan: mula sa pagkilala sa iba't ibang mga kinatawan at pagsusuri ng datos sa KonekTAYO, hanggang sa mga plenary session ukol sa ethical leadership at policy advocacy kasama ang National Youth Commission - National Capital Region Area Office (NYC-NCR), Development Academy of the Philippines (DAP), at Galing Pook Foundation. Tampok din ang pagbuo at pag-pitch ng mga konkretong solusyon at programa (PPAs) ng iba't ibang Centers of Youth Participation (COPs) sa mismong panel ng mga kinatawan ng Pasig LGU.

Nagtapos ang summit sa isang makabuluhang World Cafe at Commitment Ceremony kung saan pormal na pinagtibay ang ugnayan ng kabataan at LGU para sa patuloy na pagpapatupad at pagsubaybay sa mga ipinresenta at maipapasang adhikain.

Maraming salamat muli sa lahat ng nakiisa—patuloy tayong maglingkod at kumilos para sa mas matatag na bukas ng kabataang Pasigueño!

📢 𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐡 📢Your Voice, Our Community: Tune In and Take Part in Our KK Assembly!!!Mag...
16/09/2026

📢 𝐊𝐚𝐭𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐡 📢

Your Voice, Our Community: Tune In and Take Part in Our KK Assembly!!!

Maging bahagi ng talakayan, magbahagi ng inyong saloobin at mga mungkahi, at manatiling updated sa mga programa at proyekto ng SK Palatiw.

Kaya naman, inaanyayahan namin kayong makiisa sa ating 𝗜𝗸𝗮-𝟳 𝗞𝗮𝘁𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 (𝗞𝗞) 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 at maging bahagi ng mga usaping mahalaga para sa ating kabataan. 🫶🏻

🗓️ 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗦𝗮𝘁𝘂𝗿𝗱𝗮𝘆
📍𝗣𝗮𝗹𝗮𝘁𝗶𝘄 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁
⏱️ 𝟭:𝟯𝟬𝗣𝗠 𝗼𝗻𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀

🔗 Mag pre-register dito:⬇️⬇️⬇️
https://forms.gle/pp8E88Kjb4hc5rVF7
https://forms.gle/pp8E88Kjb4hc5rVF7
https://forms.gle/pp8E88Kjb4hc5rVF7

    | 𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐉𝐮𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐭𝐨 𝐃𝐨𝐞𝐫: 𝐀 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐨𝐟 𝐚 𝐉𝐮𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 (𝐉𝐂𝐎)!Ano nga ba ang pakiramdam na makita ang se...
16/09/2026

| 𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐉𝐮𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐭𝐨 𝐃𝐨𝐞𝐫: 𝐀 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐨𝐟 𝐚 𝐉𝐮𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 (𝐉𝐂𝐎)!

Ano nga ba ang pakiramdam na makita ang serbisyo publiko hindi lamang mula sa malayo, kundi maranasan ito mismo?

Sa loob ng isang linggo, nagkaroon ng pagkakataon si G. Byron Domingo, assigned Junior City Official (JCO) ng Pasig City Cooperative Development Office (CDO), na masaksihan at maging bahagi ng pang-araw-araw na gawain ng isang tanggapan ng pamahalaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2026 sa pangunguna ng Local Youth Development Office Pasig City (LYDO).

Mula ika-7 hanggang ika-14 ng Setyembre 2026, ginampanan ni G. Domingo ang papel ni G. John Troy Sunga, Officer-in-Charge ng CDO, sa pamamagitan ng shadowing at aktibong pakikilahok sa ilang programa ng tanggapan, kabilang ang monitoring activities, livelihood initiatives, at mga pagsasanay para sa mga kooperatiba.

Sa kanyang isang linggong karanasan, mas nakita niya na ang serbisyo publiko ay hindi lamang tungkol sa mga programa at proseso, kundi tungkol sa pakikinig, pakikipag-ugnayan, at pagkakaroon ng malasakit sa mga taong pinaglilingkuran.

Nagpapasalamat ang CDO sa LYDO sa pagbibigay ng makabuluhang pagkakataon upang mailapit ang kabataan sa pamahalaan at mahubog ang kanilang kakayahang maging aktibong katuwang sa pag-unlad ng lungsod.

Mula sa pagiging Junior, naging Doer si G. Domingo — bitbit ang bagong kaalaman at karanasang magsisilbing inspirasyon sa patuloy niyang paglalakbay bilang kabataang may malasakit at layuning makapag-ambag sa lipunan.

Mabuhay ang kabataan!

