14/07/2026
๐๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐๐ง, ๐ฆ๐๐ฒ ๐๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐๐ญ ๐ค๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง.
Sa isang lipunang inklusibo, bawat isa, anuman ang kapansanan, ay may karapatang makilahok nang ganap, magkaroon ng pantay na oportunidad, at maipamalas ang kanilang kakayahan nang may dignidad at paggalang.
Sama-sama nating buwagin ang mga maling pananaw, stereotype, at mga hadlang na naglilimita sa partisipasyon ng mga taong may kapansanan. Kilalanin natin ang kanilang kakayahan, hindi ang kanilang limitasyon, at itaguyod ang isang komunidad kung saan ang bawat isa ay may pagkakataong umunlad, makapag-ambag, at maging bahagi ng pagbabago.
-
Alinsunod ito sa Proclamation No. 597, s. 2024, na nagtatakda sa Hulyo 17 hanggang 23 ng bawat taon bilang National Disability Rights Week, bilang pagkilala sa patuloy na pagsusulong ng karapatan, dignidad, at pakikilahok ng person with disability sa ating lipunan.
14/07/2026
๐๐จ๐จ๐ฉ๐ฉ๐ฌ, ๐ง๐จ! ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐จ ๐ค๐๐ก๐ข๐ง๐๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐ฒ๐๐ค. Tears are a natural expression of human emotions, not a measure of masculinity. Everyone, regardless of gender, has the right to express sadness, pain, grief, or even overwhelming joy without fear of judgment.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ โ๐๐๐ฅ๐๐ค๐ข ๐ค๐, ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ค๐ ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ข๐ฒ๐๐ค?โ ay maaaring maging nakasasakit dahil ipinahihiwatig nito na ang kalalakihan ay hindi dapat magpakita ng emosyon. Nakabatay ito sa stereotype na ang "tunay na lalaki" ay dapat laging matatag, hindi umiiyak, at hindi nagpapakita ng kahinaan.
Sa realidad, ang pag-iyak ay normal at malusog na paraan ng pagpapahayag ng damdamin. Ang emosyon ay bahagi ng pagiging tao at hindi ito dapat ikinakabit sa kasarian. Ang pagpapakita ng nararamdaman ay hindi senyales ng kahinaan, kundi ng pagiging totoo sa sarili at pagkilala sa sariling emosyon.
Ang ganitong pananalita ay maaaring magtulak sa mga kalalakihan na itago ang kanilang nararamdaman, matakot humingi ng tulong, at magdulot ng negatibong epekto sa kanilang mental health at emotional well-being. Maaari rin nitong mapanatili ang mga mapaminsalang paniniwala tungkol sa pagiging "matigas" o "walang emosyon" ng mga lalaki.
Manatiling sensitibo at magalang sa pakikitungo sa iba. Bigyan natin ang bawat isa ng ligtas na espasyo upang maipahayag ang kanilang damdamin nang walang panghuhusga o diskriminasyon.
Remember, showing emotions does not make anyone less of a man. Everyone deserves empathy, understanding, and the freedom to express how they truly feel.
Ano mang oras, saan man naroroon, .
04/07/2026
๐๐ฅ๐ฅ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฌ ๐๐๐ฏ๐ ๐๐ฎ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ญ๐ฌ, ๐ข๐ง ๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐ง๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ญ ๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Sa pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2026, buong galak nating binabati ang lahat ng tatlumpung (30) barangay sa Lungsod ng Pasig para sa kanilang kumpletong pagsusumite ng 2027 Barangay Gender and Development (GAD) Plans and Budgets (GPBs).
Sa kauna-unahang pagkakataon sa planning and budgeting cycle, nakamit ng Pasig City ang 100% submission rate ng Barangay GAD Plans and Budgets. Ibig sabihin, lahat ng 30 barangay ay nakapagsumite ng kani-kanilang GPB bago ang paghahanda ng kanilang Annual Budget para sa susunod na taon.
Ang pagsusumite ng GPB ay isa lamang sa mga mahalagang yugto ng proseso. Alinsunod sa DILG-PCW-DBM-NEDA Joint Memorandum Circular No. 2024-01, o ang Revised Guidelines for the Localization of the Magna Carta of Women, ang lahat ng isinumiteng Barangay GAD Plans and Budgets ay sasailalim sa review at assessment ng City GAD Focal Point System bago ang opisyal na pag-eendorso ng Local Chief Executive.
Sa Pasig, pinalalakas pa ang prosesong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 11, s. 2026, na nagtatatag sa Joint Technical Review (JTR) Team bilang bahagi ng submission, review, at endorsement process ng Barangay GPBs. Ang JTR Team ay binubuo ng Pasig City GAD Department, City Planning and Development Office (CPDO), at DILG Pasig City Field Office upang matiyak na ang mga panukalang programa, proyekto, at aktibidad ay naaayon sa umiiral na mga polisiya, tumutugon sa mga natukoy na gender issues, at nakaangkla sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan.
