27/10/2025
TINGNAN | Patuloy na isinasakatuparan ng Kabataang Tambuli ng Pasig (KTP) ang adbokasiya nito para sa Transparency, Accountability, at Good Governance. Mula sa inisyal na letter of inquiry noong May 19, 2025, pormal nang naghain ang organisasyon ng Verified Complaint ngayong araw, October 27, 2025, kaugnay ng usapin ng umano’y nawawalang P4 Milyong pondo ng Sangguniang Kabataan (SK) Pinagbuhatan anim na buwan na ang nakalilipas.
Ang hakbang na ito ay hindi pag-atake sa sinumang indibidwal, kung hindi isang seryosong pagkilos upang protektahan ang integridad ng sistema at panagutin ang may kakulangan sa pangangalaga ng pondo ng bayan. Ang bawat sentimo ng pera ng SK ay nakalaan sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng mga kabataan, kung kaya at mahalagang matiyak na ito ay nagagamit nang tama.
Higit pa rito, ang aksyon na ito ay salamin ng aming paniniwala na palakasin ang boses ng mamamayan at itaguyod ang isang kulturang mapagtanong at mapanuri sa serbisyo publiko. Ang KTP ay naniniwalang ang pagiging maalam at aktibo ng bawat isa ay susi upang mapigilan ang korapsyon at mapalalim ang pananagutan sa ating mga lingkod-bayan.
Sa pamamagitan ng legal at angkop na proseso, layunin ng KTP na makatulong sa paglilinaw ng isyu at matiyak na mananaig ang katotohanan at hustisya, at maibalik ang tiwala ng publiko. Nanawagan din kami sa buong komunidad na patuloy na makialam at suportahan ang labang ito para sa mas maayos at tapat na pamamahala.

30/07/2025
26/06/2025
24/05/2025
12/05/2025
21/04/2025