14/09/2026

| 𝐅𝐥𝐚𝐠 𝐑𝐚𝐢𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐥𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 | 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔

On behalf of Mayor Vico Sotto, Junior Mayor Mitch Jewel Aranas addressed the following points during this week’s flag-raising ceremony:

00:01-00:34: Junior Mayor Mitch greeted everyone and acknowledged the presence of City officials, government personnel, and her fellow junior city officials.

00:35-01:30: Pasig Junior City Officials 2026
- Junior Mayor Mitch expressed her gratitude to the Local Youth Development Office for providing a valuable opportunity for the youth through the Junior City Officials Program.
- She highlighted that 47 youth members participated in shadowing their counterparts, including elected officials (councilors, congressman) and department/office heads, to observe government processes and learn about honest and principled governance.
- She shared that during their deployment period from September 7 to 10, they gained immense learning and experience, noting that today marks the final day of their program.
- She expressed hope that they would continue to learn, ask questions, and actively participate throughout the remainder of their deployment.

01:31-02:27: Call for Youth Engagement and Good Governance
- Junior Mayor Mitch hoped that the Junior City Officials program would inspire fellow youth to participate in local government unit programs, emphasizing the importance of staying civically aware, involved, and knowledgeable.
- She stated that the youth are the key to continuing and upholding honest and true governance in the city.
- She encouraged her fellow Junior City Officials to apply what they learned responsibly and remember the Mayor's advice: to study both what is right and what is wrong so they know how to lead correctly when their time comes.
- She reminded everyone that in public service, people should never be kept waiting.

02:28-02:45: On behalf of Mayor Vico, Junior Mayor Mitch concluded her speech by cheering for the youth and Pasigueños and greeting everyone a good morning.

To watch the full video of the flag-raising ceremony, click this link: https://bit.ly/2026_FlagCeremonySep14

   September 9, 2026 | Committee Hearing on Appropriations - DRRM Funds Sa pangunguna ni Konsehal Maro Martires, Chairpe...
10/09/2026



September 9, 2026 | Committee Hearing on Appropriations - DRRM Funds

Sa pangunguna ni Konsehal Maro Martires, Chairperson ng Committee on Appropriations, Tinalakay ang unexpended DRRM funds na ₱737,496,436.88 noong 2021-2025 o mga pondo na hindi nagamit sa mga nakaraang taon. Layunin natin sa panukalang resolusyon na ilaan o muling isama ang natirang pondo para sa 2026 DRRM investment plan at Supplemental investment plan para pondohan ang mga programa at proyekto ng Pasig City para sa disaster preparedness, prevention, response, at iba pang pangangailangan sa panahon ng sakuna.

Ang panukalang ito ay batay rin sa naging Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council meeting noong September 2, 2026, kasama sina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Chief Bryant Wong, City Administrator Jeron Manzanero, at mga miyembro ng DRRM council.

Bahagi ito ng pagsusuri upang matiyak na ang pondo ay maayos, wasto, at kapaki-pakinabang para sa kaligtasan ng mga Pasigueño.



    Ngayong umaga, sa ating kapasidad bilang Committee Chairperson ng Committee on Appropriations, Ways and Means ay pin...
08/09/2026



Ngayong umaga, sa ating kapasidad bilang Committee Chairperson ng Committee on Appropriations, Ways and Means ay pinangunahan natin ang pagpapulong patungkol sa CY 2026 Supplemental Budget No. 01 ng Barangay Dela Paz na may kabuuang halaga na Php 3,094,950.08.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang ating Junior City Official counterpart na si Ms. Jilliane Rangel na mag-preside sa bahagi ng ating committee hearing bilang bahagi ng kaniyang aktibong pakikilahok, pagkatuto sa proseso ng lokal na pamamahala at malinang ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, deliberaston at pagsasagawa ng mga tungkuling kaakibat ng pagiging isang lingkod bayan.

Dumalo din sa naging pagdinig sina Konsehal Angelu De Leon, Konsehal Pao Santiago, Konsehal Paul Senogat at ang kanilang mga Junior City Officials counterpart.

Ang nasabing Supplemental Budget No. 01 ng Barangay Dela Paz ay atin na pong irerekomenda na i-adopt at i-approve sa susunod na Regular Session ng Sangguniang Panlungsod.

Para sa naging live coverage: https://www.facebook.com/share/v/19HQRGeFFY/


Address

8/F, Pasig City Hall, Caruncho Avenue , Brgy. San Nicolas
Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Youth Development Office Pasig City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Local Youth Development Office Pasig City:

Shortcuts

Share