Batay sa official records ng GAD Planning, Coordinating, Monitoring, and Evaluation Division as of June 26, 2026, dalawampuโt anim (26) sa 30 barangay ang sumailalim na sa Joint Technical Review sessions, habang ang natitirang apat (4) na barangay ay nakatakdang sumailalim sa review process bilang bahagi ng final endorsement.
Congratulations sa ating mga Punong Barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, Barangay GAD Focal Point Systems, at iba pang stakeholders para sa inyong dedikasyon at patuloy na pagsusulong ng isang mas inklusibo, gender-responsive, at makataong pamamahala para sa bawat Pasigueรฑo.
01/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ฬ๐!
Ngayong July 2, 2026, muli nating ipinagdiriwang ang kapistahan ng ating minamahal na Lungsod Pasig. Sa makasaysayang araw na ito, inaaanyayahan namin ang sambayanang Pasigueรฑo na makiisa at makisaya sa mga aktibidad na inihanda para sa lahat!
๐๐ถ๐๐ฐ๐ผ๐๐ป๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ฏ๐ถ๐ฒ๐
Espesyal na handog para sa isang espesyal na okasyon! Mula 03:00AM hanggang 06:00PM ngayong araw, maghahandog ng discounts at freebies ang ilang mga vendor ng Mutya ng Pasig Mega Market para sa mga mamimili.
๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐๐ถ๐๐ถ๐ฐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ
Magsisimula ng 06:30AM, isang makulay na parada ang matutunghayan mula sa Sta. Clara de Montefalco Parish (C. Raymundo Ave.) hanggang Plaza Rizal.
Pangungunahan ito ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kasama ang 30 barangay, mga ahensya ng pamahalaan, mga paaralan, civil society organizations, religious institutions, pribadong sektor, at marami pang iba.
Para sa Traffic Advisory kaugnay ng Civic Parade, i-check ang naunang post sa link na ito: https://bit.ly/CivicParade2026_TrafficAdvisory
Maaari ring ipakita ang iyong suporta sa pamamagitan ng pagtutok sa livestream ng Pasig City Public Information Office.
๐ง๐ต๐ฎ๐ป๐ธ๐๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐
Sa ganap na 12:15PM, sama-sama rin tayong magpasalamat sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na idaraos sa Immaculate Conception Cathedral of Pasig (ICC-Pasig).
Kung hindi makakadalo nang personal, maaaring mapanood ang livestream ng misa sa official page ng ICC-Pasig.
โโ
Ayain na ang iyong kamag-anak, kaibigan, o mga katrabaho! Ipagbunyi ang ating kasaysayan, kultura, at pagkakaisa bilang isang lungsod na patuloy na sumusulong tungo sa mas maunlad at mas magandang kinabukasan.
Mabuhay ang mga Pasigueรฑo!
01/07/2026
๐๐จ๐จ๐ฉ๐ฉ๐ฌ, ๐ง๐จ! ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐จ ๐ง๐๐ค๐๐๐๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ซ๐ข๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ค๐๐ฒ๐๐ก๐๐ง. A person's competence, leadership, strength, and potential are not determined by whether they are a woman or a man. Every individual deserves to be recognized based on their skills, qualifications, and character, free from assumptions, biases, stereotypes, or discrimination.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ โ๐๐๐๐๐ ๐ค๐, ๐ค๐๐ฒ๐ ๐ฆ๐จ ๐๐ โ๐ฒ๐๐ง?โ ay maaaring maging nakasasakit dahil ipinahihiwatig nito na ang pagiging babae ay dahilan upang pagdudahan ang kakayahan ng isang tao. Nakabatay ito sa stereotype na may mga gawain, propesyon, o tungkulin na mas angkop lamang para sa kalalakihan at na ang kababaihan ay likas na mas mahina o hindi gaanong may kakayahan.
Sa realidad, ang kakayahan ay hindi nakadepende sa kasarian kundi sa kaalaman, kasanayan, karanasan, dedikasyon, at oportunidad na natatanggap ng isang tao. Maraming kababaihan ang matagumpay na namumuno, naglilingkod, nag-iinnovate, at nagtatagumpay sa iba't ibang larangan na minsang itinuturing na para lamang sa kalalakihan.
Ang ganitong tanong ay maaaring magpalakas ng gender bias at magdulot ng pagdududa sa sarili ng mga kababaihan. Maaari rin nitong limitahan ang kanilang mga oportunidad at magpanatili ng mga lumang paniniwala na humahadlang sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Manatiling sensitibo at magalang sa pakikitungo sa iba. Kilalanin ang bawat tao batay sa kanilang kakayahan, kontribusyon, at potensyal, hindi sa kanilang kasarian.
