CY 2026 ANNUAL BUDGET OF BARANGAY SAGAD – PHP 20,721,763.12
Ang Committee on Appropriations, Ways and Means, Committee on Barangay Affairs at Sangguniang Pambarangay ng Sagad ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isasagawang Committee Hearing patungkol sa kanilang Annual Budget para sa taong 2026.
Konsi Maro Martires - #KMM
Replicable, Sustainable, Adequate
Magandang Umaga po ☺️
23/05/2026
Ngayong hapon ay nagkaroon tayo ng pagkakataon upang ibahagi ang ating kaalaman patungkol sa Barangay Budget Process sa Barangay Development Plan Orientation/Crafting sa Barangay Maybunga.
Sa ating talakayan, binigyang-diin natin ang kabuuang proseso, mga legal na limitasyon, at ang kahalagahan ng aktibo, responsable, at maalam na partisipasyon ng bawat sektor ng komunidad sa pagpaplano at paglalaan ng pondo ng barangay.
Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng transparency, accountability, at wastong pag-prayoridad ng mga proyekto, matitiyak natin na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama, epektibo, at may direktang pakinabang sa kapakanan ng bawat ka-barangay.
Maraming salamat sa Pamahalaang Barangay ng Maybunga sa mainit na pagtanggap, at sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa ating makabuluhang talakayan. Nawa’y magsilbi itong matibay na hakbang tungo sa mas maayos, mas inklusibo, at mas responsableng pamamahala sa ating lungsod!
Sinimulan natin ang ating araw sa pagdalo sa Mainstreaming Workshop for Statutory Mandatory Obligations (SMO) Programs, Projects and Activities (PPAs) para sa Annual Investment Program 2027 na ginanap sa Maybunga Rainforest Park. Dinaluhan ito ng Local Finance Committee, mga officer-in-charge, at department heads ng iba’t ibang tanggapan ng ating lokal na pamahalaan upang talakayin at mas mapalakas pa ang maayos na pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa susunod na taon.
Ngayong araw din ay nagkaroon tayo ng pagpupulong kasama ang mga SK Council kung saan atin silang binigyang paalala at gabay hinggil sa tamang proseso at tamang oras ng pagsusumite ng kanilang annual budget upang masiguro ang maayos at organisadong pagpapatupad ng kanilang mga programa para sa kabataan.
Nagkaroon din tayo ng pag-uusap kasama ang mga HOA members mula sa Soldiers Village, Barangay Santa Lucia, kung saan atin nating pinakinggan ang kanilang mga hinaing, suhestiyon, at mga concerns ng kanilang komunidad. Patuloy po nating isinusulong ang bukas na komunikasyon at pakikipag-ugnayan upang makahanap ng agarang solusyon at mas mapabuti pa ang kapakanan ng bawat mamamayan.
CY 2026 ANNUAL BUDGET OF BARANGAY SAN NICOLAS – PHP 16,460,012.25
Ang Committee on Appropriations, Ways and Means, Committee on Barangay Affairs at Sangguniang Pambarangay ng San Nicolas ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isasagawang Committee Hearing patungkol sa kanilang Annual Budget para sa taong 2026.
18/05/2026
Monday Flag Raising Ceremony
Ngayong araw, sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Environmental and Infrastructure Sector (DRRMO), muling ipinamalas ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at paglilingkod ng ating Pamahalaang Lungsod.
Sa naturang programa, kinilala at pinarangalan din ang natatanging tagumpay ng Pasig Baseball Team Mustang 10-Under Division matapos nilang magwagi sa katatapos na Babe Ruth League Philippines. Ang kanilang ipinakitang husay, determinasyon, at sportsmanship ay patunay ng patuloy na pag-usbong ng kabataang atleta ng Pasig sa larangan ng palakasan.
Regular Session
12th Sangguniang Panlungsod ng Pasig
May 18, 2026
Vice Mayor Robert Vincent Jude B. Jaworski Jr.
Presiding Officer
Magandang Umaga Pasigueño 😃 Welcome back po Mayor Vico Sotto 😁
17/05/2026
Kahapon ay nagkaroon tayo ng pagkakataon upang ibahagi ang ating kaalaman patungkol sa Barangay Budget Process sa naganap na unang araw ng Barangay Development Plan Orientation/Crafting sa Barangay Dela Paz.
Dito ay binigyang-diin natin ang proseso, mga limitasyon, at kahalagahan ng aktibo, responsable, at maalam na partisipasyon ng bawat sektor ng komunidad sa pagpaplano at paglalaan ng pondo ng barangay. Tinalakay rin natin ang kahalagahan ng transparency, accountability, at wastong pag-prayoridad ng mga proyekto upang matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama, epektibo, at may direktang pakinabang sa ating mga ka-barangay.
Maraming salamat sa Barangay Dela Paz sa mainit na pagtanggap at sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa makabuluhang talakayan. Nawa’y magsilbi itong hakbang tungo sa mas maayos, mas inklusibo, at mas responsableng pamamahala sa ating mga barangay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
