12/04/2026
Pagsusulong ng Kooperatiba para sa mga TODA. Nakakatuwa at nakaka-proud na ang proyektong ito ay ipinanganak sa Pasig City CSO Academy bilang isa sa mga prototypes ng mga estudyante ng PCCA. Sa ngayon ay isa na itong programa na isinusulong ng Cooperative Development Office (CDO) ng ating lungsod.
Nagpapasalamat tayo sa CDO para sa kanilang suporta, lalo na sa mga PCCAians na matiyagang isinulong ito. Sa panahon ng krisis, importante na makakita tayo ng mga alternatibong pagkakakitaan para sa pormal at inpormal na sektor.
09/04/2026
Participatory Barangay Development Planning- Facilitators’ Training and Workshop. Bilang paghahanda sa muling pag gulong ng Participatory Barangay Development Planning (PBDP), ay nagkaroon ng training at workshop sa mga CSO leaders mula sa iba’t ibang sektor. Binigyan natin ng diin sa ating maikling pagbabahagi ang kahalagahan nito sa pagpapatuloy at pagpapatibay ng mabuting pamahalaan sa pamamagitan ng makabuluhan at aktibong pakikilahok.
09/04/2026
Taga Pasig ka kung alam mo ito: BSP House 🏠⚜️ Dinaanan natin kahapon ang BSP House, ito ay masasabi nating isa sa makasaysayang istraktura ng ating bayan. Naging tahanan ito ng Boy Scouts simula noong late 40’s. Ang nasabing propert ay donasyon ni Fortunato Concepcion na minsan din pala naging bahagi ng Boy Scouts of the Philippines National Executive Board.
Excited tayo sa napipintong pagbuhay muli sa pook na ito. Hindi lamang para sa mga batang iskawts, kundi pati na rin sa buong komunidad ng Pasig.
08/04/2026
Paglingon ko sa likod, nakita ko si Mina… watching silently sa session. Paglingon ko ulit wala na siya… naisip ko baka nasa office na. When I went out para mag CR, aba ayun ka chikahan na pala ang mga nakapila for assistance.
Sa tuwing may lalapit sa opesina, totoo naman na hindi namin kaya ang lahat. Kung makatulong man kami ay sa abot lang ng aming kapasidad. Pero isa ang laging sinisiguro namin sa OCPAS… laging paalala din ito ni Mina sa mga kasama, wag nating hayaan na mawalan ng dignidad ang mga lumalapit… may makuha man sila o wala. I appreciate this picture. 💙
06/04/2026
Para sa Sektor ng Tatlong Gulong 🛞🛞🛞Kanina ay bumisita tayo sa mga kapatid natin mula sa Tricycle and Operator Sector. Isa sila sa tinamaan ng kasalukuyang krisis. Naghatid tayo ng ilang bagay na makakatulong sa kanilang recreational activities at para may magamit din sila kung kakailanganin tulad ng ilang medical equipment.
Dalangin ko po ang inyong kaligtasan at kaginhawaan.
06/04/2026
🏴⚜️Kanina ay pormal na iginawad ang pagtatalaga kay Scout Leader/Mayor Vico Sotto bilang Camp Chief ng nalalapit na 2nd Regional Rover Moot. Habang tayo naman ay natalaga bilang Deputy Camp Chief. Ang Rover Moot ay isang pagtitipon ng mga Rover Scouts na naglalayong magbigay ng malawakang Community Service sa napiling community. Gaganapin ito sa Lungsod ng Pasig. 🫡
06/04/2026
Unang Regular Session sa Buwan ng Abril (4-6-2026). Kanina ay naging tampok ang pagbubuo ng Ad Hoc Committee para sa Energy Crisis Management. Mabuti ito para mapaghandaan natin ang impact ng krisis sa enerhiya.
05/04/2026
Unang Flag Ceremony ngayong Abril 🇵🇭
6 April 2026