Remember, a person's capability is never defined by their gender. Everyone deserves equal opportunities, equal respect, and equal recognition for what they can achieve.
Ano mang oras, saan man naroroon, .
01/07/2026
TINGNAN | ๐๐ ๐๐๐ง๐ญ๐จ๐ฅ๐๐ง ๐๐๐จ๐ฉ๐ญ๐ฌ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ, ๐๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐๐จ๐ฆ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month noong Hunyo, opisyal na isinulong at pinagtibay ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan noong Hunyo 24, 2026 ang pagbuo ng kauna-unahang Barangay PRIDE Development Council, isang mahalagang hakbang tungo sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, inklusibong pamamahala, at mas matibay na proteksyon sa karapatan ng LGBTQIA+ community sa antas ng barangay.
Nakiisa ang Pasig City Gender and Development Department sa aktibidad at buong pusong nagpahayag ng suporta sa inisyatibang ito. Binigyang-diin din ng Tanggapan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng City Ordinance No. 05, Series of 2022, na nagtatag ng Pasig City PRIDE Development Council sa lungsod bilang pangunahing mekanismo sa pagsusulong ng mga programa, polisiya, at adbokasiyang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at karapatang pantao ng lahat ng kasarian. Kaugnay nito, pinatitibay rin nito ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 04, Series of 2022, o ang Comprehensive Anti-Discrimination Ordinance ng Lungsod ng Pasig.
Layunin ng PRIDE Development Council na magsilbing plataporma para sa makahulugang partisipasyon ng LGBTQIA+ community sa pagpaplano, pagbuo ng mga programa, at pagbalangkas ng mga polisiya na tumutugon sa kanilang pangangailangan at kapakanan. Inaasahan ding magsisilbi itong katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng ligtas, patas, at lipunang malaya sa pang-aabuso at diskriminasyon para sa lahat.
Taos-pusong pagbati sa buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan sa pangunguna ni SK Chair Elijah Q. Boncay para sa kanilang makabago at makabuluhang inisyatiba. Ang inyong liderato ay patunay na ang kabataan ay mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng patas na Lipunan para sa lahat ng indibidwal ano man ang kasarian.
Binabati rin natin ang mga kauna-unahang halal na opisyal at miyembro ng Barangay Santolan PRIDE Development Council. Nawaโy magsilbi kayong inspirasyon at katuwang sa pagtataguyod ng isang komunidad na kumikilala, gumagalang, at nagtatanggol sa dignidad at karapatan ng bawat isa.
Sa Pasig, walang maiiwan. Sama-sama nating itinataguyod ang isang lungsod na inklusibo, makatarungan, at may pantay na oportunidad at pagtingin para sa lahat.
24/06/2026
GAD MANDATE | ๐๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฒ ๐๐/๐ ๐๐ข๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐ ๐๐ ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ฆ๐๐ง (๐๐๐) ๐๐๐ฌ๐ค.
Alinsunod sa Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women, inaatasan ang lahat ng local government units na magtatag ng Violence Against Women (VAW) Desk sa bawat barangay upang matiyak na ang mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan ay natutugunan nang buo, maagap, at sa paraang sensitibo sa kasarian o gender-responsive.
Ang Violence Against Women (VAW) ay tumutukoy sa anumang uri ng gender-based violence na nagreresulta o maaaring magdulot ng pisikal, sekswal, o sikolohikal na pinsala o pagdurusa sa kababaihan. Kabilang dito ang mga pagbabanta, pamimilit, o hindi makatarungang pagkakait ng kalayaan, maging ito man ay nagaganap sa pampubliko o pribadong buhay.
Kung ikaw o ang iyong kakilala ay nakararanas ng pisikal, sekswal, sikolohikal, o ekonomikong pang-aabuso mula sa asawa, kinakasama, dating kinakasama, kasintahan, dating kasintahan, o sinumang may malapit na relasyon sa iyo, maaari kang lumapit sa VAW Desk ng inyong barangay anumang oras upang humingi ng tulong, mag-ulat ng insidente, at makatanggap ng agarang suporta at kaukulang serbisyo.
FIND VAWC HOTLINES: https://www.facebook.com/share/p/1BgSHQFyqG/
Para sa iba pang katanungan, maaari ding magpadala ng mensahe sa ating GAD Legal and Special Concerns Division sa [email protected]
May handang makinig. May batas na nagpoprotekta. May tulong na maaasahan. Huwag manahimik, lumapit sa inyong barangay VAW Desk.